Chapter 22

4 3 0
                                    

"Tignan nyo sila nang mabuti, Sa tingin nyo? Ano ang possible question sa first round natin?" Tanong ni ate Kath at napa-isip ang lahat

Lahat naman sila matatalino, they came from regular class and special sections. Baka sino sakanila ang mga scholar or sino sakanila ang may nakakuha ng scholarship.

Unexpected and specific, naalala ko ang saad ni Elin kanina na specific. Napatingin ako mula kay kuya Psalm hanggang kay ate Lynx. They are all genius person and good looking. Si kuya Psalm, ate Hela at si Chrystal nagmula sa regular class, si Veniece, Keil at ate Lynx sa STE at si Anthony ay techvoc.

Inilapit nang tatlo ang bangko nila saakin, i mean sina ate Hera, Aira and Glennis. Mukhang na raramdaman nila na iisip ako nang mabuti.

Tinignan ko sina kuya na nagiisip nang mabuti, lahat sila ng tropa nya may ibat ibang paraan para magisip. napakunot ang noo ko nang marealize ang tanong.

Tama, differences... characters... attitudes... IQs

"I think..." napatingin saakin sina ate "kung sino sakanila ang nakatanggap nang higit sa dalawa o tatlong scholarship." This time, napabaling na silang lahat saakin, tumigil sila sa pagbabangayan at pag-uusap ng kahit ano. Tinoon lahat ng atensyon saakin.

Nararamdaman ko ang mga tingin nila saakin, kasama na dun ang mga kaklase ko habang ako tinitignan ng mabuti ang mga taong nasa stage. Sinusuri ko ang mga mata nila... they are all different, iba iba ang porma, iba-iba ang ugali, may masaya, may malungkot, may tama lang, may medyo kabado pero iisa lang ang parehu sakanilang lahat, palareho silang matatalinong tao...

They all have similarities but they also have differences

"They are all genius but different personalities. Katulad ni Keil, ni Veniece, ni kuya Psalm, ni ate Lynx at ni ate Hela. Genius yet hideous."

"Ang tanong?!" Bitin na sigaw ni kuya Rick sa lahat. The ground went silent for a moment while waiting for the question. Walang kumurap at nakatingin lahat kayna kuya na nasa stage.

"Sino-sino sakanila ang nagkaroon ng apat o higit pa'ng scholarship galing sa iba't ibang paaralan?" Automatically, their eyes we're on me and they're all amused, hindi sila makakurap sa pagkabigla. May question was totally right yet yung number lang ang wrong

"Pota pano mo nalaman?"

"Paano mo nalaman Ky?"

"Instincts." Mayabang na biro ko sakanila habang nakatingin pa rin sa choices.

"Gagu"
"Ha-ha-ha nakakatawa!"

Nakatingin pa rin ako sa mga choices. Hawak na nila ngayon ang mga cards na ginawa ko kagabi, ang pinagpuyatan at pinaghirapan ko

"Every department will be given a chance to choose four because this is round one, four out of seven. Four rights three wrongs..." Aniya ni ate Kath.

Four? If ako ang pipili, pipiliin ko si Keil, ate Hela, Veniece pero hindi ko na alam ang sino ang huling pipiliin ko. Para maging scholar ka kailan mo'ng maging matalino, nakabased sa IQ mo, minsan ang IQ mo ang magiging reason why they want you to be their students. All Deans and principal wants to make their school fly up high so they needed someone to flip them up.

Alangan naman kulikotin ko ang utak nila para malaman lang ang IQ ng mga yan diba? Ano ako bobo?

"Sinong gusto mo'ng piliin sakanila, Ky?" Biglang tanong saakin ni ate Hera. Kanina pa kasi sila nag-aaway sa kung sino ang dapat piliin.

Pinabayaan ko na nga lang sila e, nakatotok lang ang pansin ko sa pagpipili ng mga pipiliin ko. Kinikilatis ko ng mabuti.

"Para saakin, si Veniece, si ate Hela... i mean si ate Jezkyll tyaka si..." napa'who' reaksyon agad sila noong tumigil ako sa pagsasalita, lahat sila nakataas at nakakunot ang noo'ng nag-aabang sa kung sino ang huling gusto ko'ng piliin.

Beyond the beauty you can see (onhold)Where stories live. Discover now