Chapter 16

17 3 2
                                    

Foundation week

Trishia Khyleigh

Masasabi ko na excited na excited talaga ang mga tao. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko, yung alam nyo yun parang hindi kasi ako sanay sa mga ganito. Sobrang nakakapanibago ang masali sa ganitong mga pangyayari. Nabibigla pa rin ako minsan, pero baka sa susunod na buwan masasanay rin naman ako.

"Trish?" Tawag ng tinig mula sa likod ko at kinilabutan ako. Kabang kaba akong lumingon.

Good thing si ate, Kathy lang pala yun. Akala ko kung bagong tao mula sa nakaraan nanaman.

"Po?" Tanong ko at ngumiti sya na parang may sasabihin pero nahihiya sya.

"Diba? Ahmm... diba marunong kang kumanta?" Tanong ni ate at napakagat ako ng labi sa gulat.

"Opo!" Sabay na sabi ng tatlo at ako naman umiling nalang.

"Opo, bakit?" Tanong ko at ngumiti sya ng may pag-aalinlangan if sasabihin nya ba ang pakay nya or hindi.

"Ahm... nag request kasi si Pres. na baka makapag intermission ka kahit sandali mamaya. Nagka-conflict kasi sa schedule ng program, may problema lang." Sabi ni ate at tumango nalang ako.

"Akala ko, matatagalan pa ako kakakumbinse sayo. Thank you ah. Ikaw ang naging sagot sa problema namin. Actually, may mga marurunong din naman saatin na kumanta kaso lang they are out for buying foods. Hindi sigurado kung dadating sila sa tamang oras. Ayaw ni pres na magrisk lalo na't nakakapressure kasi ang laki ng expectations nila saatin kasi tayo ang nagpropose ng bagong foundation week. Ayaw lang nyang masira yun at mapahiya tayo. Siguro one song will be the answer." Sabi nya at tumango naman ako.

Sa ganitong bagay lang ako makakapagcontribute kaya bakit hindi? The whole week wala ako para mag duty kaya naguguilty ako at the same time kaya hindi ako humindi. Sobrang pagod na siguro nila ngayon feel ko.

Sinabihan ko rin naman sina mama at papa na kung may time sila kung pwede nilang tulongan ang organization namin kasi wala ako.

Nagpaalam ang tatlo na aalis para kumuha ng makakain kasi pagod sila at nagugutom.

"Tama nga sila, you are different. Ibang iba ka sa mga kuya mo." Sabi ni ate Kath at napalunok ako. Sya ang bumasag sa katahimikan na bumabalot saamin, hindi ko kasi alam kung paano ko sya eh aaproach. Parang may na raramdaman akong awkwardness between us. Hindi ko ma explain pero parang mayroon.

Bakit? Ano ba sina kuya sa school na to? Iba ba ang trato nila sa mga istudyante? Bakit noon pa man kahit ayaw nilang sabihin saakin feel ko ganyan na ganyan ang gusto nilang ipahayag saakin. Parang sinasabi nila na sobrang layo ko sa mga pinsan ko.

"Can i ask?" Tanong ko at tumango sya.

"What are they in this school? I mean, are they rude? Are they disrespectful?" Tanong ko at tumawa sya habanh umiiling.

"Hindi man ako ganun ka close kay Janfred ngayon, pero alam kung mabait sya yun nga lang noong grade eight sya nagbago ang ugali nya. Noong grade seven sya mas nagsasalita sya noon at nasa isang organization pa sya pero noong nag grade eight sya nagbago sya at halos hindi na magsalita tango nalang ang nagiging tugon nya. He didn't even want to enter an organization again. He is respected by all because he's a son of a Cruz."

Tama nga naman sya, si kuya Fred ang kapatid ni kuya Frequent at ni ate Zara, anak pa sya ng head ng faculty ng school na si Flairen Elizabeth Gomez-Cruz. He should be respected by everyone.

" Si Rexander naman, dahil isa syang Cruz katulad ni Janfred. The day he step his foot in the school everything like, adore, love and respect him, like Janfred. Halos parehong pareho sila ng ugali, halos hindi rin naman nagkalayo ang mga ugali nilang dalawa, yun nga lang si Rex mas pala dada kaysa kay Janfred." Sabi niya at nangunot ang noo ko. Bakit feel ko may something awkward. Parang kilalang kilala nya ang mga kuya ko lol. Siguro nga, ganun sila kasikat ni kuya Xander.

Beyond the beauty you can see (onhold)Where stories live. Discover now