Ang buhay ng isang Skylar ay mahirap... Sa araw araw na buhay, araw araw ang pag titiis niya ng sakit. Na hindi niya dapat maranasan.
"Sky! Sama ka? Bar daw sila Jimuel? Aish! Inaya nga ako, gusto ko sumama kasi why not naman 'di ba? Pero ikaw ba?" masiglang yakag ng kaibigan niyang si Athena.
"Ayaw ko, baka mapagalitan ako ni Mama..." Inaasahan na rin ito ni Athena. Palagi naman, eh.
"Ah, oo, sige." malungkot nang sagot ni Athena.
Ang Buhay ni Skylar ay ganiyan, hindi sa nakatali pero parang ganun na nga.
Natapos ang klase, nag yakagan ang mga kaibigan niya. Expected naman na niyang hindi siya makaka-sama, kaya hindi na lang siya kumibo.
"Athena! Sama ka ha? Treat ni Abigail, sa bar." Si Jimuel ang may sabi no'n.
"Huh.. Oo naman? Sinabi ko na nga kay Sky." Si Athena. Hindi niya kailanman pinagpaliban si Skylar.
"Sasama siya? Athena.. Hindi naman nag sabi si Abi na kasama siya ah?"
Walang hiya, sa harap ba naman ni Skylar mag sabi ng ganoon?
Syempre, pumalag si Athena. "Hala grabe ka naman! Kaibigan naman natin siya, ah?"
"Thena! Okay na 'yun, hindi ko rin naman gusto sumama 'di ba?" Si Skylar, ganiyan lang 'yan. Hindi niya iniintindi ang sarili. Ang importante ay iba. ganoon 'yan, eh.
"Kahit na, Sky. makapag salita 'tong si Negneg na Jimuel 'kala mo matangkad, eh, Growee ka muna, boi!" lait ni Athena, handa kasi talaga itong makipag-away para kay Skylar. Lagi siyang ganiyan at wala nang duda iyon.
"Kapal mo, Athena, nakiki kaibigan na lang 'yang si Skylar nag mamaangas ka pa. Payatot!" Nakaka-rindi, oo. Pero hindi rin naman magpapa-pigil si Athena, eh.
"Nye, nye, nye! Pandak ka naman ta's maitim." Sa pakikipag asaran ni Athena, ay talagang nahihiya si Skylar. Totoo naman, eh, na hindi siya belong. Pero ipipilit pa 'yon ni Athena at ipag-lalaban si Skylar.
Gan'yan mismo. Oo at ramdam iyang hindi siya mahalaga. Mula sa labas at hanggang sa...
"Jusko ka naman, Skylar! Ang simpleng History, hindi mo maipa-90?! Sus maryosep, hindi ka gumaya kay Samara? Ayan at matataas ang grade!" galit na litanya ng kaniyang ina, ikinumpara pa siya sa kapatid niyang mas bata.
"Hindi ako si Sam, 'Ma," sagot niya na lang. Hindi niya naman ugaling sumagot at hindi rin naman siya mananalo kung sakali. Nanay niya iyan, eh. Kaya yumuko na lang siya at pilit na hindi umiyak.
"Mama, nag-taka ka pa po ano? Ikaw nag-ampon d'yan eh. Malamang bobo magulang niyan." pa-lait na gatong nitong kapatid niya, si Sam.
"Sam! Hindi ako ampon ah? 'di ba, Ma?" Sagot niya kay Sam. Sinubukan pa niyang humingi ng tulong.
Kahit pa alam niyang hindi siya kakampihan ng mama niya, pu-pwede namang mag baka sakali.
Pero bakit siya umasa? Pakiramdam niya, guguho ang mundo niya. Pero pinili na lamang niyang manahimik, hindi maniwala, ganoon.
"Ampon ka nga yata kasi bobo ka." Ayan kasi ang naging sagot ng ina niya, ngunit sa totoo? Hindi naman siya bobo. Sadiyang hindi lang niya napag-lalaanan ng oras ang pag-aaral. Masiyado itong depressed.
Oo, nakararanas siya ng depression. Sa pamumuhay niya? Hindi imposible.
Sa paaralan, sa bahay, sa labasan. Malungkot ang pakiramdam niya.
Paano niya ito malalagpasan? Darating ba ang tinadhana sa kaniya sa oras na hindi niya inaasahan?
Ang pagkawala ba sa kaniya ng mga taong may halaga at nananatili sa kaniya ay ang hudyat ng pag suko niya? O mayroong kapalit na darating para ituro sa kaniya ang liwanag ng dilim na tinatahak niya?
✒depression✒
All in all fictious. If you noticed some error (grammatical, typo) please correct me and understand my mistake.
DISCLAIMER: This story is NOT edited meaning RAW.
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidential.
BINABASA MO ANG
Depression (Completed)
Teen FictionAno nga ba ang saluobin ng isang babaeng iniwanan ng kasiyahan at tinalikuran ng kaliwanagan? Samahan si Skylar Joy Marina, siya ang babaeng masaya ang pangalan ngunit kalungkutan ang mayroon sa kalooban. Gabi gabing maraming dahilan, para iyakan. W...