CHAPTER 9 - WE'RE HERE

18.1K 783 39
                                    

"Fuck!" Agad tinakpan ni Frahisto ang kaniyang bibig pero naalarma na ang mga taong nando'n. Bago pa sila paulanan ng bala, mabilis na siyang nahila papalayo ng lalaki. "Bilisan mo ang takbo!"

Sunod-sunod siyang tumango. Hindi naman niya ginustong tumili, may ahas lang talaga at takot siya mga ganiyan at baka kagatin siya, "Oo! Sorry..."

Hindi ito sumagot. Mahigpit lang nitong hinawakan ang kaniyang kamay at ginigiya siya papalayo. Marami na rin ang humahabol sa kanila at may nagpapaulan ng bala. Kung 'di dahil sa matataas na mga puno ro'n baka kanina pa sila natatamaan ng bala. Nagulat pa siya nung may hawak itong baril at nakipagsagutan ng baril. Napapasigaw siya sa bawat putok ng baril sa paligid. Pakiramdan niya, lumalabas ang kaniyang puso. Mamatay yata siya sa heart attack.

"Dapa!"

Kung 'di siguro siya nahila ng lalaki, baka natamaan na ang kaniyang ulo. Diyos ko! Ayaw pa niyang mamatay. Biglang pumihit ang katawan nito, tinakpan siya para 'di siya matamaan. Nakipagsagutan ito ng barilan. Gusto sana niyang makita kung natamaan ba pero masyadong malapad ang katawan ni Frahisto, 'di niya makita.

"Mamatay na ba tayo rito?"

"No."

Napatango siya. Baka maingayan ito sa dami ng kaniyang tanong. Pinikit na lang niya ang kaniyang mata at tinakpan ang magkabilang teynga. Mabibingi na yata siya nito pagkatapos. Ganito pala ang feelings kapag nasa ganitong sitwasyon pero ang weird lang, dahil 'di siya nakaramdam ng takot. Maybe dahil nasa tabi niya lang ang lalaki.

"Run!"

Napabangon siya nang hilain siya nito. Tinatakbo nila ang kahabaan ng kakahuyan. Ginamit na rin niya ang flashlight kaya nakikita niya ang daan. Gusto sana niyang tanungin kung bakit at paano nakakakita sa dilim ang kasama niya ngayon.

Napasigaw siya nang sumabit ang kaniyang damit sa barbed wire. Baka maabutan sila ng humahabol sa kanila. Nagulat na lang siya ng punitin ni Frahisto ang kaniyang palda. Magrereklamo pa sana si Odessa dahil sobrang ikli at halos kita na ang kaniyang kaluluwa pero mabilis na siyang nahila nito papalayo.

"Huwag kang lumingon!"

"H-ha?"

"Damn, Odessa! Focus." hinigpitan nito ang pagkakahawak sa kaniyang kamay habang tumatakbo sila.

"Oo! P-pero and'yan na sila——"

Kinuha nito ang bitbit niyang flashlight at tinapon sa isang tabi. "I said, focus."

Muli siyang napasigaw ng may bumaril sa kanila pero gumanti ng barilan dito ang lalaki. Napakagat na lang siya ng labi. Kahit magkahawak kamay sila nito ngayon, hindi pa rin niya mapigilang kabahan para sa kaligtasan nilang dalawa. Uuwi pa ito ng Maynila, sa asawa nito. Kaya dapat makaligtas sila ngayon.

"Hanapin niyo sila!"

"Yes boss!"

Nagtaka siya kung paano sila umabot sa batis. Napatingin siya sa nagsalita, namukhaan niya ang lalaki. Ito 'yong Mayor nila at may bitbit na baril. Naguguluhang napatingin siya kay Frahisto, tiningnan lang siya nito at sinenyasang mamaya na magtanong.

Nasa ilalim sila ng malaking batuhan habang hanggang dibdib nila ang tubig. Nakayakap siya sa lalaki at pinantay sa katawan nito para 'di siya malunod. Ang cute ba naman ng height niya. Tamang-tama lang na walang makakapansin sa kanila na do'n magtago, maliban sa puro malalaki ang mga bato. May nakaharang pa na natumbang kahoy.

"Hindi pwedeng 'di sila mahanap. Masisira ang reputasyon ko! Bilis, hanapin niyo at patayin ora-mismo!"

Napayakap siya ng mahigpit sa katawan ni Frahisto sa narinig. Nagkalat ang liwanag ng flashlight na dala ng mga ito at kaniya-kaniyang hanap ang mga tauhan nito. Buong akala niya, mabait 'tong Mayor nila. Nakakalungkot isipin. Marami pa naman silang sumaludo sa galing nitong magpatakbo sa bayan tapos may baho pala ito.

Pulis ba siya? Gusto niyang itanong ang bagay na iyon sa lalaking halos kapalitan lang niya ngayon ng paghinga. Medyo naiilang siya sa sitwasyon nilang dalawa pero wala siyang magawa. Kapag bumitaw siya sa pagkakapit dito, baka malunod siya.

Ilang minuto silang gano'n hanggang sa tumahimik na ang paligid. Naririnig niyang tumakbo na paalis ang mga tauhan ng Mayor. Saka siya nakahinga ng maluwang. Hindi na nga niya napansin na malamig ang tubig dahil sa sitwasyon pa lang nila ng lalaki, wala na, mahihiya ang tubig sa sobrang hot nito.

"Wala na sila!" tango lang ang naging sagot ni Frahisto sa kaniya, "Pwede na ba tayong bumalik sa bahay?"

Umiling ito at sinenyasan siyang 'wag maingay, agad naman siyang tumahimik at hinintay na magsalita ang lalaki. Nag-alala siya sa kaniyang Tatang. Paano kung nakilala siya ng mga tauhan ng Mayor at ang Itang niya ang binalikan? Hindi niya matatanggap na may masamang mangyayari rito. Nagsimula siyang 'di mapakali.

"F-frahisto..."

"Hmm?"

Nag-alangan siya magsuhestyon ulit na umuwi na. Napahugot siya ng malalim na buntunghinga at bahagyang lumuwang ang kaniyang pagkakapit. "G-gusto ko ng umuwi."

"You can't."

"Bakit?"

"They're everywhere. Kapag nakita nila tayo, mas madali nila tayong mapatay."

Napahugot siya ng hangin. Tama naman ito pero ang kaniyang Itang? Baka may masamang nangyari rito. "Pero si Itang——"

"Bakit ka sumunod? Alam mo bang delikado ang ginagawa mo, ha? Paano kung natamaan ka? Paano kung nauhan ka nila? Ano, Odessa?" galit nitong tanong at nasisilong siya sa tono ng boses nito.

Nagyuko siya ng tingin. Sasabihin ba niyang nag-alala siya? Malay ba niyang Pulis ito? Napabuntunghinga naman si Frahisto at kumalma.

"S-sorry..." napakagat siya ng labi.

Tanging tango lang nito ang sagot at hindi na nagsalita pa. Nanatili silang gano'n ang pwesto nang magpasya itong umahon sila sa tubig at sa tabi sila manatili. Baka raw sipunin siya at ubuhin sa lamig. Kahit papaano, napangiti siya sa pag-aalala nito. Muntik pa siyang kiligin kung hindi lang siya inubo.

"Fuck!"

"Okay lang ako." Ngumiti siya.

Sinamaan lang siya nito ng tingin at pinaupo sa isang tabi. Tamang-tama lang na walang makakakita sa kanila kung sakaling may dadaan, "Dapat sa mga oras na ito, tulog ka na. Ngayon inubo ka na, kargo de konsensya ko pa."

"Pero okay lang——"

"You're not."

Muli siyang inubo. Tumakbo ba naman silang mala-athlete ng track 'n field, tapos sabay lusong sa tubig... Kaya 'di nakakapagtaka. Nag-alalang hinagod nito ang kaniyang likod at sinisermunan siya. Imbes na ma-offend, napangiti siyang parang tanga. Wala lang, ang cute nito magalit. Hindi niya mapigilang kiligin kahit nagmukha na siyang tanga kakaubo.

"Okay-okay! I guess, they're gone already. Dalhin na kita sa bahay. Kailangan mo magpalit ng damit at——"

"May naririnig akong boses! Baka sila na 'yan!"

"Close your eyes." Naramdaman niyang pinangko siya ni Frahisto.

Ando'n na naman 'yong ligaw niyang feelings sa lalaki, nangungulit. Pinikit na lang niya ang kaniyang mata at hinayaan ito. Alam niyang 'di siya ipapahamak. Sa mga bisig pa lang nito, hundred safe sure ang nararamdaman niya.

Basta nung nagmulat siya ng mata, nasa bahay na sila. Hindi nakabukas ang ilaw at wala man lang itong pakialam. Naglakad ito habang pangko siya na parang sanay sa dilim. Deritso nitong tinungo ang kaniyang kwarto at marahan siyang nilapag sa kamang gawa sa kawayan. Wala itong kutson.

"We're here..."

Hindi siya kumibo. Tahimik lang siyang lumayo at tumalikod na ito sa kaniya. Tinungo nito ang pintuan para lumabas.

"F-frahisto..." Napalingon ito sa kaniya. "Please, 'wag kang umalis."

Walang sagot mula rito pero nakita niyang tuluyan itong lumabas ng kwarto niya. Napabuntunghinga siya at kinurot ang sarili. Ang OA niya ba naman kasi. Bakit niya pinapa-stay sa silid niya ito samantalang may asawa nga pala ito.

Ang tanga mo!

Nagpasya siyang magpalit ng damit at uminom ng maraming tubig. Sana, makatulog siya sa gabing ito pagkatapos ng barilang nangyari. Tingin niya, mahihirapan siya nito sa pagtulog.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon