Kung namangha siya kanina sa tanawin mula sa balcony, mas namangha siya nung nasa rooftop sila. Habang naglalakad sila sa pasilyo papuntang elevator, ang daming pumapasok sa utak niya. Like, anong gagawin nila sa rooftop at mainit do'n. Bakit sa rooftop pa, may mesa naman? Gusto rin sana niyang itanong kay Frahisto or Farhistt, kung bakit sa itaas. Mainit kamo at masusunog ang glass skin niyang sunog. Kung hindi pa siya sinabihan nito na magsuot ng disposable slipper, baka nagpaa lang siya hanggang ngayon.
"Ang ganda rito!"
"Oo... Maganda ka."
"H-ha?"
Mabilis itong umiling at giniya siya sa unahan kung saan nakalatag ang maraming pagkain sa puting bilog na mesa. Ang nakaya lang yatang pangalanan ni Odessa sa nakita; kutsara, pinggan at baso. The rest, pangmayaman na. Nakakapanghina ng tuhod! Kaya bigla siyang napakapit sa braso ni Frahisto nang maramdaman niyang mag-collapse yata siya anytime.
"Okay ka lang ba?" nag-alala ang mukha nito ng hawakan siya para makatayo ng maayos.
Mabilis siyang tumango at kiming ngumiti. Agad din niyang inalis ang pagkakahawak dito at dumistansya. Napapaso yata siya sa presinsya nito.
Nung makaupo na sila, inasikaso siya nito. Ito ang naglagay ng pagkain sa plato niya at balak yata siyang patayin sa pagkain dahil sobrang dami. Ito na rin ang nagtimpla ng kaniyang coffee na may creamer. Gusto sana niyang pigilan si Frahisto pero ang makita itong busy sa pag-aasikaso sa kaniya nang mga sandaling iyon, para siyang dinuduyan sa heaven.
Ang sarap sa feeling!
"Odessa? Odessa, hey! Okay ka lang? Odessa?"
Nanumbalik siya sa reyalidad nang tapikin nito nang mahina ang kaniyang pisngi. Agad siyang nagbaba ng tingin at umayos ng upo.
Nakakahiya ka! Bakit ba kasi nakatulala ka na naman diyan? Sandali siyang tumikhim at sinimulang tikman ang pagkaing nasa plato niya."Ang sarap naman!" Nakakatikim lang siya ng masasarap na pagkaing pangmayaman pag may birthday.
Kung sabagay, kahit birthday nilang magkakapatid... Tamang adobong tahong, pancit at bihon saka biko lang ang handa. Payts na! Magarbong handaan na iyon para sa kanilang na-belong sa mahihirap na pamilyang tinulungan itaguyod ang sarili para lang makapagtapos at maabot ang pangarap. Sabi nga nila; hindi hadlang ang kahirapan na meron ka ngayon, basta may pangarap kang gustong tuparin.
Ayaw man niyang mahulog ulit sa lalaki, heto na naman siya, parang tanga. Bakit kasi kung kailan nakapag-move on na siya kunwari sa feelings niya, saka ito babalik at magpapakita? Hindi nakakatuwa ang tadhana. Okay sana kung wala itong asawa. Nalungkot siya sa parteng iyon. Of course, ayaw niyang maging mistress o kabit. Masama iyon, sabi ng kaniyang Itang. Pero sa tingin niya, nagiging masama lang ang isang bagay kung aangkinin mo iyon kahit hindi sa'yo. 'Yong pagmamay-ari nang iba, aangkinin mo para lang sumaya ka.
"Bakit?"
Natigil ito sa pag-inum ng coffee at napatingin sa kaniya. "Hmm?"
"May asawa ka na Frahisto. Anong dahilan mo para dalhin ako rito sa rooftop at kasabay kang kumain? May asawa ka 'di ba? Masama iyon. Panloloko 'yang ginagawa mo. Saka... Saka... Hinalikan mo rin ako n-nung nasa batis tayo. T-that time, 'di mo ba naiisip man lang wife mo? Babae ako, Frahisto Kariton. Masakit sa'min kapag nalaman namin na pinagloloko kami. Hindi tama iyon. Maling-mali. Probinsyana man ako pero hindi ako nasisilaw sa material na bagay, mas lalong hindi ako nasisilaw d'yan sa kagwapuhan mo—— okay, aaminin ko na gwapo ka at... At... Ano... Basta iyon! Masama 'tong pinaggagawa mo Frahisto. Itigil mo na itong kalandian mo sa'kin."
"Odessa..."
Nag-iwas siya ng tingin at hindi na nagsalita. Tahimik na lang siyang hinarap ang kaniyang pagkain at ninamnam ang sarap ng pagkain. Baka ito 'yong huling kasalo niya si Frahisto. Inabot niya ang mug na may timplang kape at sinimsim iyon. Walang nagsalita sa kanila. Pareho silang tahimik at mas mabuti nga iyon.
"Odessa—–"
"Stop!" Binaba niya ang mug at matapang na hinarap ang mga titig nito. Kahit naiilang siya, pero kailangan. "Ano ba ang gusto mo? Ang gawin akong kabit o ang gawin akong kerida? Wait, same lang pala iyon. Basta iyon na 'yon at hindi ako papayag, Frahisto.
Hindi ako kaladkaring babae! Kahit gustong gusto kita, hindi pwede iyon. May puso akong hindi sakim sa pagmamahal na hindi para sa'kin." Sinabayan niya iyon ng tayo at
walang sabing umalis. Tinungo niya ang daan kung saan sila dumaan kanina.Natigilan lang siya nung maramdaman niyang hinila ni Frahisto ang kaniyang kamay at sinalubong siya ng mainit na halik. Magwawala pa sana siya pero himalang naiwan lahat sa ere ang kaniyang sinabi kanina, tuluyan siyang nadala sa masarap at mainit na halik nito na halos ayaw siyang pakawalan pa. Ang kamay nito ay nasa kaniyang beywang habang ang isa, sumusuporta sa kaniyang ulo para hindi siya makaiwas kung sasakaling dumistansya siya.
Ayan, ayan na naman 'yong feeling niyang parang nagsiawitan lahat ng mga ibon sa paligid. 'Yong feeling na parang inakyat siya sa ikapitong langit at sinalubong ng mga anghel sabay shake hands sa kaniya at bulong na ang landi-landi ng kaniyang matris. Ang feeling na pwede na yata siyang magpagulong mula rito sa rooftop hanggang sa mahulog siya sa tamang tao!
Ubod lakas niya itong tinulak at nabaling ang mukha nito sa malakas na sampal ma binigay niya. "Sabi ng may asawa ka na! Bakit ba ang hilig mong manghalik nang manghalik sa'kin, ha?! Gusto mo isumbong kita sa babaeng kumatok sa'kin kanina na nilalandi mo ako!"
"Fuck, Odessa! Matagal ng nasa langit ang asawa ko. Ang mali ko lang, hindi ko sinabi sa'yo ang parteng iyan kasi masyado akong pakampante sa sarili kong 'di ako mahuhulog sa isang probinsyana..."
"H-ha?" bigla siyang napipi at napaurong. Tama pa naman ang kaniyang pandinig. Ano raw ulit? Nasa langit? Ibig sabihin...
"I'm single. Ang singsing na suot ko, alaala ito ng yumao kong asawa but now you're here... You're... Making every inch of me gone wild and crazy. Gusto kita, Odessa. Gusto kita..."
Lord kunin mo na ako! Nag-hallucinations na ako. Malala na ang sakit ko, Lord. Ayuko pa ma-mental! Lord! Ano 'to?! Si Frahisto... Si Frahisto!
"I'd promised to myself before, no woman could ever make me fall on my knees. But here you are Goddess L. Elairon, proving me that love can be taught. Love happens in unexpected way..."
Marahan niyang sinampal ang sarili. Masyadong malala ang tinira niyang kape, naging high siya. "N-nahulog ka sa'kin..."
"cliché but yes. Nahulog ako sa sarili kong bitag na walang babae akong mamahalin. I did fall. Shit!" nagmura ito at bahagyang tumagilid. Naging mailap din ang mata at hindi siya kayang tingnan. Halatang namumula ang buong mukha. "I'm not sweet as sugar, Odessa, not even good in words to make you blush."
"Frahisto..."
Humarap ito ulit sa kaniya at tinitigan siya ng matiim sa mata. Halos mailang siya sa ginawa nito. "I... I've tried very hard to hide my true feelings from you. But, it's been really futile. I've been a coward for 5 fucking months! And I guess, it's time to stand up for myself and make my intentions known. Tama na ako Odessa sa pagkakataong ito, you are the ONE FOR ME."
Literal na bumagsak ang panga niya sa sinabi nito. Hindi siya nag-hallucinate. Totoo lahat ang kaniyang narinig. Hindi rin siya binibiro ng kaniyang pandinig! Totoong mahal siya ni Frahisto!
"T-the one for you? A-ako? Y-you mean, a-ako ang babaeng gusto——"
"Oh fuck, Odessa!" naputol ang kaniyang sinabi nang putulin nito ang pagitan nila ng isang masarap na halik.
Marahan na lang niyang pinikit ang mata at feeling dyosa sa mga sandaling iyon. Siya na ang dyosa sa lahat... Siya na ang may lovelife! Siya na ang pinagpala sa lahat ng dyosang nasa earth.
Good bye, Ma! Ikakasal ako.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARRERO
RomantizmHe is an undercover leader of Dark X, a private organization he created after his wife and son died. His world was jarred to the core. Naging manhid siya. Nawalan ng pakiramdam sa lahat ng bagay. Simula noon, he spent all his time handling cases k...