Isang dipa lang ang layo ni Farhistt kay Odessa. Nakaupo ang dalaga sa ibabaw ng kama habang malamig ang matang nakatingin sa labas ng bintana. Wala ng swerong nakakabit dito at pwede na itong iuwi ayon sa Doctor.
"Iuwi mo na ako."
Mabilis siyang tumango at nilapitan ito para alalayang tumayo pero pinigilan siya ng kamay nito.
"Kaya kong tumayo. Huwag kang lumapit, please?"
Napaurong siya at ilang segundo muna ang nagdaan bago siya tumango. Naiintindihan niyang galit ito. Hinintay niya si Odessa ang tumayo at bahagya itong nawalan ng balanse. Akmang lalapitan niya ito pero sumenyas ang kamay ng dalaga na huwag na huwag siyang lumapit dito. Napabuntunghinga na lang siyang tumango at walang magawa kundi ang sundin ang gusto nito.
Nakasunod lang sa kaniya si Odessa habang naglalakad sila. Sinigurado nitong may space sa pagitan nilang dalawa at hindi ito kumikibo. Panay ang sulyap ang kaniyang ginawa at baka malingat siya. Baka tuluyang mawala sa kaniya ang babae and for fucking sake, 'di niya pahihintulutan iyon.
Gamit ang kaniyang private helicopter, hinatid niya ang dalaga. Ilang beses niyang sinubukan kausapin ito pero nanatili itong tahimik at tila 'di siya naririnig o sadyang wala itong planong pakinggag ang pakiusap niyang mag-usap sila.
Hanggang sa makapasok ito ng bahay at makapagpaalam siya sa pamilya nito, wala itong imik sa kaniya. Tanging si Mang Orlando lang ang kaniyang nausap at ang Ina nito. Nagluluksa ang mga ito sa nangyaring pagkamatay ni Mang Bartolome at nagpapasalamat ang mga ito sa kaniya na hinatid niya na ligtas si Odessa.
Napabuntunghinga siya. Kung sakaling malaman ng mga ito ang totoong pangyayari, baka hindi na siya hahayaan ng mga ito na makaapak sa pamamahay ng Elairon. Alam niyang ayaw siyang makausap ni Odessa o makita ang kaniyang pagmumukha. Magpapadala siya ng taong magbabantay ng sekreto sa pamilya ng dalaga.
Matapos niyang magpadala ng limang taong magbabantay araw-araw sa pamilya ng dalaga, bumalik na siya sa Maynila. May naka-installed na maliit na camera sa puno na nasa bakuran ng bahay ng Elairon. Buong palibot, pinalagyan niya ng camera na walang makakapansin. Mino-monitor niya bawat galaw ng dalaga at nang pamilya nito. He make sure that they're are secured and protected.
Galing pa sa magkapatid na Noam at Zinc ang kaniyang mga high tech na gamit. Magagaling ang dalawang magkapatid pagdating sa invention pero kung gaano kagaling ang dalawa, gano'n kasalungat ang puso ng mga ito pagdating sa babae. Laging naloloko at naiiwan.
Aburido lang siya nang pumasok si Tiverius sa kaniyang opisena habang pinagmamasdan ang malaking screen, na ando'n ang mukha at galaw ni Odessa. Malaya itong nakaupo sa maliit na balcony habang nililipad ng hangin ang malambot na buhok nito.
"Bakit 'di mo puntahan? Instead na magmukmuk ka rito at pinagmamasdan 'yang malaking screen at puro mukha ni Odessa."
Mapakla siyang natawa at masamang tiningnan si Tiverius. Mabilis itong nagtaas ng kamay na parang sumusuko sa kaniya. Tawang-tawa pa ito pero nung nakita ng lalaki na 'di siya natutuwa, bigla itong nagpalit ng mood at naging seryuso. Umupo ito sa malambot na couch at pinaglalaruan ang kaniyang mini-robot.
"I'm sorry."
Nagkibit lang siya ng balikat at humugot ng malalim na buntunghinga. Binalik niya ang kaniyang tingin sa malaking screen. Dalawang araw pa lang ang nagdaan pero para na siyang pinaparusahan sa impyerno. Walang maayos na tulog, gulong-gulo ang buhok at hindi nakapagpalit ng damit simula kahapon.
"Wala kang kasalanan. I am the one to blame here. Kasalanan ko. Napabayaan ko ang babaeng mahal ko. Fuck. Fuck!"
"Kung 'di siguro ako nagpadala sa kahinaan ko, baka naprotektahan mo siya nang mga sandaling iyon."
"Nagpunta ka lang ba rito sa office ko para ipamukha sa'kin 'yan?"
"Hindi naman. Nalulungkot lang ako Yx and seeing you like this? Parang napatunayan kong lagi akong palpak sa bawat assignment na binibigay mo. Kailan ba ako naging tama? Binibigyan kita ng sakit ng ulo every project na pinapahawak mo sa'kin and that's because I am too stupid and weak. Hindi ako nababagay sa organization na 'to."
"Tiverius!" Napatingin ito sa kaniya. "Kung tapos ka na sa pagsasalita d'yan nang walang kwentang bagay, lumabas ka na."
Napabuntunghinga ito, "Okay-okay! I gotta go. I'm sorry I failed you again."
Hindi niya na pinansin ang sinabi ng lalaki. Hinayaan niya itong umalis at hinarap ulit ang malaking screen. Bawat isa sa mga kasapi ng organisasyon, alam niya ang bawat kahinaan ng isa. Hindi niya lang naisip na naging sanhi iyon para sa pagkabagsak ng isang magaling na sniper niyang si Tiverius.
Ipinilig niya ang kaniyang ulo, tama ang lalaki. Kesa magmukmuk siya rito, bakit 'di na lang niya puntahan ang dalaga? Pero natatakot siya... Baka oras na puntahan niya ito may nakasunod na naman na kamatayan sa kaniya. Sa uri ng kaniyang trabaho, normal na ang sundan ng kamatayan. Pero damn! Ang isipin na susunod sa hukay ang babaeng mahal niya? Magpapatayan sila ni Satanas kahit saan sulok ng impyerno.
Agaran siyang tumayo at nagtungo sa shower room. Nagulat lang siya nang mapadaan siya sa malaking salamin. He fucking look so wasted! Para siyang tumanda ng ilang taon at ang lalim ng eyebags niya. Nakatutok lang siya 24 hours sa monitor, sinisigurado na nasa okay na kalagayan ang pamilga ni Odessa.
"Yx!" masayang bungad sa kaniya ni Magnar. May dala itong Stick-O at malayang kinakain. "Pinapabigay pala sa'yo ni Gallagher. Baka raw kasi nagugutom ka na." Inabot nito sa kaniya ang isang Stick-O na hawak, may kagat at—— may laway.
Tumalim ang kaniyang mata rito at 'di pinapansin si Magnar. Deritso lang siyang nagtuloy-tuloy sa shower room na sinundan naman siya.
"Yx!"
"Will you please let me shower?"
"May tanong kasi ako."
Humarap siya rito at hinintay ang sasabihin ni Magnar. "What?"
Umilap naman ang mata nito habang pa-dramatic effect na kinagat ang Stick-O. "Ah... Ano kasi... Um... Broken hearted ka no? 'Wag ka sanang ma-offend sa tanong ko, isa lang naman akong concern citizen na nag-aalala—— Gallagher tulong!"
Mabilis na binato niya ang tsinelas dito. Agad itong nagtatakbo palalayo at humihingi ng tulong kay Gallagher. Damn! Naturingan ang mga ito ng four constellation pero minsan, lumalabas ang ugaling bata ang meron sa mga ito.
After siyang maligo, pupuntahan niya ang dalaga. Kahit sa malayo lang siya, kailangan niyang makita ito. Mababaliw yata siya kung sa malaking monitor lang siya nakatingin lagi. Gustong-gusto niya na itong yakapin at halikan.
Sa isiping iyon, bigla siyang nanabik at mabilis na kumilos. Hindi siya isang Farhistt Fortocarrero kung lalampa-lampa siya sa isang babae. Kung kailangan lumuhod siya ng buong araw sa harap ng dalaga, mapatawad lang siya at tanggapin ulit nito gagawin niya. Gagawin niya lahat 'wag lang itong tuluyang lumayo at kalimutan kung ano man ang meron sila.
Mahal niya si Odessa. Mahal na mahal.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARRERO
RomansaHe is an undercover leader of Dark X, a private organization he created after his wife and son died. His world was jarred to the core. Naging manhid siya. Nawalan ng pakiramdam sa lahat ng bagay. Simula noon, he spent all his time handling cases k...