Pero lumipas ang tatlong araw na hindi nakabalik si Frahisto para sunduin siya. Magtatampo na sana si Odessa nang sunduin siya nito. Nasa hunasan siya at namumulot ng mga lamang-dagat na pwedeng gawing ulam. Agad siyang napairap pero nang makita ang bitbit nitong 'Forget Me Not' flowers, bigla siyang kinilig.
"Sorry nahuli ako."
"O-okay lang."
Naghubad ito ng suot na tsinelas at itinaas ang suot na pantalon. Teka, anong gagawin niya?! Bago pa siya makapag-react, nasa harapan niya na ito at inabot sa kaniya ang bulaklak.
"Sorry..."
Kunwari hindi siya kinilig nang abutin niya iyon. Pigil na pigil niya ang kaniyang ngiti at pinigil ang sariling 'wag amuyin ang bulaklak. Baka kasi kiligin siya tapos hahampasin niya si Frahisto, tapos maghaharutan sila sa maputik na parte ng dagat sabay hahagikhik siya ng malandi.
"Tulungan na kita."
"Ha? Hindi——"
Isang nakakamatay na ngiti ang binigay nito sa kaniya at hindi namalayang kinuha ang baldeng dala-dala niya. Pinisil muna nito ang kaniyang pisngi saka tumatawang lumayo sa kaniya. "Naglalaway ka... Gusto mo na ba akong kainin?"
"A-ano! Hindi, ah." mabilis naman niyang pinunasan ang bibig para lang ma-realize na maputik nga pala ang kaniyang kamay, kaya ang ending nagkalat sa mukha niya ang putik. "Frahisto!!! Kainis ka!"
Isang munting boodle fight ang naging tanghalian nila nang araw na iyon. Nasa bakuran sila at nakapahaba ng upo sa kawayang mesa at upuan. Nakalatag ang masasarap at iba't ibang putahe na niluto ni Frahisto sa mga sea foods na nakuha nila. Paano ba naman, halos walang kawala lahat ng alimango, clams, oyster at scallops. Napuno nito ang dalawang balde na kaniyang dala. Halos lahat ng mga kasamahan niyang babae na kasama sa Hunasan, nanonood na lang at naghahampasan sa kilig.
"Ang daming ulam today! Ang sasarap pa nang pagkakaluto. Ate, ate! Ang swerte mo kay kuya Frahisto. Pakasalan mo na."
Inirapan lang niya ang bunsong kapatid. Baka kapag pinakasalan niya agad ang lalaki, hihimatayin ang kabilang baryong mga tsismosang kapit-bahay nila. Saka, nakakapaghintay ang kasal.
"Maswerte ba bunso?" ang lawak ng ngiti ni Frahisto.
"Naman kuya! Walang nagkamaling madapa kay ate. Paano kasi, ampanget. Ikaw lang yata ang nagandahan d'yan, eh. Baka nga kuya, dinasalan ka niyan. Kuya, pwede ka pa tumakbo sabihin mo lang—— arayy!"
Binatukan ito nang kapatid niyang babae. "Ang daldal mo, Inggo. Malamang dinasalan 'yan ni ate ng latin kaya head over heels si kuya Frahisto." Saka sabay nagtawanan ang mga ito.
Namula naman siya ng husto habang tumatawa si Frahisto sa kaniyang tabi. Paminsan-minsan lang tumawa ang kaniyang bebe Frahisto, kaya sa tuwing tumatawa ito... Kinikilig siya.
"'Tay oh, pinapahiya nila ako kay Frahisto!"
"Hoy mga bata!'Wag niyo pinapahiya si ate niyo kay Romeo!"
Pareho silang natahimik na magkakapatid habang siya, napangiwi.
"Orlando! Hindi siya si Romeo. Kuu! Matanda ka na talaga."
Lihim na lang siya napairap at napalumbaba sa mesa. Kaya hindi na nakakapagtaka kung saan siya nagmana. Sa kaniyang Ama, malamang. "Kain na ho tayo!" iniba niya ang usapan.
Agad nagliwanag ang mata ng mga kapatid niya at ilang sandali lang, matapos magdasal ang Itay niya... Nagsimula na silang kumain. Muntik pa siyang mabulunan nang makitang marunong magkamay ang lalaki at hindi man lang nandidiri habang kasabay ang kaniyang pamilya kumain. Nakakaiyak naman ito... Napangiti siya habang nakatingin lang dito. Ang swerte naman niya kay Frahisto. As in sobrang swerte! Pinigilan na lang niyang 'wag siyang maiyak.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARRERO
RomanceHe is an undercover leader of Dark X, a private organization he created after his wife and son died. His world was jarred to the core. Naging manhid siya. Nawalan ng pakiramdam sa lahat ng bagay. Simula noon, he spent all his time handling cases k...