Tulad ng pangako ni Frahisto, hinatid siya nito sa probinsya sa Mindanao pero agad din umalis. Nagdadalawang isip pa ito na umalis pero nang muling mag-ring ang wristwatch nito na napapansin niyang suot lagi ng binata, nagpasya itong umalis pero nangakong babalik agad sa susunod na linggo. May aasikasuhin lang daw ito at pinapatawag daw ito ng boss nito. Halos ayaw siya nitong bitawan sa pagkakayakap, kung 'di pa niya tinulak... Hindi pa ito aalis.
Muntik pa siyang mabugbug Berma ni Tina nang pumasyal ito sa bahay ng kaniyang Itang. Hinila pa nito ang ang kaniyang buhok saka dinakma ang kaniyang dibdib. Minsan, may lahing bruha rin ang kaibigan niya.
"Peste ka dzaii! Ikaw na malaki ang cabbage. Na sa'yo na ang korona ng kagandahan. Ikaw na ang pinagpala sa lahat! Ikaw ang nakasungkit kay Frahisto. Peste ka dzaii, anong tilapyang meron ka d'yan at kabog na kabog siya sa ganda mo?"
Ningitian lang niya ang kaibigan at hindi na pinansin ang pagiging exaggerated nito. Dahil napagod siya sa byahe, agad siyang nagpahinga matapos paglutuan ng hapunan ang kaniyang Itang. Tuwang-tuwa ito kanina nung dumating siya. Mas lalo pa itong natuwa nung nalaman na ikakasal sila ni Frahisto sa susunod na dalawang taon.
"Ikaw Odessa, nalunod lang ang barko nagkalablayp ka na."
Ngumiti lang siya sa panunukso ng kaniyang Itang. Nilagyan lang niya ng pagkain ang pinggan nito. Napapansin niyang mas bumata ito. Lumalablayp din yata ang Tiyuhin niya. Natawa siya sa isiping iyon.
"Papangaralan kita, Odessa. Anak ang turing ko sa'yo at nakikita kong mahal ka ni Frahisto pero sana, kilalanin mo muna kung anong tao siya. Minsan, nagkakamali ang puso at tama ang utak."
Nagtaas siya ng tingin, "Ano pong ibig niyong sabihin, 'Tang?"
"Maging handa ka sa sakit at lungkot. Hindi lahat ng pagmamahal puro saya at parang Hapili eber apter, Odessa."
Hindi siya kumibo. Iyan din ang sinabi ng kaniyang Ama. Dahil suguro, gusto lang ng mga ito na protektahan siya. Naiintindihan niya iyon kaya tatandaan niya ang mga paalala na laging sinasabi ng mga ito sa kaniya.
Nahirapan siyang dalawin ng antok nang gabing iyon. Pabiling-biling lang siya sa higaan. Ang daming nagsipasok sa isipan niya at isa na ro'n, kung sino nga ba talaga si Frahisto? Aminado siya nung una na hindi basta-basta ito at naglilingkod ito sa bayan. Pero sino nga ba ito? Maliban sa kilala niyang Farhistt Fortocarrero ang pangalan nito, may mansion na minana galing sa grand-grand parents, mahilig sa rooftop, perfectionist pero sa ibang bagay lang. Pagkatapos, wala na siyang alam. Hindi niya kilala buong pagkatao nito o kung sino ito. Basta kung ano ang sinisigaw ng kaniyang puso, iyon na.
Bigla siyang napabangon. Masyado siyang naalinsangan kaya lumabas siya habang bitbit ang sabon at tuwalya. Maliligo lang siya sa batis pampakalma para makatulog na. Masyado lang siguro siyang nasanay sa presinsya ng binata kaya nagiging ganito siya.
Sumalubong sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin, isali pa ang masarap sa pandinig na agos ng tubig. Pinuno niya ng hangin ang dibdib saka siya humakbang patungo sa batuhan. Sa mababaw lang siya pumwesto at hindi na nag-abalang tanggalin ang damit. Somehow, natatawa siya sa isiping dito siya unang nakita ni Frahisto na walang saplot sa katawan. Namumulang winaglit niya sa isip ang parteng iyon. Baka hindi niya matupad ang mga gusto niya sa buhay kung palaging ito ang iisipin niya. Sa tuwing nasa paligid pa naman ang lalaki, nagiging munggo kalaki ang utak niya at hindi siya makapag-isip ng matino. In short, natatanga siya sa presinsya nito. Matalino naman siya nung nasa kolehiyo siya, kaya nakakapagtaka bakit pag nasa paligid lang si Frahisto, nawawala ang kaniyang utak... Naglalayas.
Nakapikit ang kaniyang mata habang nakababad ang kaniyang katawan sa tubig nang bigla siyang nagulat sa malakas na putok ng baril. Napapiksi siya sa kaniyang kinapipwestuhan at naramdaman ang takot na dumaloy sa kaniyang katawan. Pakiramdam niya, may masamang nangyari kung ang alingawngaw ng baril ang pag-uusapan. Matagal siya nakiramdam sa paligid kung anong nangyayari, ilang beses siyang humugot ang hininga bago nagpasyang umahon sa tubig. Kailangan na niyang umuwi. Baka nagising ang kaniyang Itang at hinahanap na siya. Pakiramdam niya, kung magtatagal siya... Mas lalo siyang kakainin ng takot.
Inabot niya ang gaserang nakapatong sa batuhan saka binaybay ang daan pauwi.
Ando'n pa rin ang feeling na kinakabahan siya. Malayo-layo pa siya sa bahay nang ilang sunod-sunod na sigawan ang kaniyang narinig. Nagkaroon ng commotion!Sunog!
Dali-dali niyang tinakbo ang daan pauwi para lang magitla sa kinatatayuan. Ang bahay nila... Ang bahay nila ang nakikita niyang nilamon ng malaking apoy.
"Hindi! Itang! Itang! Itangggggg!"
"Odessa, 'wag!" Nahila siya ni Tina at pinalayo. Panay ang pagpupumiglas niya para takbuhin ang loob at ilabas ang matanda pero niyakap siya nito at dahil mas malaki ito sa kaniya, nagawa siya nitong pigilan.
"Tina, bitawan mo ako! Ang Itang Bartolome ko. Tina, ang Itang ko! Ang Itang ko nasa loob... Kailangan ko siyang iligtas! Bitawan mo ako, ano ba!"
Halos magwala na siya, halos pagkakalmutin niya na ang kaibigan pero hindi siya nito binitawan. Ang tanging nagawa lang niya ay malakas na umiyak habang pinagmamasdan ang malaking apoy na pinagtutulungang tupukin ng mga kapit-bahay.
"O-odessa... S-sa bahay ka muna namin... Delikado rito sa labas. B-baka may makakita sa'yo na buhay ka... B-baka——"
"Anong ibig mong sabihin?!" Mabilis niyang pinunasan ang mga luha sa mata niya at takang napatingin kay Tina. "Anong nakita mo? Ano, Tina? Ano!" nagsimula na naman siyang mag-hysterical pero pinapakalma siya nito. Sunod-sunod na tango lang ang kaniyang sagot habang panay sa pagpatak ang mga luha sa mata niya.
"May... May mga lalaki kanina na nagpunta rito sa bahay niyo. Sisigaw sana ako nung makita kong may mga baril silang dala. Tapos... Tapos bigla silang pumasok sa bahay niyo at nakarinig ako ng malakas na putok ng baril... Lahat kami natakot. Kasunod no'n, binuhusan nila ng gasolina ang bahay niyo at sinunog. Narinig ko... Narinig kong hinanap ka nila bago sila umalis saka kami rumisponde para patayin ang apoy... Odessa! Nasa panganib ang buhay mo!"
Hindi... H-hindi...
Mas lalo siyang nalito. Bakit masyadong mabilis ang pangyayari? Hindi niya maintindihan! Bakit ngayon? Anong kasalanan niya? Nang kaniyang Itang? Sino ang may gawa nito? Sino!
"Itanggggggggg!!!" parang sinaksak ng libu-libong karayom ang kaniyang puso, sa isiping namatay ng walang kamuwang-muwang ang lalaking tinuring niyang pangalawang ama. "Bakit ang Itang ko pa! Tina, maawa ka bitawan mo ako... Ang tiyuhin ko... Ang tiyuhin ko..."
Napakapit siya ng mahigpit sa balikat ni Tina at pilit kumukuha ng lakas dito pero masyadong nakakadurog ang pangyayari... Masyadong mabilis. Hindi niya napaghandaan... Sana, hindi na lang pala siya umalis kanina at nagpunta sa batis. Baka may nagawa pa siya para sa matanda. Baka napigilan niya ang mga pesteng kriminal.
Naramdaman na lang ni Odessa ang paghihina ng kaniyang tuhod at bago pa tuluyang mag-sink in sa kaniyang isipan ang lahat ng nangyari, bigla na lang siyang bumagsak sa lupa at nawalan ng pakiramdam.
Frahisto... Frahisto saan ka?
"Odessa! Hoy! Odessa! Odessa!"
————————————————————————————————
NA:Lame update, yeah. 😅 Pasensyahan niyo na ako. Hayys, ilang chapter na naman kaya ang kwentong ito. Sana, wag lagpas 40. Limit ko 40 lang...
Nagsisimula na...
Ewan anong nangyari wag niyo akong tanungin. Mabait ako.
Nalungkot ako kay Mang Bartolome.
Rest in peace po. 😭💐
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARRERO
RomanceHe is an undercover leader of Dark X, a private organization he created after his wife and son died. His world was jarred to the core. Naging manhid siya. Nawalan ng pakiramdam sa lahat ng bagay. Simula noon, he spent all his time handling cases k...