CHAPTER 15 - ROOFTOP

18.8K 806 85
                                    

Malayo-layo sila nang nagkaroon ng malakas na pagsabog. Napatakip siya ng teynga at mabibingi yata siya sa lakas ng impact. Bigla siyang naging manhid sa mga oras na iyon habang walang sawang pagpatak ang mga luha sa mata niya. Muntikan na naman siyang mamatay. Naririnig niya ang bawat sigawan at iyakan sa buong paligid. Naisip niya, ilan lang kaya sila ang nakaligtas? May na-trap ba sa loob ng barko? May namatay ba? Bakit nangyari 'to?

Saka lang niya naramdaman ang kamay ni Frahisto na humaplos sa kaniyang pisngi. Eksaktong pagmulat niya ng mata, nagtama ang mata nila ng lalaki. Napakagat siya ng labi at pinigil ang sariling 'wag maiyak lalo.

"Shhh... You are safe now."

Marahan siyang tumango. Habang ang batang paslit ay umiiyak pa rin kaya lumapit siya rito at kinuha ang bata. "A-ako na magbuhat sa kaniya... Baka natakot siya sa'yo."

Nag-alanganin ito pero sinunod ang kaniyang gusto. Inabot nito sa kaniya ang batang tingin niya, 3 years old. "Hi, tahan na baby ha? Tahan na... Hahanapin natin si Mama bukas ha... Tahan na..." Marahan naman tumango ang bata at tumigil sa pag-iyak.

Habang narinig naman niyang napabuntunghinga si Frahisto. Nagtaas siya ng tingin at nagtama ulit ang mga mata nila. May nakita siyang fondness sa mata nito habang nakatingin sa kaniya.

"Huwag kang mag-alala, may darating na rescuer. Everything will be okay. Andito lang ako."

"S-salamat..." nagbaba siya ng tingin. After 5 months, ngayon niya ulit nakita ito. Tadhana na ba? Ando'n na naman 'yong uncontrollable feelings niya para sa lalaki. Sa ikalawang pagkakataon, niligtas nito ang buhay niya. "P-paano mo nalaman na isa ako sa pasahero ng barko? Sinusundan mo ba ako?" Huli nang maisip niya ang kaniyang sinabi. Mali. Mali!

"Papunta ako ng Ozamis dahil may kailangan akong ayusin na lupain ng ama ko. Nagkataon lang na nagkita tayo rito sa barko at sa panahong nasunog pa."

Napatango siya. Gano'n pala iyon. Akala niya talaga sinundan siya nito. Umasa pa naman ang inosente niyang puso pero 'wag muna ang kaniyang kalandian ang iisipin niya ngayon. Ang isipin niya, na sana 'wag silang kainin ng mga shark sa gitna ng dagat.

Nagdaan ang isang oras, may nakita siyang sea chopper at mga rescue boats na paparating. Lumarawan ang saya sa mukha niya. Maliligtas na sila! Salamat naman sa Diyos.

Agad nag-landing sa tubig ang sea chopper at lumabas do'n ang isang gwapong nilalang. Napatango-tango na lang siya, mukhang sign na yata niya talaga ang mamatay. Nakakita na naman siya ng pang-international ang kagwapuhan aside from Frahisto.

"Let's go, Odessa."

Napatingin siya kay Frahisto na nagsalita. Ano raw? Saan sila pupunta? Maliban na sa dagat sila, wala naman pasyalan dito, "Saan?"

Hindi na ito sumagot. Basta lang nitong hinawakan ang kaniyang kamay papalapit dito. Saka sila lumangoy papunta sa chopper, kung saan nakatayo ang gwapong nilalang sa may pintuan. Nagulat siya nung bigla siyang iahon ni Frahisto sa tubig at pinakuha sa lalaki ang batang karga-karga niya. Nang makita nito na secured na siya, saka ito umahon sa tubig at tinanong kung okay na ba siya o walang masakit sa kaniyang katawan.

"I think she's okay."

Napatingin siya sa pilotong nagsalita. Nakatingin ito sa kaniya ngayon at tulad kay Frahisto, hindi matatawarang kagwapohan din meron ito.

"Start the engine, Magnar."

"Aye aye!"

"Pero wait--"

"Calm down, Odessa. Kanina ka pa hindi mapakali. I'll make sure they'll be okay. Maililigtas silang lahat. Bukas na bukas din, ipapahanap natin ang parents ng batang iyan. Kaya please, kumalma ka muna ha? You can sleep of you want. You're safe now... With me."

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon