Nagising na lang siya kinabukasan na sinisipon at mataas ang lagnat. Muntik pa siyang mahulog sa kama. Nasapo niya ang ulo at pinakiramdaman ang sarili kung kaya ba niyang tumayo. Saka lang siya parang nahimasmasan nung dumapo ang kaniyang mata sa bintana. Mataas na ang liwanag ng araw sa labas.
Si Frahisto nga pala!
Sa isiping iyon, nagmamadali siyang bumaba sa kama at tumakbo papalabas ng kaniyang kwarto. Sa sobrang pag-iisip niya kagabi, nakatulog siya ng mahimbing. Hindi man lang niya alam kong natulog ba ang lalaki sa kabilang kwarto o baka umuwi na. Unang bumungad sa kaniya ang kaniyang Itang, nakaupo ito sa paborito nitong upuan paharap sa bintana habang may kapeng iniinum at nanonood ng paborito nitong TV Show.
"Itang!" masaya siya sa nalamang buhay ito at walang masamang nangyari.
"Oh, Ineng at nagmamadali ka? Teka, may sakit ka ba? Bakit sobrang putla mo."
Agad siyang nag-iwas ng tingin. Kapag sinabi niya ritong may sakit siya, mag-aalala ito sa kaniya at pipilitin siya nitong painumun ng langis na gawa sa niyog na maraming dahon nakahalo. "H-hindi ho, okay lang ako. Ah... Itang, si F-frahisto po?"
Ngumiti naman ito at muling sumimsim sa iniinom na kape. "Mabuti pa ay kumain ka muna ng almusal d'yan. Namumutla ka na."
Wala siyang magawa kundi ang sundin ito. Laglag ang balikat na nagtungo siya sa kusina at tulalang umupo sa silyang nando'n. Saan na nga ba si Frahisto? Umalis na ba ito? Akala ba niya, bukas pa ito uuuwi? Napabuntunghinga siya. Sumobra ang kaniyang tulog at heto siya ngayon, may lagnat. Sandali niyang pinikit ang mata, napangiwi siya nang maramdamang umiikot ang kaniyang paligid.
"Hey!" Isang kamay ang sumalo sa kaniya.
Saka lang niya napansin na natumba na pala siya sa kinauupuang silya na walang sandalan. "Frahisto?"
"Yeah, it's me—— Fuck! May lagnat ka."
Hindi niya na magawang kumontra nang umangat ang kaniyang katawan sa ere at pinangko siya nito. Malalaki ang hakbang nito at dinala siya ulit sa kaniyang kwarto.
"Stay here. Kuha lang ako ng gamot at pagkain."
Hindi niya magawang tumango. Hinayaan lang niya ang lalaki na muling lumabas at nung bumalik na ito, may dala itong sopas at gamot.
"A-ayuko uminom ng gamot ni Itang... Lasang langis iyon na mapakla na masama sa taste bud..."
Natawa naman ito sa kaniyang sinabi at marahang nilatag sa tabi niya ang dalang pagkain. "Minsan, may pagka-shunga ka na inosente, Odessa."
Imbes na ma-offend, ngumiti na lang siya. Inalalayan siya nitong maupo at nag-suggest na subuan pero agad siyang umayaw. Kaya pa naman niyang kumain.
"I'm sorry about last night..."
Nagtaas siya ng tingin. Nasa dalawang subo pa lang siya at wala man lang siyang malasahan sa sopas nito, "Ha?" naguguluhang tanong niya, "B-bakit ka nagso-sorry sa'kin? A-ako dapat kasi——"
"No, it's my fault. Dapat sinabi ko pa lang nung una kung anong klaseng trabaho meron ako."
Naibaba niya ang kutsara at napatitig sa mata ni Frahisto. Pilit niyang binabasa ang mata nito pero nasisilong siya. Hindi niya kayang titigan iyon ng matagal. "Ano ba ang trabahong meron ka? Pulis ka no? Pulis na napadpad dito?"
Tipid itong ngumiti at sinenyasan siyang kumain muna bago magsalita. Kahit may lagnat, ganado pa rin niyang naubos ang dinala nito. Thankful siya at 'di langis ang pinainum sa kaniya ng lalaki dahil kung nagkataon, baka ngumawa na siya ngayon.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARRERO
عاطفيةHe is an undercover leader of Dark X, a private organization he created after his wife and son died. His world was jarred to the core. Naging manhid siya. Nawalan ng pakiramdam sa lahat ng bagay. Simula noon, he spent all his time handling cases k...