CHAPTER 41 - FIREWORKS

16.7K 653 94
                                    

Nagtaas siya ng tingin at sinalubong ang tingin nito nabg bumitaw siya. Tapos niya ng sabihin ang lahat at handa na siyang tumakbo papalayo. Pwede na siyang tumakbo papalayo kasama ang bodyguard niya. Pero bigla siyang nalito nang lumingon sa kaniya si Farhistt at malawak na nakangiti. Bahagya niyang kinurap-kurap ang mata, nabubulag yata siya dahil sa luha niya.

"Alam mo bang..."

"Oo alam ko... Na hindi mo na ako mahal at siya na ang mahal mo," napatingin siya sa babaeng nagpipigil ngumiti sa tabi nito. Teka, bakit hindi man lang ito nagalit? Dapat kanina na siya nito hinila at pinagmumura. Pero bakit kinikilig pa yata?

"Ikaw lang ang babaeng minahal ko, Odessa. Ang babaeng papakasalan ko."

"Ayy!" Napayakap siya rito nang wala sa oras. Sunod-sunod na pumutok ang fireworks. Sayang, hindi niya naintindihan masyado ang sinabi ng binata. Ano raw sabi nito? Gagawin siyang flower girl sa kasal? Ang saklap naman!

"Goddess! Tumingin ka sa langit."

Mabilis siyang napasunod. Para siyang natuod sa kaniyang nakita. "Ang ganda!" Mula sa kanilang kinatatayuan, nakita niya ang naggagandahang fireworks na iba't ibang kulay at hugis. Namangha siya sa sobrang ganda!

Hindi niya mapigilang mapaluha ulit. Ang unang pagkakataon na hindi siya takot pagmasdan ang fireworks simula nung na trauma siya sa nangyari. Ang unang pagkakataon na kasama niya si Farhistt at kayakap pa niya ito.

"Paulit-ulit ko itong sasabihin, ikaw ang pinakamaganda sa mga mata ko Mia Vida..."

Mabilis siyang napalingon sa lalaki at nakatitig ito sa kaniya ngayon. Saka rin niya napansin na ang dalawang kamay nito ay nasa kaniyang beywang at malamlam siya nitong pinagmamasdan. Kung hindi siya nagkakamali, pagmamahal ang nasilip niya sa mga kislap ng mata nitong nakakatakot minsan kung tumitig. Hindi na siya nabibingi sa pagkakataong ito.

"Pakiulit? Tama ba narinig ko? Frahisto 'wag kang magbiro ng ganiyan sa magaganda. Alam kong maganda ako at pang-dyosa ang kagandahan ko pero 'wag ka magbiro sa'kin niyan, dahil iisipin kong mahal mo pa rin ako."

Natawa ito sa kaniyang sinabi at mas lalong humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang beywang. "My sweet and innocent, Odessa... Bakit ba ganiyan ka? Alam mo ba kung gaano ko 'yan na miss?" masuyo nitong hinaplos ang kaniyang pisngi.

"Ang alin?"

"Ang tayo."

"Ha?"

"My God, Odessa! Mababaliw ako sa'yo." 

Biglang tumigil ang ingay ng fireworks. Nagbawi siya ng tingin sa lalaki at napatingin sa paligid. Awtomatikong namilog ang kaniyang mata sa sunod na nakita.

Sunod-sunod na lumitaw sa kalangitan ang 'MARRY ME VIDA MIAʼ na fireworks. Para siyang tangang sunod-sunod na nagsibagsakan ang mga luha niya at hindi makapaniwalang napatingin ulit kay Farhistt. Anong ibig sabihin nito? Naging bobo na naman siya. Humihina na naman ang kaniyang utak. Hindi niya ma-digest ang nangyayari.

Nagsigawan ang mga kaibigan nito at nagsimulang kumanta kahit ang pangit ng mga boses. Nagtutulakan pa ang mga ito at halatang kilig na kilig na nanonood sa kanila.

Dahan-dahang bumitaw ito sa kaniya at may inilabas na maliit na box mula sa coat na suot nito. Natuptop ni Odessa ang kaniyang bibig lalo na nung lumapat ang isang tuhod  nito sa sahig at buong pagmamahal na ginanap ang isang kamay niya.

"Odessa..."

"Yes na ako agad, Frahisto! Oo na ako agad!"

Ang lakas ng tawa nito at agad sinuot sa daliri niya ang singsing. Kung alam lang ni Farhisst na tinago niya ang singsing na binigay nito at hanggang ngayon, tinitingnan niya iyon sa tuwing matutulog siya. Para siyang batang nag-iiyak na yumakap sa lalaki matapos nitong isuot sa kaniya.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon