Bahagyang nagulat si Odessa nang lumitaw sa harap ng bahay nila si Ted. Inikot niya muna ang kaniyang tingin at tiningnan ang paligid. Lihim siyang napaismid sa nakita. Ando'n ang tauhan ni Farhistt na alam niyang pinapabantay sa bawat galaw niya.
Mahigit dalawang buwan na rin na napapansin niyang may nagbabantay sa labas ng kanilang bahay. Minsan wala, minsan meron. Mas malala, kung saan siya nagpupunta... Pakiramdam niya, may matang laging nakasunod sa kaniya. Especially kung kasama niya si Ted.Agad siyang ngumiti ng matamis sa binata. Sinadya niya iyon para tigilan siya ni Farhistt o Frahisto o kahit anong pangalan gamit nito. Mas lalo lang siyang kinakain ng galit sa tuwing nakikita ito. Ang hinihingi nitong sorry, sobrang hirap gawin lalo na at paulit-ulit siyang binabangungot sa tagpong iyon. Ang mga nagkalat na dugo sa loob ng van. Ang malakas na putok ng baril at takot na naramdaman niya. Ang paulit-ulit niyang napaginipan ang kaniyang Itang Bartolome.
Nanatili pa rin presko ang lahat. Hindi madali sa kaniya ang lahat at sana, kung mahal siya nito... Hahayaan siya nitong maghilom. Hahayaan siya nitong hilumin ang sakit na naramdaman niya."Bakit ka nandito?" pabulong lang na tanong niya.
Agad itong napakamot sa ulo. "Yayain sana kitang magsimba..."
Natawa siya. Naging magkalapit na kaibigan sila ng binata. Dahil na rin siguro na parehas sila ng pinagdaanan. Saka mabait din ito at makulit kausap parang si Tina. "Oh sige, anong oras ba?"
"Bukas ng umaga, daanan kita."
Tumango lang siya saka ito nagpaalam. Hinintay niya munang mawala ito nang lapitan siya ng kaniyang Itay.
"Iyon ba ang pinagpalit mo kay Romeo? Ang pangit naman."
"Itay! Ang laitero mo."
Tumawa lang ito at nag-peace sign. "Hindi ka mabiro, anak. Ilang buwan na ang nagdaan oh, hindi ko na napapansin si Farhisto na laging nakatingin sa'yo mula sa malayo. Wala na ba talaga kayo? Brik na kayo?"
Pinili niyang 'wag sagutin ang tanong ng kaniyang ama. Masasaktan lang siya at lalamunin ng kaniyang matinding galit. Mas mabuti na rin iyon na ganito sila. Kesa baka dumating ang araw na hindi lang ang Tiyuhin niya ang mawala, baka buong pamilya niya pa. Hindi niya pahihintulutan iyon.
Deritso lang siyang nagtungo sa kusina. Nagpaalam siya sa matandang ama na iinom ng tubig. May malaking harang kasing nakasagabal sa kaniyang lalamunan at pakiramdaman ni Odessa, maiiyak siya.
SAKAY sila ng tricycle ni Ted papuntang simbahan. Napakunot ang kaniyang noo nang lingunin niya ang lalaki. Napansin niyang malalim ang iniisip nito at parang may bumagababag. Pabirong kinalabit niya ito sa tagiliran. Napapitlag naman ito sa kaniyang ginawa.
"Ang layo na yata nang narating mo, ah."
"Ah... Kasi——"
"Ano?"
Ilang beses itong humugot ng hangin at bumuntunghinga, "Wala naman. Naiisip ko kasi, ito ang kauna-unahang papasok ulit ako sa simbahan. Makasalanan kasi akong tao." saka ito tumawa.
Pabirong inirapan lang niya ito. Mabait si Ted, iyon ang pagkakilala niya sa binata. Dayo ito sa kanilang lugar at piniling magbakasyon sa Baryo Hunasan. Dahil mabait ito at mahilig siyang pangitiin, naging magaan ang kaniyang loob sa lalaki. Wala siyang pakialam sa mga naririnig na tsismis ng kaniyang mga kapit-bahay, na dalawa-dalawa ang kaniyang lalaki at wasak na siya. Ganiyan naman talaga ang role ng mga kapit-bahay minsan, malakas mangtsismis at malala pa sa CCTV.
"Andito na pala tayo sa simbahan!" Nauna siyang bumaba. Sumunod naman sa kaniya si Ted matapos itong magbayad sa mamang driver.
Nilibot niya ang kaniyang paningin. Maraming taong papasok sa loob at saktong-sakto sa pagdating nila. Agad siyang hinawakan sa braso ni Ted at niyaya ng pumasok agad sa loob. Nawewerduhan siya sa inakto ng binata. Para itong natatae na ewan.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARRERO
RomanceHe is an undercover leader of Dark X, a private organization he created after his wife and son died. His world was jarred to the core. Naging manhid siya. Nawalan ng pakiramdam sa lahat ng bagay. Simula noon, he spent all his time handling cases k...