Habol ni Odessa ang kaniyang hininga nang maglayo ang labi nila ni Frahisto. Napatitig siya sa mga mata nitong dati, nahihirapan siyang basahin kung ano ang nilalaman. Pero ngayon, kitang-kita niya kung ano ang ibig sabihin ng mga kislap na iyon...
Marahan nitong inabot ang kaniyang pisngi at pinisil. Hindi pa rin nito binabawi ang tingin na binigay sa kaniya kaya, siya na ang umiwas pero 'di siya nito pinayagang gawin iyon. "Look at me, Odessa..."
Napasunod lang siya sa sinabi nito at tumingin sa mata nito. Ano ba ang gusto nito, magtitigan sila hanggang gabi o magtitigan sila hanggang bukas? "Am... Hanggang kailan tayo magtitigan, Frahisto?"
Natawa ito sa kaniyang tanong at pinisil ang kaniyang pisngi. "Napakainosente mo."
Tumango lang siya at hindi nag-komento. Hindi naman siguro tamang sabihin na ang sarap kainin ng mga natirang pagkain sa mesa. Sayang kasi, eh. Maraming nagugutom tapos itatapon lang.
Hinawakan nito ang kaniyang kamay at sabay nila tinungo ang exit way. Panay lingon niya sa pagkaing naiwan. Sure na ba talaga si Frahisto na iwan nila? "Frahisto, wait..."
"Hmm?"
"Hindi ko ba pwedeng balutin ang mga natirang pagkain at dalhin——"
Napatili siya nang pinangko siya nito kaya hindi niya naituloy ang gustong sabihin. "Ikaw na lang balutin ko at itapon sa kama ko, pwede ba?"
"Frahisto!"
"Sorry, I scared you." Agad naman siya nitong binaba at malamlam ang mga matang tiningnan siya. "Gusto mo ba ibalot natin?"
Mabilis siyang tumango. Kakamot-kamot naman ito sa ulo at natatawang sinunod ang kaniyang gusto nang mag-ring ang cellphone nito. Tingin ito sa kaniya at parang nanghihingi ng permiso na sagutin muna nito ang tawag kaya tumango siya.
Nanatiling nakatingin lang siya rito habang ang sexy nitong tingnan habang nagsasalita. May accent ang english at halos 'di niya maintindihan sa sobrang lalim na ginamit nitong english. Basta lang siyang nakatingin dito na parang falling star sa kalangitan.
Bakit Lord? Bakit binigyan niyo ako ng lalaking tulad niya? Naiiyak ako, ano ba! Kasi naman po, parang imposible. Namaligno ba siya sa'kin? Saka bakit Farhistt Kariton pangalan niya, Lord? Para naman siyang taga-tulak ng kariton sa bangketa sa pangalan niya pero 'di bale, ang gwapo-gwapo naman niya. Solve na solve na po ako! Isaw lang hiningi ko, Lord. Binigyan niyo ko ng fried chicken, may ketchup pa! Naks mahal niyo po talaga ako!
Tuluyan siyang naiyak sa sobrang saya. Sunod-sunod na nagsipatak ang mga luha niya habang nakatitig dito. Masaya siya sa isipin nagbunga ang kalandian niya sa probinsya. Mabilis naman nataranta si Frahisto nang makita siyang lumuluha na parang timang at nakaharap dito.
"Hey, hey! May problema ba, Vida Mia?" Tarantang binulsa nito ang cellphone at lumapit sa kaniya. Nag-alalang pinunasan nito ang kaniyang luha at masuyong ginanap ang kaniyang pisngi at inangat para magpantay ang kanilang tingin.
Nakangiting umiling-iling siya. "Wala, masaya lang ako. Pero sino 'yan si Mia Khalifa?" takang tanong niya.
"Mia Khalifa?" kunot-noong tanong nito.
Tumango siya, "Yes. Sabi mo, 'May problema ka ba Mia Khalifa?' Siya ba 'yong wife mong pumanaw na?"
Napapantastikuhang napatingin ito sa kaniya at matagal siyang tinitigan. Napangiwi na lang siya nang marahan nitong pinitik ang kaniyang noo. "Vida Mia means, My Life..." naiiling na saad nito.
Habang 'di nakaligtas kay Odessa ang pagtaas ng sulok ng labi nito, na pinipigilan ang sarili na 'wag ngumiti. Kinilig naman ang inosente niyang puso sa Mia Khalifa na tawag nito sa kaniya. 'My life' pala iyon. Nakakataba naman ng puso. "Frahisto..."
"Hmm?"
"Pwede ko na bang balutin?"
Napuno ng malakas na halakhak nito ang buong rooftop sa kaniyang sinabi.
TINAWAGAN niya ang kaniyang pamilya at pinaalam sa mga ito na okay lang siya. Nakaligtas siya sa trahedyang--'di niya alam kung matatawag ba niyang trahedya iyon or way ng tadhana para magpalapit sila ni Frahisto. Napatag naman ang kalooban ng mga ito at pinakiusapan siyang bumalik muna ng Isla at ipagliban muna ang pag-uwi niya ng probinsya. Pumayag siya, maliban sa wala siyang kahit panty natira sa nalunod na barko... Wala rin siyang pera papuntang Mindanao.
"Bahay mo 'to?!" nanlaki ang mata niya nang libutin niya ng tingin ang loob ng buong kabahayan, "Hoy, Frahisto! Baka nagkamali lang tayo ng bahay na napuntahan at baka ma-tresspasing pa tayo rito. Umalis na tayo!"
"Halika ka nga rito." Napatili siya nang hilain nito ang kaniyang kamay papalapit sa katawan nito. Saka pinisil ang kaniyang pisngi. "Ang cute mo."
"Ha?"
"I owned this mansion. Simula nung namatay ang asawa at anak ko, nagmistulang krayolang puti ang bahay na ito. Paminsan-minsan ko lang din nauuwian dahil busy sa trabaho. Pero ngayon... ngayon pwede na natin ulit kulayan ng maraming kulay ang bahay na ito, Vida Mia."
"Pero pangit naman Frahisto, kung punuin natin ng kulay lahat ng dingding. Vandalism iyon!"
Napakamot ito sa noo at hindi na nag-comment. Ngumiti lang ito at giniya siya sa loob ng kabahayan. Modern ang design at masasabi ni Odessa na ma-organise itong pagkatao. Mula sa interior design, hanggang sa flooring. Sa dingding at sa mga kulay na ginamit nito na puro dark color. Malungkot ang aura at naramdaman niya iyon.
"Frahisto..."
Humarap ito sa kaniya. Nasa pasilyo sila at mula sa kaniyang kinatatayuan, nakita niya ang maraming portrait ng isang napakagandang babae at bata na masayang nakangiti. Nakasabit ang mga ito sa bawat dingding. Para itong buhay na buhay at bigla siyang nalungkot sa nangyari sa buhay ng lalaki. Pinagselosan pa niya ang asawa nito rati, samantalang nasa langit na pala. Bigla siyang nakonsensya. Hindi niya sinadyang sulutin si Frahisto sa babae.
"Tingin mo, okay lang sa wife mo na dinala mo ako rito? Baka magalit siya sa'kin at multuhin niya ako..."
Ginulo nito ang kaniyang buhok at hinawakan ang kaniyang kamay. "Halika, ipapakilala kita sa kaniya."
"Hala!" Napa-sign of the cross siya na wala sa oras. "You mean, iaalay mo ang katawan ko sa demonyo para mabuhay ang asawa mo?! Frahisto Kariton! Nilinlang mo ako——"
Isang halik ang nagpatigil sa kaniya. Halos maubos ang kaniyang hininga nang bitawan siya nito. "My God, Odessa! Mababaliw yata ako sa'yo." natatawang umiiling-iling ito at mahigpit na hinawakan ang kaniyang kamay.
Kagat-labi na lang siyang sumunod dito at nagdasal na sana makawala siya sa lugar na ito. Si Frahisto isang alagad——
"Wife, this is Odessa... The Goddess who took my heart with. Akala ko, mahirap na sa'kin ang magmahal pa ng ibang babae. I was apoplectic before of what happened to us... Sa pamilya natin. Hindi ko matanggap.
But I know, hindi mo ginusto ang nangyari. Ang maging ganito ako..." pinisil nito ang kaniyang kamay at ngumiti nang sulyapan siya. "So, wife... Thank you. Your memories will be forever in my heart. Pinapakilala ko sa'yo ang babaeng muling nagpatibok sa puso ko at minahal ko. Siya si Goddess Elairon."F-frahisto...
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARRERO
RomanceHe is an undercover leader of Dark X, a private organization he created after his wife and son died. His world was jarred to the core. Naging manhid siya. Nawalan ng pakiramdam sa lahat ng bagay. Simula noon, he spent all his time handling cases k...