CHAPTER 38 - NASASAKTAN SIYA

16.3K 678 121
                                    

Sabog siyang nakaharap sa kaniyang pagkain nang lapitan siya ng kaniyang Itay Orlando. Araw-araw siyang bumibisita sa bahay ng mga ito na malapit lang sa mansion ng Philco. Nasa isang compound lang sila.

"Ba't malungkot ka? Kanina ka pa nakipagtitigan sa kanin. Aba'y, walang mata 'yan!

"Broken hearted si ate Odessa, Tay." ngiting asong singit ng kapatid niyang lalaki.

Inirapan naman niya ito at sinimulang kamayin ang kanin sa kaniyang plato. Mas masarap kumain kapag nagkakamay.

"Hanggang ngayon ba, 'di mo pa rin makalimutan si Romeo?"

"Farhistt, Tay." pagtatama niya na sinabayan ng subo.

"Sino 'yan? Akala ko ba, Frahisto?"

"Itay naman!"

Tumawa ito. "Hindi ka mabiro anak. Kung mahal mo si Romeo, dapat sabihin mo. Minsan hija, napapagod din kaming mga lalaki..."

"So, napapagod kayo kay Nanay?" singit ng kapatid niya. May lahi talagang tsismoso ang kaniyang kapatid na lalaki.

"Minsan napapagod. Pero mahal ko ang Inang niyong bungangera, kaya kahit napapagod ako... Siya pa rin ang aking pahinga."

Bigla siyang natigil sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa matanda, "Pero 'Tay, natatakot ako..."

"Saan? Sa kagandahan mo, anak? Naku, 'wag kang matakot! Maganda ka lang pero wala kang lahing aswang."

"Itang naman, eh."

Ang lakas ng halakhak na pinakawalan nito. Natigil lang ito nang dumating ang kaniyang Ama at may dalang pagkain. Agad nagliwanag ang kaniyang mata at mabilis na lumapit dito para magmano. Niyaya niya itong kumain at sabayan siya, at nagpaunlak ito. Kaya ang nangyari, kasabayan niyang kumain ang dalawang lalaking naging malaki ang parte ng kaniyang buhay. Ang dalawang Ama niya.

"Mukhang alam ko na ang problema ng anak ko."

"Brokin hartid 'yang si Odessa, parekoy."

Magpahanggang ngayon, natatawa pa rin siya sa tawagan ng dalawa. Parang bagets lang at chill na chill sa buhay.

"Si Mr. Fortocarrero ba, anak?"

"Sino iyon? Bagong lalaki nitong si Odessa?"
takang tanong ng kaniyang Itang Orlando. Tumingin pa ito sa kaniya na halatang 'di makapaniwala sa narinig.

"Itang naman! Si Fortocarrero po ay si Frahisto."

"Bakit Portokariton kung Romeo ang pangalan niya? Naguguluhan ako sa'yo, hija."

Napairap siya ng wala sa oras habang nagpipigil ngumiti ang kaniyang Amang nagsimulang sumubo ng pagkain. Tatlo lang sila sa hapag-kainan. Ang dalawang kapatid niya, naglaro na sa labas habang ang kaniyang Inay, naglalaba sa likuran ng bahay.

"Ano ba ang pwedeng gawin ng mga gwapo mong Tatay? Sabihin mo lang at on the way kami agad ng Itang Orlando mo. Gusto mo ba, ipakasal kayo agad? Magsabi ka lang, anak. Lahat gagawin ni Papa sa'yo."

Malungkot siyang napatingin sa mga ito at walang ganang inabot ang tubig. Uminom muna siya saglit bago nagsalita. "Natatakot po ako na baka... H-hindi na ako ang mahal niya."

"Wala kang karapatang magmahal kung natatakot ka. Dahil ang totoong nagmamahal, hindi natatakot sa kaniyang totoong nararamdaman. Kahit masaktan man siya."

Nakagat niya ang kaniyang labi. Tama ang sinabi ng kaniyang Itang. Kaya ang bilis niyang sumuko dati. Kaya ang bilis niyang bitawan si Frahisto. Nagpadala siya sa galit at takot niya.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon