Sa isang linggo niyang pagtira sa poder ng lalaki, masasabi niyang malinis ang intensyon nito. Pinandigan nitong walang mangyayari sa kanila hangga't 'di sila ikasal, na tutuparin nito ang gusto niyang birhen na ihaharap sa altar at sa asawa lang ibibigay ang sarili. Muntik pa niyang mabugbug si Frahisto nang sabihin nito iyon.Alagang-alaga siya nito. Mula sa paggising niya, may pa-breakfast in bed pa siya. Sa katabi ng master bedroom siya natutulog at hindi siya nagla-lock kaya malaya itong nakakapasok. Hindi naman mukhang manyakis ito. Sa lunch, nasa breakfast stool lang siya nakaupo habang naghahanda ito at iniispoiled siya ng sobrang pagmamahal. Kung may menu sigurong gano'n, pinili na ni Odessa. Kapag kinagabihan, niyayaya siya nitong mamasyal sa 'di mataong lugar. Dinadala sa mamahaling restaurant na muntikan pa niyang hubarin ang kaniyang suot na sandal.
Kung spoiled ang pag-uusapan, siya na ang dadalo. Punong-puno siya sa pagmamahal na pinapakita nito. Kabaliktaran nung una niyang impression, na strikto at suplado. Ibang-iba ito sa Frahisto na nakilala niya sa probinsya. Maliban sa napaka-caring nito, gentleman din ito. Lagi rin nitong inaalala ang kaniyang damdamin. Basta, sa lahat ng mabait na mabait... Si Frahisto ang kaniyang ipupusta!
Nag-iiyak pa siya nung pinakilala siya nito sa asawa nito at anak na nasa malaking painting. Hindi siya makapaniwalang ipapakilala siya nito, at sino siya para mag-inarte kaya nagpakilala rin siya. Pinangako niyang aalagaan niya at mamahalin si Frahisto ng mas higit pa sa pagmamahal na binigay nito sa kaniya. Na hindi siya magseselos kahit buong painting pa ng asawa nito ang ilalagay sa buong bahay. Na hindi niya ito iiwan kahit anumang mangyari. Mukha siyang timang nang araw na iyon na umiiyak habang mahigpit lang na hinawakan ni Frahisto ang kaniyang kamay.
"Are you sure? Ayaw mo talagang tanggapin ang marriage proposal ko? Vida Mia... Ako lang ba ang nagmamahal sa'tin? Tell me..."
Natawa siya sa mukha nitong parang maiiyak at nalilito. Nasa rooftop sila ng isang building nang biglang alukin siya nito ng kasal. Nung una, grabe ang kaniyang iyak at muntik ng sumigaw ng oo. Wala siya sa katayuan na mag-inarte! Pero ang maalala ang kaniyang Itang Bartolome, at mga batang pinangako niyang magiging estudyante... Biglang nawala ang kaniyang saya. May pangarap siya. Simpleng pangarap na gustong abutin. Gustong-gusto man niyang tanggapin, napilitan siyang umiling at umayaw.
"Frahisto... Masyadong mabilis. I mean, though d'yan naman tayo talaga patungo pero may pangarap ako."
"Pwede mo naman akong isabay sa pangarap mo..."
Ginanap niya ang mukha nito sa magkabila niyang kamay at masuyong hinalikan ang noo. "Akin na." Kinuha niya ang singsing. "Kapag makita mo itong isinuot ko na sa ring finger ko, that's the time na pumayag na ako."
"Pero——"
"Mahal mo ako, 'di ba?"
Sunod-sunod itong tumango, "Hindi mo ba ramdam?"
Napangiti siya at pinatayo ito mula sa pagkakaluhod. Itinago niya ang singsing sa kaniyang bulsa at pangakong iingatan niya iyon. "Mahal kita! Pero makakapaghintay ang pagmamahalan natin, 'di ba? Saka, gusto kong samhaan si Itay Bartolome..."
"Pwede natin siyang kunin. Lahat ng pamilya mo at patirahin sa mansion."
"Huwag. Para mo naman kaming binili niyan. Basta ako, masaya ako na nagkakilala tayo. Nilandi ka ng puso ko. Minahal ka... Pero masyadong maaga... Malayo pa ang 1 sa 30. You can wait me, right? 'Di naman kasi ibig-sabihin na mahal kita at gustong-gusto, magpapatali na ako agad sa'yo. Hoy, Frahisto! Mataas ang standards ko no? Dapat umabot muna tayo ng isang taon or dalawang taon bago magpakasal. Hindi ka pa nga nanligaw, ne hindi nga tayo mag-jowa... Kasal agad? Ano ka, sinuswerte? Masama iyon. Walang shortcut-shortcut! Naka-kiss ka lang, akala mo oo agad isagot ko sa kasal? Hmp! I'm not an easy to get."
Matagal ito bago nakasagot. Ilang beses itong napakurap-kurap ng mata at halatang 'di makapaniwala sa kaniyang sinabi. Nanatili itong nakatingin na parang isa siyang malaking exclamation point.
"Okay ka lang ba? Nabulunan ka ba sa sinabi ko ha, Frahisto?"
Mabilis itong umiling at natatawang niyakap siya nang sobrang higpit. "I'm sorry... Masyado yata akong mabilis. Tama ka, Vida Mia. Sorry for that, ha? Kaya kitang hintayin. Kaya ko kahit ilang taon pa 'yan na paghihintay. Liligawan kita hanggang sa maging ready kang pakasalan ako. Nasanay lang talaga ako sa mabilisan pag-solve ng bawat assignment na hawak ko." napakamot ito sa noo at naiiling. Bakas pa rin sa mukha nito ang natatawa sa kaniyang sinabi. "Baka iwan mo pa ako pag pinilit kita. Baka, mapipilitan akong lumipat sa probinsya makasama ka lang."
"Frahisto!"
Tumawa ito at pinisil ang magkabilang pisngi niya. "Sa'n mo gusto after nito?"
"Ah... Uuwi ng Baryo? Sa'min? Ituturo ko ang daan——"
Ngumisi lang ito. "No need. Let's go?"
"Ha? Ngayon na? M-malayo ang sa'min. Aabutin tayo nang ilang oras——"
"Lilipad tayo."
"Pero Frahisto, wala akong pakpak!"
"Well Vida Mia, I have." Ngumisi ito.
Nanlaki ang kaniyang mata. Bago pa siya makapagreak sa sinabi ng binata, bigla na lang siya nitong hinawakan sa kamay at tinakbo nila ang kabilang bahagi ng rooftop. Nagulat na lang siya nang bumungad sa kaniyang mata ang isang private helicopter. Nalilitong napatingin siya kay Frahisto.
"Ready?"
"Ha?"
Natawa ito sa kaniyang reaksyon, "We're going to fly. Shall we?"
Gusto sana niyang itanong na pagmamay-ari ba nito ang chopper at baka pagalitan sila ng may-ari. Pero pinagbuksan na siya nito ng pintuan saka lumapit sa kaniya at hinawakan ang kaniyang kamay, giniya siya nito pasakay sa loob ng helicopter. Napanganga siya nang makita ang malaking espasyo sa loob at magarang upuan.
"Baka magalit ang may-ari——"
"Hihiramin lang natin." kinindatan siya nito. Inayos nito ang seatbelt sa pagkakabit sa kaniya saka sinunod ang earmuffs. Hindi siya nagreklamo, hinayaan lang niya ito. Basta lang siya nakatitig sa binata. Sinigurado nitong tama ang pagkakabit at komportable siya.
Ang akala niya, magkatabi sila sa upuan. Pero nagkamali siya nang magtungo ito sa harapan at muli siyang kindatan. Siya ang magpapalipad? Hala! Lihim siyang napalunok at napa-sign of the cross. Sure ba si Frahisto? Saan ba 'yong gwapong mama na piloto na nakita niya?
"F-frahisto..." Nakangiting lumingon ito sa kaniya. Hinihintay siyang magsasalita. "Saan 'yong gwapong mama na piloto mo?"
Natigilan ito sa kaniyang sinabi. Agad kumunot ang noo nito at matagal bago nagsalita. Basta lang itong nakatingin sa kaniya na parang may nasabi siyang maling words. "Gwapo?"
Mabilis siyang tumango. "Oo, gwapo. 'Di ba dalawa 'yon silang gwapo? Parang mga gods ang kagwapuhan!" hindi niya mapigilang kiligin habang inimagine ulit ang mga mukha ng dalawang lalaki.
"Nagagwapuhan ka sa kanila?" naglinya ang kilay nito.
Inosenteng tumango siya. Paminsan-minsan lang siya nakakakita ng gwapo kaya. "Oo! Lalo na 'yong si Magnesium."
"Magnar."
"Magnesium nga." Tumalim ang tingin nito at ibinalik ang tingin sa harapan. Hindi na ito nagsalita. Nagtaka naman siya sa pagbiglang palit ng mood nito. "Okay ka lang? Nag-away ba kayo ng gwapong si Magnesium?"
Nagtaas-baba naman ang kilay nitong sumulyap sa kaniya. "Fuck!" halos pabulong na lumabas lang iyon sa bibig ni Frahisto. "Mataré a ese Magnar!" I will kill that Magnar.
"Ano? Natatae ka?"
Napakamot na lang ito sa noo at ngumiti. "No Vida Mia. Be ready, lilipad na tayo at isasabit ko si Magnar pagbalik."
Tumango lang siya at ilang sandali pa, nagsimulang mag-start ang engine. Napapikit siya ng mata, baka 'di ito marunong pero malaki ang kaniyang tiwala kaya bahala na! Huwag lang sana siya nitong ihulog patiwarik.
BINABASA MO ANG
DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARRERO
Roman d'amourHe is an undercover leader of Dark X, a private organization he created after his wife and son died. His world was jarred to the core. Naging manhid siya. Nawalan ng pakiramdam sa lahat ng bagay. Simula noon, he spent all his time handling cases k...