CHAPTER 42 - HONEYMOON

22K 774 121
                                    

Hindi mapakali si Farhisst sa kinauupuang kama. Nasa isang kamay niya ang kopitang may lamang wine. Katatapos lang ng kanilang kasal. Bahagya siyang napangiti nang balikan niya sa isip ang magandang mukha ni Odessa, ang mukha ng kaniyang magandang asawa.

Nagmukha itong diyosa sa lahat lalo na at engrandeang garden wedding ang binigay niya. Halos hindi siya makahinga kanina habang naglalakad ito sa isle na napapalibutan ng mga bulaklak.

Nagmistulang magical land ang malawak na bakuran sa mansion nang Philco kung saan ginanap ang kasal nila. Napuno ng mga halaman at naggagandahang bulaklak sa bawat tabi at pinaramdam niya sa dalaga kung ano ang salitang espesyal.

Inasar siya ng kaniyang mga kaibigan dahil umiyak siya sa harap ng magulang ni Odessa habang tinanggap ang kamay ng dalaga. Para siyang batang umiiyak sa sobrang saya na nakaharap sa babae. Tinapik pa ni Cuhen ang kaniyang likod at pinapakalma siya. Habang natatawa ang babaeng papakasalan niya. Kung alam lang ni Odessa kung gaano kahalaga ang araw na ito sa kaniya.

Sunod-sunod siyang napalunok. Nasa shower room ang kaniyang asawa at naliligo. Naiinitan daw ito at gusto sana niyang tanggalin ang init na nararamdaman nito, nagpipigil siya. Hindi sex ang habol niya sa babae kahit asawa niya ito. Mas nangibabaw ang kaniyang pagmamahal kesa libog ng kaniyang katawan.

Pero lahat ng pagtitimpi niya, nalunok niya lahat nang lumabas itong nakatapis ng tuwalya. Muntik siyang mahulog sa kama at nabuhos pa ang laman ng wine na iniinom niya.

"Frahisto..."

Nailing siya sa paraan ng pagtawag nito. Nasanay itong tawagin siyang Frahisto. Minsan, tinatawag din siyang Kariton pero hinahayaan na lang niya. D'yan masaya ang kaniyang diyosa.

"Y-yes, Mia Vida?"

"Naisip ko lang, may nangyari ba sa inyo ni Jackylyn Suzuke?" Nameywang ito sa kaniyang harapan. Nag-abot ang kilay at nababasa niyang, ito ang iniisip ni Odessa.

Natawa siya sa tanong na iyon, "Wala."

"Talaga ba?"

"Yes." Tumayo siya at marahang humakbang papalapit dito. Naging tuod naman ang asawa niya pero walang salitang lumabas aa bibig. "Gusto mo, sa'tin may mangyari? Hmmm?"

"Bastos!" pinandilatan siya nito ng mata.

Ngumiti lang siya at marahang kinagat ang labi. Nang-aakit na tinitigan niya ito at marahang hinaplos ang  pisngi, pababa sa leeg hanggang sa makinis na balikat.

Shit!

Napamura si Farhistt. Biglang nagalit ang kaniyang sundalong kanina pa niya pinipigilan na 'wag magising. Ilang beses siyang napamura sa isip.

"Odessa..."

"Hmm?"

Walang salitang tinanggal niya ang tuwalyang nakabuhol sa katawan nito. Napasigaw ito pero labi niya ang pumigil sa labi ng asawa. Tumugon ito sa halik na binigay niya.

Shit! I missed this lips.

Mariin niyang hinalikan ito at ang pangako niya sa sariling 'wag papadala ng init ng katawan, naiwan sa ere. Naramdamang niyang yumakap sa kaniyang leeg si Odessa at diniin ang malambot na katawan nito sa kaniya.

Napaungol ito at lahat ng kaniyang pagtitimpi, nawala. Mabilis niyang pinangko ang asawa habang walang tigil ang paghahalikan na kanilang ginawa. Hindi siya magsasawang halikan ito sa buong buhay niya. Itong labing ito lang ang kaniyang hahalikan nang paulit-ulit.

Dahan-dahan niyang nilapag ito. Sandali siyang tumayo at pinagmasdan ang kagandahan ni Odessa. Hubo't hubad ito at walang kahit anuman saplot sa katawan. Malaya niyang napagmasdan ang kainosentihan at ang kagandahang ginawa ng Diyos sa katauhan ng kaniyang asawa.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon