CHAPTER 31 - SANA

14.6K 629 57
                                    

"Okay ka lang ba rito, anak?"

Napalingon si Odessa sa Ama. Nakangiti ito at kitang-kita sa mata ang kontento ngayon magkasama na silang mag-ama. "Naman Pa! Anak mo kaya ako. Ako si Goddess Hera Elairon slash para damang-dama-- Philco. Pa, bakit ang haba naman kasi ng pangalan ko!"

Natawa ito sa kaniyang tanong at naiiling. Nasa factory sila kung saan siya nagti-training bilang normal na employee. Gusto niyang matuto kung ano ang kalakaran ng Factory at nang Company.

"Huwag mong pagurin masyado ang sarili mo, hija. There's a plenty of time to learn. Sa ngayon, sabayan mo naman ang gwapo mong ama na kumain ng tanghalian."

Bumungisngis lang siya sa sinabi ng matanda. Ang swerte niya sa kaniyang Ama. Agad niyang iniwan saglit ang trabaho para lang matigilan. "Hindi pa lunch break, Pa. May 10 minutes pa, oh." Tinuro niya ang malaking orasang nasa dingding.

Napakamot naman ng ulo ang matanda. "Oh, I'm sorry. Hintayin ko na lang ang napakaganda kong anak dito na matapos para masabayan niya ang kaniyang gwapong ama."

Pabirong inirapan lang niya ang kaniyang Ama at sinulit ang natitirang sampung minuto. Simula nung araw na dinala siya ni Farhistt sa kaniyang totoong pamilya, tinuruan niya ang sariling maging busy. Hindi niya hinayaan dalawin o gambalain siya ng mga alaala nito. Sa tulong ng kaniyang ama at nang pera, naipagamot siya nito sa isang magaling na psychologist. Kahit papaano, tuluyan niyang natanggap na hanggang do'n lang ang buhay ng kaniyang Itang. Ang pangarap na maging teacher, bigla rin nagbago kasabay ng pagbago ng buhay niya kasama ang kaniyang Ama.

Ang Itay Orlando niya, Inay at mga kapatid, hindi niya na pinabalik sa Baryo. Binigyan ito ng bahay ng Ama niya at trabaho. Isang furniture na gustong-gusto ng gwapong Tatay niya at sa kaniyang Ina, may kalakihang tindahan. Habang ang dalawang kapatid niya, ang kaniyang Ama rin ang bahala sa pag-aaral ng mga ito. Ang kaniyang kuya, sa Factory binigyan ng trabaho at bahay kasama ng asawa at pamangkin niya.

Nasa canteen sila ng kaniyang ama at kumakain nang magsalita ito.

"Hindi mo ba siya namimiss, anak?"

Sandali siyang natigilan at nagtaas ng tingin. "Kain na lang ho tayo, Pa. Sa ngayon ayuko siyang isipin. Kayo muna ang pagtutuunan ko ng pansin po."

Ngumiti lang ito at tumango, "Basta anak, pag hindi na kaya ng puso..."

"Papa..."

Tumawa ito at nagtaas ng kamay. Pabirong inismiran na lang niya ang kaniyang Ama. Halos lahat ng employees, napapatingin sa kanila. Masyado kasi silang ordinaryo ng kaniyang Ama at nakikisabay lang na kumain sa mga ito sa canteen. Ayaw nga niyang tawagin siyang Ma'm ng mga ito. Saka na siguro kung nasa taas na posisyon, kaya laging naiilang ang mga tauhan ng kaniyang ama na tawagin siya sa kaniyang pangalan.

"Talaga bang siya 'yong anak ni Mr. Preco?"

"Mukhang hindi naman yata. Baka sugar daddy niya kamo. Kaya papa tawag niya at tingnan mo, lagi silang magkasabay kumain at sweet sa kaniya ang boss natin. Hinuha ko, hindi siya anak."

"Tama. Pinapalabas lang ni boss na anak si... Anong pangalan nga niya? Goddess Hera? Ang bantot!"

Naiiling na lang si Odessa sa tsismisan ng tatlong employees na babae. Kaka-out lang nila at naabutan niya ang mga ito sa locker. Hindi man lang napansin ng mga babae na ando'n siya. Pero imbes na magalit at pahiyain ang mga ito, pinili niyang hindi pansinin bawat salitang nanggagaling sa bibig ng tsismosa.

Nang makita ang mga 'to ang kaniyang presinsya, agad nagsitahimik ang mga ito at nagsisinyasan. Eksaktong tumumog ang kaniyang cellphone na agad niyang kinuha sa loob ng locker. Ang kaniyang gwapong Ama. Sinadya niyang lakasan ang boses para marinig ng tatlong tsismosa sa likod niya.

"Hello Pa? Oo, lalabas na po. Ha? Hindi. Kakakuha ko lang sa cellphone ko sa locker. Wala naman. May narinig akong issue about sa'tin Pa, na sugar daddy kita." Tumawa siya ng malakas at sandaling humarap sa mga 'to. Ngumiti siya ng matamis. Agad nawalan ng kulay ang tatlo. "Ha? Naku! Huwag na ho, Pa. Sa mukha pa lang natin na parang pinagbiyak na bunga, iti-tsismis pa na sugar daddy kita? Baka nabulag sa inggit ho pa. Hayaan na lang natin ho. Mga gano'ng tao, hindi umuunlad dahil puro inggit at tsismis lang ang alam, 'di ba Pa? Sige po, papalabas na ako." Agad niyang pinatay ang cellphone at mabait na ngumiti ulit sa mga ito. Kumaway pa siya at halos gusto niyang matawa kung paano tinakasan ng kulay ang tatlo at hindi makagalaw sa kinatatayuan. Pasalamat talaga ang mga ito, pinalaki siyang mabait ng kaniyang magulang.

Nasa bungad pa lang siya nang parking lot kung saan naghihintay ang Ama niya nang bigla siyang mapahinto. Frahisto! Tinitigan pa niyang mabuti ang isang spot ng parking area kung saan nakita niya ang lalaki pero wala na ito. Napangiti siya ng mapait. Ito ang kaniyang gusto pero bakit 'di siya masaya? Pinilig niya ang ulo at huminga ng malalim. Napapansin niyang lagi siyang ginagambal ng presinsya ni Farhistt o Frahisto. Lagi niya itong nakikita kahit wala naman ito. Hindi naman siguro ito nagmumulto.

"Okay ka lang?"

Napatango siya sa tanong na iyon. Napansin niyang kanina pa pala nakatingin ang kaniyang Ama at hinihintay siyang pumasok na sa loob. May family driver sila na nakatingin din sa kaniya.

"Yes po." Napabuntunghinga siyang pumasok saka niya pinilig ang ulo.

No, what they had was part of the past. Wala na siyang dapat pang balikan. Ang sabi ng psychologist, kung gusto niyang gumaling ng tuluyan at mawala ang matinding traumang nakuha niya... Kailangan niyang tanggapin ang ibang bagay at kalimutan ang kailangan kalimutan. Iyon lang ang paraan para tuluyan siyang mamuhay ng normal.

"Nga pala, anak... May business meeting akong pupuntahan sa China——"

"Sama ako."

"Ha?"

"Sama niyo ako. Matanda na kayo, Pa at hindi kayo dapat ang nasa ganitong posisyon. Dapat nagpapahinga kayo, nagbabakasyon, nambababae at palitan si Mama. Saka kailangan ko rin matuto. Dalawang taon na pagti-training sa company at pagpasok sa factory ay 'di pa sapat. Masyado ho kulang ang kaalaman ko. Asikasuhin niyo na lang lovelife niyo, Pa."

Malakas na halakhak nito ang pumuno sa loob ng sasakyan. Inubo pa ito kaya napilitan ang driver nila na ihinto ang sasakyan at siya naman, binigyan ito ng tubig.

"Nagmana ka talaga sa Ina mo! Ganiyan-ganiyan magsalita. Pero siya, you're right. I'm old and...  need a lovelife?" naiiling ito sa pabalik na tanong. "Okay, okay. Aalis tayo by Wednesday night. Ikaw ang magiging secretary ko that time, nak."

Ngumiti lang siya at tumango. That would be perfect! Malaki ang kaniyang pinagbago sa loob ng dalawang taon. Hindi na siya ang Odessa na dati, inosente at tatanga-tanga. Pina-workshop siya ng proper etiquette at kung paano makipaghalubilo sa mga tao. Masasabi niyang, nag-iba siya sa panlabas pero sa loob... Nanatiling nakaukit ang pangalan ng lalaking kahit pinipilit niyang kalimutan, ando'n pa rin. Hindi nawawala. Nanatili lang sa pinakasulok ng kaniyang puso. Pero hanggang do'n na lang iyon. Siguro, hanggang doon lang talaga sila. Siya ang nagtulak palayo rito kaya dapat panindigan niya.



NAKAHANDA na ang kaniyang maleta at nasa sasakyan na. Aalis na sila papuntang China. Hinihintay na lang niya ang kaniyang Ama na bumaba. Nang makitang bumaba na ito ng hagdanan, sinenyasan niya ang family driver nila na i-start na ang sasakyan.

Naging maayos naman ang byahe nila. Siya na rin ang pumili ng hotel kung saan sila nag-stay mag-ama. Kaniya-kaniya silang kwarto ayon na rin sa kagustuhan nito. Ang ka-business meeting nito, dalawang Chinese at isang American.

Pabagsak niyang hiniga ang kaniyang katawan sa malambot na kama. Dahil sa pagod, agad siyang hinila ng antok. Sana, tigilan na siya ni Frahisto dalawin sa panaginip... Sana...

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon