CHAPTER 12 - FORGET ME NOT

19.4K 816 75
                                    

Napalingon si Farhistt sa silid ni Odessa, aalis na siya ngayong umaga pero 'di pa rin lumalabas ang dalaga sa silid nito. Napabuntunghinga siya, siguro dahil sa nangyari kagabi. Nung hinalikan niya ito. Napakuyom siya ng kamao, first time niyang maramdaman ang ganito. Ilang babae ba ang nagtangkang akitin at pasayahin siya sa kama? He couldn't count them all.

Nagpaalam na siya kay Mang Bartolome na aalis na. Gusto sana niyang kausapin ang dalaga pero baka galit ito kaya hinayaan na lang ni Farhistt. Kailangan na rin niyang bumalik ng Maynila. Masyadong mataas ang 2 weeks na inilagi niya sa lugar na ito. Mostly on his every assignment, 3 days ang pinakamataas. Ngayon lang siya nagbigay sa kaniyang sarili ng mahabang panahon... Siguro dahil gusto niyang takasan sandali ang nakasanayang lugar.

Nakausap na rin niya si Maccabi, naghihintay na ito sa kaniya na makabalik agad siya. Aside from that, may pinapagawa siya rito na kunin si Don. Hernandez ayon sa utos ng kaibigan niyang si Cuhen Malcogn.

Isang sulyap muna ang kaniyang binigay sa bintana ng kwarto ni Odessa saka siya nagpasyang umalis. Alam niyang hanggang dito na lang sila at malabong magkikita pa sila ulit ng dalaga. Humugot siya ng malalim na hangin saka humakbang paalis sa bahay na iyon. Tapos na ang kaniyang misyon.

Marahang pumatak ang luha ni Odessa, kahit anong pilit niyang 'wag maiyak... Pumapatak ang mga iyon na parang ulan mula sa kaniyang mata. Nasasaktan siya! Aalis na ang lalaki pero 'di niya kayang magpaalam man lang. Ayaw niya. Baka kapag ginawa niya iyon, mag-iiyak lang siya na parang baliw.


Mabilis niyang pinunasan ang kaniyang mata habang nakasilip siya sa kaniyang bintana. Kitang-kita niya na nakatingin si Frahisto sa kaniyang kwarto bago ito tuluyang tumalikod.

Frahisto...

Gusto niyang pigilan ang pag-alis nito pero kapag ginawa niya iyon, parang binaba na rin niya ang kaniyang sarili. Nakatatak pa rin sa isip niya na may asawa itong babalikan sa Maynila. Pero ang 'di lang niya maintindihan, bakit siya nito hinalikan? At bakit din niya ito hinalikan?

Ay, nababaliw na talaga siya! Hanggang sa tuluyan niya ng hindi nakita ang lalaki, impit siyang napaiyak sa kaniyang palad. Kung hindi pa siya tinawag ng kaniyang Itang, malamang magdadrama muna siya at maglupasay ng iyak sa kama.

Kaya sa gabing iyon, para siyang tangang nakatulalang nakaharap sa pagkain. Kailangan pa siyang tapikin ng kaniyang Itang para magbalik siya sa hwesyo. Malungkot siyang tumingin dito at nagyuko.

"Aba'y hija, matanda na ako pero 'yang mga galawan na 'yan... Ganiyan na ganiyan ako no'ng mga kapanahunan mo. Umibig sa isang taong hindi pwede mahalin."

Napakagat siya ng labi at 'di magawang sumagot. Kinwento na nito ang madramang pagmanahal nito sa kaniyang Inay na mas pinili ang kaniyang Itay. Pero kalaunan, nakapag-move on at nakapangasawa ng taga-probinsya at dito na namalagi.

"Ano kaya kung umuwi ka muna sandali sa Maynila? Uuwi rin sila kuya at ate mo rito para magbakasyon kaya may kasama ako. 'Wag mo muna akong isipin, sarili mo isipin mo at damdamin ng magulang mong bata ka! Nakuu! Magtatampo na ang mga 'yon sa'kin."

"Pero 'Tang——"

"'Wag matigas ang ulo, Odessa. Umuwi ka muna pansamantala."

"O-okay po," napabuntunghinga siya. Tama ang kaniyang Itang, kailangan niya munang umuwi at baka sa tuwing magpupunta siya sa batis... Magdadrama lang siya sa alaalang iniwan sa kaniya ng lalaki. Kasabay yata nitong dinala ang kawawang puso niya.

"Mas maigi kung mamalagi ka muna kahit ilang buwan sa Maynila."

"Pero Itang——"

"Kumain ka na. Papakuhain kita ng ticket mamaya."

Napabuntunghinga siya ulit at hindi na nagsalita pa. Hinarap niya ang kaniyang pagkain at matamplay na pumunta sa palengke. Kahit may katigasan ang kaniyang ulo, nasusunod pa rin ang kaniyang Itang.



MALAYANG sinamyos ni Odessa ang malamig na hangin nung nasa balcony siya. Kararating lang niya at unang sumalubong sa kaniya ang kaniyang nagtatampong ina dahil wala na raw siyang balak umuwi. Naglalambing na niyakap na lang niya ito at binigyan ng munting pasalubong.

Sana, makalimutan niya si Frahisto kahit wala namang sila. Itong puso niya kasi, 'di mapigil. Baka kung nagpadala siya nang gabing iyon, baka naisuko niya na ang kaniyang iniingatang katawan. Napakagat na lang siya ng labi at bumuntunghinga.

Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi na rin niya masyadong naiisip si Frahisto. Malaki ang naitulong sa lagi niyang pagsasama sa laot kasama ang kaniyang ama na nangunguha ng isda at ilang seafoods para dalhin sa Malcogn's Island. Personal na taga-deliver ang kaniyang ama every sunday at dapat walang palya iyon.

Nung nakaraang araw nga, muntik na siyang atakehin sa puso. Paano ba naman, sinama nila ng kaniyang Itay ang babaeng tumakas galing sa isla. Dahil naawa ang ama niya, sinama nito nung pag-uwi nila. Nakilala niya ang dalaga sa pangalang Ellah at hindi ito masyadong nagkwento. Umiyak lang ito nang umiyak at nakaramdam siya ng habag sa babae.

Mabuti na lang at hindi sila nadamay sa galit ni Mr. Malcogn nung pinaghahanap ng mga tauhan nito ang babae. Kung hindi, magkakandaletse ang tanging pamumuhay ng kaniyang pamilya—— ang pangingisda.

"Ate Goddess!"

Nilingon niya ang batang tumawag sa kaniya. Napangiti siya sa hitsura ng kaniyang kapatid. Napakadungis na naman at hindi pa nakaligo. "Ba't 'di ka pa naliligo, ha?" sita niya. Nasa Hunasan siya ng mga oras na iyon, parte ng dagat na nag-low tide. Nangunguha siya ng pwede nilang gawing ulam.

"Eh kasi ate..."

"At sa'n ka naman galing niyang mga chocolate na kinakain mo? Ikaw talaga Inggo, kaya nabubulok ipin mo."

Napangiwi lang ito at nagkamot sa ulo, "Makinig ka muna kasi ate!"

Natawa siya at tumayo mula sa pagkakayuko. Nandidisturbo talaga 'to sa kaniya, eh. Nakapameywang siyang hinarap ito habang puno ng putik ang kaniyang kamay. "Ano kasi 'yon? Tuli ka na?" Inismiran lang siya nito at akmang tatalikuran nang hilain niya ang damit nito. "Joke lang, ano po kasi kuya? Bakit mo ako po tinawag?"

"May nagpapabigay kasi sa'yo nito."

Saka lang niya napansin ang isang bugkos na Forget Me Not flowers ang dala ng kaniyang kapatid. Sumikdo ang kaniyang dibdib nang makita iyon at halu-halong emosyon ang kaniyang naramdaman. "S-sino ang nagbigay?" Mabilis niyang kinuha iyon at nangingislap ang matang tinitigan ang bulaklak. Ayaw man niyang kiligin pero... Kinilig na siyang parang tanga.

"Si kuyang gwapo!" May tinuro ito sa kabilang dako ng dagat. Napakunot siya ng noo, wala siyang makitang tao. Puro bangka lang ang nakikita niya. "Ay, ba't nawala?"

"Ano raw pangalan niya?"

Nag-isip naman ito at nagliwanag ang mukha, "Yx! Si Yx daw siya." Saka ito tumalikod na walang paalam.

Pipigilan pa sana niya ang kaniyang kapatid at tanungin sino si Yx, nakalayo na ito at nakipaghabulan pa sa isa niyang kapatid. Nagkibit na lang siya ng balikat at tinitigan ang bulaklak. Parang nawala lahat ng sakit ng likod niya sa kakayuko at pakikipaglaro sa putik para may makuhang pangdagdag ulam.

Sino si Yx?

Akala pa naman niya, galing kay Frahisto. Bigla na naman siyang nakaramdam ng lungkot nang maalala ang lalaking iyon. Okay-okay! Tama na, Odessa. Pinilig niya ang ulo at nilagay sa isang baldeng walang laman ang bulaklak saka nagpatuloy. Saka niya na isipin si Frahisto kapag nakapag-move on na siya totally.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon