CHAPTER 22 - TAKE HER

17.3K 651 49
                                    

"Itang!" Mabilis napabangon si Odessa, Nag-ikot siya ng tingin at agad napababa sa kama. Akmang tatakbuhin niya na ang kurtinang nakaharang para magsilbing pintuan nang biglang pumasok do'n si Tina.  Matagal siyang napatitig sa kaibigan at do'n lang tuluyang nag-sink in sa kaniyang isip, na wala na ang matanda. "I-itang..." nagsimulang gumaralgal ang kaniyang boses. Kasunod ang panay bagsak ng luha sa mata niya...

Agad siyang tinakbo ng yakap ni Tina at hinayaan siyang umiyak nang umiyak sa balikat nito. Hanggang ngayon, hindi pa rin niya matanggap na wala na ang matanda. Na wala na ito... Na iyon na ang huling pag-uusap nila sa araw na iyon. Hindi man lang siya nakapagpaalam. Ni hindi man lang siya nakayakap ng mahigpit dito. Namatay ito sa mapait na paraan at walang kasalanan. Pinatay ng mga taong walang kaluluwa ang taong nandiyan lagi sa kaniya.

"Odessa..."

"Tina h-hindi ko pa rin matanggap! Hi-hindi ko matanggap... Hindi..." halos magkasamid-samid na siya sa pagsasalita pero mas nanaig ang sakit na kaniyang nararamdaman. Kung kailan kakabalik lang niya, eh. Ang alam niya, wala siyang atraso kanino. Wala siyang kaaway. Kaya kung sino man ang pumatay sa kaniyang Itang, marahil isa itong demonyo! Walang puso!

"Dito ka na lang sa loob ng kwarto, Odessa. Huwag na huwag kang lalabas mamaya sa lamay ni Mang Bartolome... 'Di natin alam, baka and'yan lang sa paligid ang gustong pumatay sa'yo. Baka babalik sila at pag nakita ka, papatayin ka nila... Kaya, dito ka muna Odessa... Magtago." Hinaplos nito ang kaniyang buhok habanh umiiyak din ito. Pareho silang umiiyak sa pangyayaring gumimbal sa payapa niyang mundo. Panay ang kaniyang hikbi at wala yatang katapusan ang luha niya.

Nagtaas siya ng tingin at pinilit ang sariling pakalmahin. "P-pero gusto... G-gusto kong makita ang Itang, T-tina... Hin-hindi pwede na wala ako sa lamay niya. Hindi pwedeng ilibing siya na... Na... 'di ko nakikita, Tina! Hindi!" pahikbing anas niya habang pinupunasan ang mata.

"Pero Odessa..."

Yumakap lang siya rito at muling napaiyak. Saan si Frahisto? Saan ang lalaki? Bakit wala ito ngayon? Bakit... Ang sakit naman magbiro ng panahon. Kung kailan kailangan niya ng karamay.

Nung mahimasmasan siya, agad siyang niyaya ni Tina na kumain. Pero dahil wala siyang gana, hindi siya napilit nito. Napansin din niyang umaga na at magtatanghali. Hindi rin siya nito pinayagan na lumabas ng kwarto. Nanatiling nakasirado ang bintana at sabi ni Tina, nagtulong-tulong ang mga kapit-bahay nila para gawan ng kabaong ang kaniyang Itang. Mamayang gabi ang lamay nito at tinawagan na rin ang kaniyang mga pinsan para umuwi.

Walang Frahisto na nagsabing bibisita sa kaniya. Sinubukan din niyang tawagan ang number nito sa de-keypad cellphone niyang pwede ng pang-donate sa museum, pero naka-off ang phone ng binata. Ilang beses din niyang tinawagan ang phone ni Frahisto pero wala talaga kaya hindi na siya sumubok pa. Hinayaan na lang niya ito at baka nakalimutan na siya. Baka sa sobrang busy nito, wala na itong pakialam.

Tatlong araw lang ang lamay ng Itang niya, saka ito nilibing. Pinakiusapan din siya ng kaniyang magulang na umuwi muna sa Luzon at baka kung ano ang mangyari sa kaniya sa probinsya. In which, tama ang mga ito at si Tina... may nagpunta sa lamay ng matanda na tatlong lalaking nakaitim ang buong kasuutan. Wala naman itong ginawang masama pero panay lingin at tingin ang mga ito sa bawat tao. Hindi siya hinayaan ni Tina at nang magulang nito na lumabas siya ng bahay. Nasa loob lang siya at sa kabilang bahagi ng kaniyang puso, nakaramdam siya ng takot. Sino ba ang hindi? Kung pagbabasihan ang pagmumukha ng tatlong lalaki, hindi basta-basta ang mga ito at walang kinakatakutan.

"Odessa, ihahatid ka ni kuya mamayang madaling-araw sa bayan. Hindi pwede na ikaw lang ang umalis at baka kung ano ang magyari sa'yo."

"Unsa man ka oy, kaya nako akong self daii. Gwapa lang ko pero 'di ko tanga para magpatsugi dayon." Ano ka ba, kaya ko ang sarili ko day. Maganda lang ako pero 'di ako tanga para magpapatay agad.

DOMINANT SERIES 6: Deception (Completed) FARHISTT FORTOCARREROTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon