Kabanata 1

128 66 33
                                    


"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pag bilang ko ng tatlo nakatago na kayo. Isa, dalawa, tatlo! Eto na ako!" Sigaw ng batang babae pagkatapos nitong alisin ang magkabila niyang palad na nakatakip sa mapupungay niyang mata.

Tumingin tingin muna siya sa paligid at palihim na bumingisngis nang may makitang anino sa likod ng puno ng saging. Dahan dahan siyang naglakad papunta sa harapan ng puno at, "Boom! Huli ka!" Pang gugulat niya sa batang lalaking kalaro.

Inosenteng inangat ng batang lalaki ang tingin sa babaeng kalaro, "Hmmp! Ano ba 'yan Marion, ako nanaman ang taya nito," Reklamo ng bata at bumusangot.

"Eto naman.. galingan mo kasi sa pagtago Jimmy, para hindi ka agad mataya," Sabi ng batang nagngangalang Marion kay Jimmy.

"Tulungan mo nalang akong hanapin ulit sila?" Suhestiyon ni Marion para hindi magtampo ang kalaro.

"Hmm, sige!" Pagpayag ni Jimmy at tumayo sa pagkakaupo at lumapit kay Marion. Agad namang napansin ni Marion ang maduming puwetan ng short ni Jimmy, kaya agad naman niya itong pinagpagan.

"Tingnan mo, mapapagalitan ka diyan ng mama mo." Ani Marion na patuloy parin sa pagpagpag ng short ni Jimmy.

"Edi ako nalang maglalaba!" Sagot ni Jimmy sa babae, agad namang natawa si Marion, "Hindi ka nga marunong maglaba. Hahaha"

Bumalik nalang ulit sa pagbusangot si Jimmy nang wala na itong masabi.

Marion

"JayJ libre mo naman ako!" Pilit ko sakanya habang patuloy parin siyang naglalakad sa corridor ng school.

"Lagi ka nalang nagpapalibre, naubusan na ako ng pera dahil sa kaka McDo mo!" Sigaw ni JayJ nang tumigil na siya sa paglalakad.

Napanguso nalang ako sa sinabi niya. Ano ba 'yan akala ko pa naman makaka chicken fillet ako ngayon, sayang naman hehe.

"Ililibre naman kita bukas at sa mga susunod na araw, eh" Sabi ko sakanya at inalog alog yung makabilang balikat niya.

Napahinto naman si JayJ dahil sa sinabi ko. Yes! Gumana. "Last na 'tong libre ko sayo, pagkatapos nito wala na." Matigas na sabi ni JayJ at lumabas nagpatuloy na sa paglalakad papalabas ng building namin.

Agad naman akong sumunod sakanya at nang makapunta na kami sa parking lot binuksan na niya ang shotgun seat at iginaya at paupo.

Nang makarating na kami sa McDo ay nag order na ako ng Chicken Fillet at Mcfloat atsaka fries, dalawang burger.

Habang kumakain ako ay napansin kong wala paring imik si JayJ at nakatingin lang sa'kin na kumakain, kaya inalok ko sakanya yung isa kong burger.

"Thanks."Aniya at tinanggal ang nakabalot na papel sa burger at nagsimula nang kumagat. Bigla nalang nag ring yung cellphone ko at agad ko namang sinagot yung tawag.

"Nasa McDo nanaman ba kayo Ni Jay?" Tanong ni Claudia sa kabilang linya.

"Tamang tama nagugutom narin ako!" Rinig ko ang boses ni Filie sa linya, "Oh, Jim kanina ka pa walang imik diyan, ah?"

"W-Wala 'to, masakit lang ang ulo ko." Pag-uusap nila sa kabilang linya. "Oh, okay? Anyways, on the way na kami diyan girl! Byes!" Paalam niya at pinatay na ang tawag.

"Mukhang marami ka pang ililibre Jay, paano na 'yan? Mabubutas nanaman ang bulsa mo paparating na sila. Hahaha"

"Tss, akala mo mga walang pera, eh." Sabi ni Jay at nilabas yung cellphone niya. Si JayJ talaga ang sponsor namin pagdating sa pagkain, pero ako naman ang sponsor sa papel at ballpen. Hahaha

[To be continued]

Intro po muna sa mga characters ang kabanata 1 to 2. Please vote and comment!

Hide and Seek Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon