After 5 years
Third Person's POV
Abalang abala si Marion sa paglalagay ng mga gamit sa kaniyang hand bag na kaniyang kakailanganin sa pag-alis papunta sa weekly na pagpunta niya sa clinic ni Dr. Tolentino, her psychiatrist. Nang makuha na ang lahat at lumabas na ito sa inuupahang apartment.
Pumara siya sa jeep na paparating at sumakay, nang maka-upo na siya ay hindi niya mapigilang mapa-isip sa bangungot na nangyari sa kaniya at pari narin sa mga estudiyante ng Felipe High na nag iwan ng sugat na hindi basta-bastang maghihilom.
Hindi na siya nakapag kehiyo dahil sa trauma niya na pumasok pa sa mga eskuwelahan. Naintindihan naman ng mga magulang niya kaya pinabayaan nalang nila itong wag na muna magpatuloy sa pag-aaral at magpagamot na muna dahil sa kaniyang mga natamo.
Linggo-linggo niyang binibisita ang puntod ng kaniyang kaibigan na si Jay. Pangungulila ang naramdman niya kahit na naligtas siya ng mga pulis nung hapon na iyon.
Akala niya ay katapusan na niya nang hugutin ni Jimmy ang baril at itutok sa ulo niya, pero hindi niya ito tinuloy at sa halip na sentido niya ang patamaan ay ang malikot niyang kanang kamay ang pinuruhan nito. Naalala niyang gusto niya itong pahirapan at huwag muna basta-bastang patayin.
Pero hindi siya nagtagumpay dahil nakarating na ang mga pulis at nakaabot na sa pinanggalingan ng putok ng baril. Sinubukan nilang kausapin ni Jimmy pero itinutok nitong muli ang baril sa puso ni Marion, pero walang lumabas na bala kaya inunahan na siya ng putok ng baril ng mga pulis.
Hindi na niya hinarap si Jim at hinayaan niyang ang mga magulang niya nalang ang mag-sampa ng kaso kay Jim at mga tauhan nito.
Hindi niya namalayan na nasa destinasyon na pala siya, kaya nagbayad siya at dali-daling bumaba at naglakad papasok sa ospital.
Hindi siya bago rito kaya alam niya ang mga pasikot sikot na daan kaya mabilis siyang nakapunta sa pamilyar na opisina. Nang makapasok siya ay natigilan siya nang makitang nakatalikod ang upuan ni Mr. Tolentino, "Sit," utos ng lalaki sakanya at hindi niya mapigilang magtaka.
Nag-iba yata ang boses ni Mr. tolentino? Tanong ni Marion sa isip, pero binalewala nalang nang pumasok sa isip niya na baka napaosa lang.
Umupo na siya sa silya kaharap ng lamesa ng kaniyang doktor, pero tila tinakasan siya nng dugo nang humarap na sakanya ang lalaking nakatalikod na walang iba kung hindi si Jim.
"Miss me?"
The End
A/N
Whooo my first ever finished story in three years on watty! ❤️ salamat naman at may natapos na akooo! Waaahhhh!! 💕 💗
:)
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Mystery / ThrillerWe all know the game Hide and Seek, but to the masked man on loose, it's plain, old boring. So, he decided to make a whole school play Hide and Seek, but with a twist. (I wrote this on 2020, my noobie era. I'm planning on rewriting it when i finish...