Kabanata 9

35 27 3
                                    

Third person's POV

Habang nagtatago sila Marion at mga kasama niya sa loob ng cult room ay naisipan ni Marion na sumilip sa labas para makita kung saang silid pumasok ang lalaki.

"Anong ginagawa mo?" Gigil na bulong ni Filie sakanya, pero isinenyas lang nito na manahimik.

Sumilip siya sa uwang ng pinto at nakita na sa maling kwarto pumasok ang mamamatay tao. Kaya sumenyas muli siya sa mga kaibigan niya na pumunta sa kinaroroonan niya para makalabas na sila habang nasa kabilang silid ang lalaking humabol sakanila kanina.

Dahan dahan at tahimik na naunang naglakad si Marion palabas ng silid at luminga-linga sa paligid. Nang hindi pa lumalabas sa silid na pinasukan ng lalaki ay tuluyan na silang naglakad papunta sa hagdan paakyat sa ikalawang palapag ng paaralan.

Sa kabilang dako naman ay halos kalahati na ng mga estudiyante ng Felipe High ay tuluyan ng sumakabilang buhay, dahil nahuli na ito ng mga lalaking kasama ng nakamaskara.

Saktong isa sa mga kasamahan ng lalaking nakamaskara ang nakadaan sa ikalawang palapag na siyang tinahak ng magkakaibigan.

Sa ikalawang beses ay nahuli nanaman ang magkakaibigang nais lang na maligtas ang kaibigan na si Annie, pero ngayon ay handa na sila Marion at Jay.

Handang aatakihin na sila ng lalaki gamit ang kutsilyong hawak nito ay agad itong inunahan ni Marion ng sipa sa pagitan ng hita nito.

Napa-upo ito sa sahig na nakahawak sa kayamanan nito. (Lol! Anong kayamanan yan bHie?)

Tsaka naman sumali si Jay dito at hinigpitan ang hawak sa walis tambo na ginawang pamalo sa ulo ng lalaki. Saglit na hindi nakagalaw ang lalaki dahil sa sunod-sunod na sakit na binigay sakanya ng dalawa.

"Tara na!" Nagmamadaling ani ni Marion dahil baka magkatayo pa ang lalaki at tuluyan sila. Dumaan sila sa gitna ng pasilyo dahil nandoon ang hagdan papunta sa ikatlong palapag ng paaralan.

"Hahaha! Tang*na hindi ko na kailangan 'tong kutsilyo, baril nalang ang gagamitin ko para patayin kayo," Sabi ng lalaki at humalakhak muli bago ituloy ang balak sa babaeng sumipa sakanyang kaibigan.

Itinutok niya ito sa tiyan ni Marion kahit umiikot ang kaniyang paningin at nakangiting kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak nito.

Habang ang walang kamalay-malay na magkakaibigan ay naglalakad, natigilan sila nang makarinig ng putok ng baril na sa pasilyo na dinadaan nilang apat.

Tuluyan nang bumigay ang talukap ng mga mata ng lalaki pagkatapos nitong ituloy ang balak.

Napalingon sina Filie, Jay at Claudia na nasa unahan sa likod nila kung saan nandoon ang may tamang Marion.

Nakahawak ito sa dinaplisan ng bala sa tagiliran nito nang makaramdam na ng hapdi sa katawan.

"Marion!" Nag-aalalang tawag ni Jay sakanya nang tuluyan ng dumilim ang paningin ni Marion at bumagsak sa sahig.

Marion's POV

Madilim, iyan ang nakikita ko ngayon. Habang nakatayo sa kadiliman na hindi ko alam kung saan.

Natigilan ako nang makarinig ng mga boses sa di kalayuan, "P*ta! Bakit mo siya pinatakas?!" Gigil na tanong ni Jimmy sa isang lalaking nakamaskara.

"Paano makakamit ni Brian ang hustisya kung tutunganga kalang diyan at hayaang makatakas ang unica hija ng taong nagparanas sainyo ng bangungot!" Galit na sigaw ni Jim sa lalaki.

J-Jim? Bakit niya kausap ang lalaking nakamaskara sa entablado?

"Hahanapin ko siya!"

"Papatayin ko siya!" Dagdag ng lalaki  bago alisin ang maskarang nakatakip sa mukha niya.

H-Hindi pwede!


A/n

Next chap na agad Haahhhahahah

Hide and Seek Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon