Not edited, planning on finishing this story today. :)
Third Persons POV
Bumagsak sa damuhan si Jay dahil sa tama nito ng baril sa magkabilang binti, agad namang napahinto si Marion at lumingon nanaman sa pinanggalingan ng bala at nakitang nakatutok na ito sakanya. Kaya mabilis siyang kumilos upang hilain ang katawan ni Jay sa likod ng puno at naiiyak na hinawakan nito ang pisngi ng kaibigan.
"Jay," naiiyak niyang sambit niya sa pangalan ng kaibigan. "Tara na, aakayin nalang kita," sabi ni Marion kay Jay at pinilit na buhatin pero nabigo at napaupo muli sa maputik na dahunan.
"I-I can't, just g-go," pagtataboy sakanya ng kaibigan pero hindi ito sinunod ni Marion, naiiyak parin siya na nakatingin sa kaibigan.
"Hindi, a-ayoko! Tara na, aalis na tayo dito!" Pinilit niya muling akayin ni Jay pero patuloy paring bumabagsak dahil sa bigat nito. "Mahal kita, Marion. Sige na, umalis kana! Please, the thought of you making it out of this hellhole makes my mind at peace. So, please! Umalis kana!!" Aniya at tinaboy muli ang kaibigan.
Hindi makapaniwalang nakatingin si Marion sa kaibigan, mahan niya ako? Tanong nito sa isip.
"M-Mahal din kita, sorry, sorry!" Patuloy niya at tumayo na at nagsimulang tumakbo papalayo kay Jay, at papunta sa pinakamalapit na siyudad para humingi ng tulong.
Pero tila malayo pa ito dahil puto naglalakihang mga puno at mga dahon, sanga lang ang nakikita niya.
Sa kabilang dako..
Napangiti si Jay ng marinig ang mga katagang iyon sa bibig ng kaniyang napupusuang kaibigan.
Mahal din kita..
Mahal din kita..
Mahal din kita..
Dali dali niyang dinukot ang cellphone sa bulsa at nagliwanag ang mukha niya ng makitang merong isang bar. Dali-dali niyang tinawagan ang mga pulis at sinabi kung nasaan siya at kung anong nangyayari.
"Tulungan niyo kami! Hinahabol ang kaibigan ko dito sa likod ng Felipe High! Bilisan ninyo!—" naputol ang sasabihin niya nang agawin ni Jim ang cellphone nito at ibinato sa puno na nagpasira nito.
"Madaya ka, tumawag ka sa pulis, kailangan mo nang mamatay!" Aniya at tinutok ang baril sa sentido ni Jay pero hindi ito natuloy nang may tumawag sakanya sa likuran ni Jay.
"A-Anak ko iyan! 'Wag!" Paki-usap ni Timber at lumapit kay Jay, gulat na tinignan siya ng anak niya, "Dad? You're a part of this?!" Hindi makapaniwalang tanong ng anak niya.
"I-I pamilya ng babaeng iyon ang punatay sa kaibigan ko!" Paliwanag niya pero walang nagbago sa mukha ni Jay.
"You're sick! She has nothing to do with this and her family doesn't even know you!" Sigaw ni Jay sakanyang ama. Hindi naniniwalang tumingin sakanya si Timber.
"Hindi! Sinabi sa'kin ni Jay na ang pamilya Guzman ang pumatay sa kaibigan ko!" Sabi ni Timber at tumingin kay Jim.
"Hmm, uto-utong matanda. HAHAHA" ani nito at dahan dahang lumabas ang ngisi sa mukha nito.
"Masiyado kanang maraming nalalaman, kailangan niyo nang mamatay!" Sigaw ni Jim at itinutok sa ulo ni Jay ang baril at pinaputok ito at walang pag-aalinlangang sinunod nitong barilin sa puso si Timber.
Umalingawngaw ang baril sa gubat at nanghihinang napa-upo si Marion dahil sa narinig. Wala na ang kaibigan niya, ang natitirang kaibigan niya na tunay. Kahit nanghihina ay pinilit niya tumayo at muling tumakbo papalabas ng punuan papunta sa siyudad, pero natigilan siya nang lumusot ang paa niya sa nakalabas na ugad ng puno.
Sinubukan niyang tanggalin ang paa niya, pero nabigo nanaman siya. Napabuntong hininga siya at muli nanamang sinubukang alisin ang paa niya nalusot.
Naka-ilang beses na siyang bumuntong hininga nang hindi parin natatanggal ang paa niya sa ugat ng puno. Natigilan siya nang may maramdamang malamig sa likod ng ulo.
"Patay na sila," ani ni Jimmy at pumunta sa harapan ni Marion. Puno ng pawis at dugo ang mukha nito. Mahinang napatawa si Jim at inilapit ang mukha kay Marion.
"Hindi ako papayag na mamatay ka ng madalian, gusto ko yung mabagal, yung tipong hihilingin mo na mamatay ka nalang," sabi nito at may nilabas na kutsilyo sa bulsa nito at itinapat muli sa tenga ng biktima. Sinubukang agawin ni Marion ang kutsilyo, napikon naman na si Jin at binunot ang baril at pinaputok ito.
...
Dumating na ang mga pulis sa eskiwelahan at natagpuan ang mga nagkalat na mga katawan sa bawat pasilyong nadaraanan nila. Tumawag na sila ng ambulansiya at mga medic para sagipin ang mga tao dito. Dalawang pulis ang natira para pumunta sa likurang bahagi ng paaralan, at ang ibang pulis naman ay naghanap ng mga estudiyanteng natira na buhay sa mga silid.
Sumampa sila sa bakot at nagtuloy tuloy papasok sa kagubatan. Mas binilisan nila ang takbo nang may marinig na sigaw at putok ng baril.
A/N
Epilogue is upppppp
Please vote/ comment kung ano sa tingin mo sa chapter na ito? ❤️
Maraming salamat!! 💕
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Mystery / ThrillerWe all know the game Hide and Seek, but to the masked man on loose, it's plain, old boring. So, he decided to make a whole school play Hide and Seek, but with a twist. (I wrote this on 2020, my noobie era. I'm planning on rewriting it when i finish...