Marion's POV
Patuloy parin kami sa pagtakbo sa hallway at huminto sa tapat ng pintuan ng lumang janitors closet.
"Dito tayo magtatago?!" Hindi makapaniwalang tanong ni Filie kay Jay. "Oh, edi saan mo gusto mag tago?!" Iritadong balik tanong sakanya ni Jay.
"Hindi na ako magtatago, tatakas na agad ako. Anong akala niyo sa'kin? Bobo? Siyempre pupunta ako sa likod ng school at tatalon ng bakod." Paliwanag ni Filie at nag ngiting tagumpay.
"Akyatin mo mag-isa yung mataas na pader, kaya mo?" Hamon ni Jay kay Filie, pero tinarayan lang siya nito. "Guys, wag nga kayong mag-sigawan, baka mahanap nila tayo." Saway ni Claudia sa dalawa at nauna nang pumasok sa loob ng lumang janitors closet.
"Students! Students! Wouldn't it be fun if it's lights out?" Bigla nalang tumunog yung speaker sa taas ng mga lockers.
Saktong napatingin ako sa dulo ng hallway. Isa isang namatay ang mga ilaw na nakahilera papunta sa direksiyon naming tatlong nakatayo parin sa labas ng janitors closet.
Muntik na akong mapatili nang tuluyan nang mamatay lahat ng ilaw sa hallway. "Marion, here let's go inside." Sabi ni Jay at bigla nalang dumapo ang kamay sa dibdib ko.
"Futa! Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Jay!" Sigaw ko sakanya at agad naman niyang tinanggal ang palad niya dumapo sa dibdib ko.
"Sorry, I-I was gonna reach for your hand, but.." hindi na niya tinuloy ang sasabihin niya at nanahimik nalang.
"Suntukin kita diyan, eh! Paano mapupunta yung kamay ko sa dibdib ko?! Bopols ka'ring lalaki ka!" Sigaw ko sakanya at kahit madilim pinilit kong aninagin ang mukha ni Jay at binatukan siya ng malutong.
"Ang iingay niyo! Shh!" Saway samin ni Filie at naramdaman ko nalang na may humawak na sa kamay ko at iginaya ako papasok sa janitors closet.
Nasilaw ako bigla nang may tumutok sa mukha ko ng ilaw, "Ilayo mo nga 'yan sa'kin!" Saway ko.
"Sorry," Paumanhin ni Filie at tinutok yung ilaw sa sahig. Teka, baka makita nila na may liwanag dito sa closet?
"Patayin mo yung flashlight ng cellphone mo." Sabi ko kay Filie, pero binigyan niya lang ako ng tingin na bakit-ko-naman-yun-gagawin-tanga-ka-ba-look.
"Patayin mo yung flashlight o tayo ang mamamatay." Sabi ko at mahina naman siyang tumawa.
"Tss, grabe ka naman Marion," Aniya at pinatay na yung flashlight ng cellphone niya. "Tumawag na tayo pulis." Sabi ni Claudia samin.
Oo nga! Pero sinabi ng lalaki kanina na pinutol niya yung connection dito.
Susubukan lang naman namin."Walang bar." Sabi niya at pinakita samin yung tapat ng screen ng cellphone niya. "Well, kung wala tayong matatawagan.. samahan niyo nalang ako tumakas." Singit ni Filie.
"Wait! Si Annie! Nakalimutan natin siya." Sabi ko sakanila nang maalalang nagpa-iwan pala si Annie sa library.
Isa isa namang nanlaki ang mga mata nila dahil sa sinabi ko, "I totally forgot her!" Malakas na sigaw ni Jay kaya sinamaan agad namin siya ng tingin.
Napaka-ingay talaga ng lalaking 'to!
"Then, we have to get her first and then we'll escape sa likod ng school." Sabi samin ni Filie at tumayo na sa inuupuan niya.
•••
Please vote/ comment/ sharez!!
Vomment!! ❤️
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Mystery / ThrillerWe all know the game Hide and Seek, but to the masked man on loose, it's plain, old boring. So, he decided to make a whole school play Hide and Seek, but with a twist. (I wrote this on 2020, my noobie era. I'm planning on rewriting it when i finish...