Marion's POV
"Marion gising!" Napabalikwas ako nang marinig ko ang pangalan ko. Tumingin ako sa paligid at nakitang nasa isang classroom kami.
"Masakit pa ba ang tagiliran mo?" Tanong ni Jay at tsaka ko lang naalala na nadaplisan pala ako ng bala sa tagiliran.
Tinignan ko ang tama sa gilid ko na mayroon ng nakataling tela para tumigil ito sa pagdudugo.
"Si Jim.. nakalimutan natin siya!" Sabi ko at hinilamos ang palad sa mukha ko. Ang panaginip ko, kakaiba na para bang may ipinapahiwatig.
Pero hindi pwedeng may kinalaman dito si Jim, kaibigan namin siya. Bakit niya ito gugustuhing mangyari sa mga walang kamalay-malay na tao.
"We'll worry about him later, lets worry about you first." Aniya at ibinaling ang tingin sa tagiliran kong napinsala.
"Ayos na ako, tara na puntahan na natin si Annie." Sabi ko skanya at sinubukang tumayo, pero nabigo.
"Magpahinga ka muna." May bahid ng pag-aalala ang boses ni Jay na nagpatawa sa'kin.
"Tss, kaya ko na." Pagpupumilit ko at naka-ilang subok na tumayo ulit, hanggang sa kayanin kona at mamanhid na ang sugat ko.
"Tara na." Baling ko sa dalawa na nanonood lang sa bawat galaw ko sa sulok, "Oh, yea right!" Ani ni Filie at tumayo na kasabay ni Claudia.
Kahit nanghihina ay pinilit kong maglakad at lumabas kung saan nila ako dinala para agapan ang tama ko at para na rin mag-tago.
Sinubukan akong akayin ni Jay pero pinigulan ko siya at sinabing kaya ko mag-isa.
Habang naglalakad kami sa hallway natigilan kami nang marinig ang pamilyar na boses, si Annie! Sabay sabay kaming apat na napalingon kung saan umalingawngaw na pasilyo nanggaling ang boses ni Annie.
"Wag po! Maawa kayo!"
"Dito muna kayo, I'll check on her baka mapahamak pa kayo kung lahat tayo ang pupunta do'n." Sabi ni Jay at nagtungo sa direksiyon kung saan umalingawngaw ang boses ni Annie.
Tinanguan siya ni Filie pero sinubukan siyang pigilan ni Claudia, "Don't leave us here, mas mapapahamak kami kapag iniwanan mo kami dito!" Protesta niya at padabog na ipinadiyak ang paa sa sahig.
"Intindihin mo siya Claudia, para maligtas na' din si Annie at maka-alis na tayo sa mala impiyernong paaralan na'to!" Sabi ko sakanya at sinamaan siya ng tingin. Nakaka-asar na siya, kanina pa.
Inirapan niya ako at binaling ang tingin kay Jay na naglalakad na paalis para mapuntahan si Annie. Ilang oras na kaming naghihintay dito sa gitna ng pasilyong pakurap-kurap ang mga ilaw sa itaas namin.
Umalingawngaw sa kabilang pasilyo ang tunog ng sapatos na tumatama sa makinis na sahig ng ikalawang palapag. Agad na lumiwanag ang mukha ni Claudia na kanina pa nagmumukmok sa gilid ng mga kompartment.
Inirapan ko siya at nag-abang sa pagbabalik ni Jay kasama ni Annie, pero iba ang lumitaw nung kumurap ang ilaw sa pasilyo na inaakala naming pinuntahan ni Jay.
Ang lalaking nakamaskara sa entablado ang lumitaw sa paningin naming tatlo. Agad naman akong nilamon ng kaba at takot nang mapalapit na siya sa direksiyon naming tatlo.
A/N
Late UD :( 💕
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Mystery / ThrillerWe all know the game Hide and Seek, but to the masked man on loose, it's plain, old boring. So, he decided to make a whole school play Hide and Seek, but with a twist. (I wrote this on 2020, my noobie era. I'm planning on rewriting it when i finish...