Marion's POVBubuksan na dapat namin ang pintuan ng closet nang may marinig kami sa di kalayuan. "Bakit pa kasi pinatay ni bossing yung mga ilaw?"
"Oo nga, mas mahihirapan lang tayo maghanap nito."
Nagkatinginan kami sa dilim at muling nakinig sa pinag-uusapan ng dalawang lalaki.
"You do know that I can hear you, right?" Biglang tumunog yung speaker. Wala naman nang nagsalita at nabalot nalang ng katahimikan ang labas nang magsalita yung pinuno nila.
"Para hindi na kayo mahirapan, eto! Lights on!" Aniya at bigla nalang bumukas yung mga ilaw sa hallway. Tahimik lang kaming nanonood sa uwang ng pintuan ng closet.
"Lights off!"
"On!"
"Off!"
"On— opps! I broke it!" Aniya at nakita naming patay sindi na ang ilaw sa labas ng closet. Nagkatinginan yung dalawa at sabay nagsalita, "Sorry, boss."
Naglakad na sila papalayo sa hallway at tsaka lang kami nakahinga ng maluwag. "Pumunta na tayo sa library." Sabi ko sakanila nang nanatili parin si Claudia na naka-upo sa sahig.
"Oh, right!" Aniya at tumango sa sarili niya. Dahan dahan kong binuksan yung janitors closet nang may pumigil sa'kin.
"Wait," Pigil sakin ni Jay at narinig ko naman ang mga nag-gagalawang mga mop at walis. "Ano ba 'yang ginagawa mo?" Tanong ko kay Jay.
"Naghahanap ng pamalo." Sagot niya kaya hinayaan ko nalang siya.
Naramdaman ko nalang na may humawak na sa kamay ko, "Hawak kamay, di kita iiwan sa paglalakbay.." Pag kanta pa ni Filie nang hawakan niya ang kamay ko.
Mahinang napatawa naman ako kahit na nasa ganitong siwasyon kami.
"Sira ka talaga! Tara na nga." Hawak hawak ko ang kamay ni Filie at sa kabila naman ay kay Jay at siyempre hawak ni Claudia yung kamay ng crush niya.
Maingat kaming naglakad sa hallway papunta sa library na medyo malayo pa kung nasaan kami, nasa third floor kasi yung library.
Napatingin ako sa mga nagpapatay-sinding mga ilaw sa ibabaw namin na nagbigay ng pelikulang tungkol sa katatakutan na pakiramdam samin.
Napatigil lang ako sa pag-iisip nang naramdaman kong huminto na kami, kaya tinanong ko sila, "Nasa library naba tayo? Ang bilis naman?"
Pagkatingin ko sakanila nanigas na sila sa kinatatayuan nila at nanlalaki ang mga matang nakatingin sa harapan. Hindi na pala nila hawak yung kamay ko.
Pagkatingin ko naman sa tinitignan nila nanlaki din ang mata ko nang makita ang isa sa mga lalaking nasa likod ng nakamaskarang lalaki sa stage at may hawak itong katana sa kabilang kamay.
"I found you," sabi ng lalaki at dahan dahang lumapad ang ngiti nito sa mukha. Narinig ko nanaman ang nag hi-hysterical na tibok ng puso ko.
Parang may sariling kontrol na ang mga paa ko at dahan dahan itong umatras, kahit gulat at hindi makapaniwala ang pumupuno sa isip ko.
Sumakit ang tenga namin dahil sa tunog ng hawak niyang katana na ikinikiskis sa bakal na compartment.
"Ah!" Daing ni Claudia at napahawak sa magkabilang tenga niya.
Hinatak kona agad ang kamay ni Filie at tumabo pabalik sa daang tinahak namin.
"P-pero mas malayo kung dito tayo dadaan," rinig kong sabi ni Claudia sa likod namin ni Filie.
"Shh! Wag ka munang magpaka bobo ngayon Clauds at baka ikaw ang itulak namin sa lalaking 'yan!" Inis na sigaw ko sakanya at mas binilisan nalang ang pagtakbo.
"Ah!" Biglang sigaw ni Claudia, kaya napalingon kaming tatlo sakanya.
May nakatusok na patalim sa kanang binti nito, at nakadapa na ito sa sahig.
"Oh my g-d! Clauds!" Nag-aalalang sigaw ni Filie nang makita ang kalagayan nito.
"Buhatin mo na siya Jay!" Sigaw ko sakanya nang makitang nakatunganga lang siya at nakatayo sa gilid namin.
"He's coming. We'll die if she'll come with us!" Aniya kaya nilapitan ko siya at sinampal.
"Kaibigan kaba namin?!" Galit na sigaw ko sakanya, "buhatin mo na siya!" Muling sigaw ko at napapikit naman siya at mabilis na naglakad papalapit kay Claudia at binuhat.
"Bilisan na natin! Andiyan na siya!" Sigaw ko nang bumalik na kami sa pagtakbo.
Huminto lang kami sa tapat ng maraming pintuan, ang mga inabandonang club rooms.
Hindi ko na tinignan kung ano yung pinasukan kong room at hinila na sila papasok.
Nang inilibot ko ang tingin ko sa silid may nakita akong kutsilyo na nakatusok sa bungo.
Nakalagay ito sa gitna ginuhit na estreyla sa sahig. Hindi ko na muna ito pinagtuonan ng pansin at isinenyas sakanila na sumunod sa'kin papalapit sa pinakalikod ng silid.
Authors Note:
Please vote/ comment/ share!!
Vomment!! 💕
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Mystery / ThrillerWe all know the game Hide and Seek, but to the masked man on loose, it's plain, old boring. So, he decided to make a whole school play Hide and Seek, but with a twist. (I wrote this on 2020, my noobie era. I'm planning on rewriting it when i finish...