Kabanata 12

23 16 0
                                    

Authors Note:
Not edited. Im planning on finishing this story now or tommorow. :)

Third Persons POV

Habang patuloy na naglalakad sila Marion at ang mga mamamatay tao ay hindi niya mapigilang mapa-isip kung ano ba ang nagawa niya at ganito ang ipinaparanas ng mga taong ito.

Napapikit si Marion at taimtim na nag dasal sa isip, paulit-ulit na ibinibigkas na sana ay hindi pa siya mamatay at hindi ituloy ang balak ng mga mamamatay tao na nakapaligid sakanya. Iyak parin siya ng iyak kaya hindi maiwasan na mapikon ni Jimmy dahil sa nakakarinding hikbi ng kanyang dating kaibigan– este ginamit na babae.

"Manahimik kana! Kundi dito na kita ora mismo papatayin!" Sigaw niya na nagpatahimik sa dalaga.

Nagtaka siya nang makarating sila sa tapat ng pintuan ng Control Room at ipasok siya do'n at itali sa isang kahoy na upuan at itinali ang magkabilang kamay sa hawakan ng upuan gamit ng lubid, itinali narin pati ang kaniyang paa sa upuan at ang kaniyang bewang.

Napakagat labi siya nang higpitan ang pagkakatali sa bewang niya at matamaan ang kaniyang tama sa tagiliran. "B-Bakit mo g-ginagawa 't-to Jimmy? M–magkaibigan t-tayo, anong n-nangyari?" Hindi parin makapaniwalang tanong ni Marion na nagpatawa kay Jimmy na nakatingin ng deretso sa mga mata niya.

"Mag kaibigan? Nakalimutan mo na ba ang ginawa mo sa'kin dati? Nung bata pa tayo hanggang sa lumaki tayo?" Natatawang tanong niya at biglang sumeryoso.

"A-Anong g-ginawa ko–" Naputol ang sasabihin ni Marion nang samutsaring mga alaala ang pumasok sa isip niya nang sabihin iyon ng kaniyang kaibigan.

"Kinakaibigan mo lang ako kapag nag-aaway kayo ng mga kalaro mo," tuloy ni Jim at hindi makapaniwalang tinignan siya ni Marion. 'Parang a-ayun lang?' Tanong niya sa isip.

Sasabihin na sana ni Marion ang nasa isip nang unahan siya ni Jimmy, "Naalala mo pa ba ang unang araw ng pasukan sa sekondarya? Kayong apat–" tuluyan nang bumigay si Jimmy at kumawala na ang mga luha na kanina pa nagbabadyang tumulo.

"Yung mga kalokohan niyo na pag kulong saakin sa janitors closet buong araw, o yung pagpanggap na hindi niyo ako nakikita na sinakyan ng lahat ng estudyante dito! Dalawang taon na halos gano'n, lagi nila akong tinutukso, sinasaktan at sinasabihan ng mga masasakit na salita ng dahil sa inyo, kayo ang nagpasimuno ng lahat! Lungkot ang lagi kong nararamdaman! Minsan gusto ko nalang mamatay kaysa pumasok sa paaralan! You and your friends can go to hell! Magsama-sama kayong apat!"

Nagtatakang tinignan muli ni Marion ang kaibigan, 'tinukso? At pinagtripan? Sa isang tao lang nila iyon ginawa at hindi na niya matandaan ang pangalan. Ang natatandaan niya lang ay isa iyong lalaking tahimik at ang wirdong sunod ng sunod sakanya kaya siya napagtripan dahil sa ka-wirduhan niya.

"I-Ikaw 'yung l-lalaking iyon?" Nanlalaking mata na tanong ni Marion kay Jimmy, mapait na ngumiti ang lalaki sakanya. "Oo ako nga, kung hindi ko pa binago ang sarili ko ay hindi ninyo ako magugustuhan, puro nalang kayo itsura! Mga mapanghusga!" Puno ng hinagpis ang boses ni Jim habang binibitawan ang mga salitang iyon.

Napababa naman ng tingin si Marion dahil sa kahihiyan at pagsisisi sa ginawa niya sa nakaraan.

•••

Next chap agaddd! ❤️ ❤️

Please vote/ comment/ share 💕

Sana nagustuhan niyo ❤️

Hide and Seek Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon