Kabanata 3

76 53 17
                                    

You can play My Strange Addiction by Billie Eilish. ❤️

Marion's POV

Nang makarating na kami sa school ay nagpark na agad si Jay at bumaba sa kotse niya. Sumunod naman ako at lumabas na sa shotgun seat.

"Tara, puntahan na natin sila." Yaya ko kay Jay, tumango naman siya at sumunod sa'kin papunta sa dalawang maingay, at isang lalaking mukhang tangang tahimik lang sa gilid na palinga-linga. Konti nalang iisipin ko nang nababaliw na si Jimmy.

Tska may masamang mangyayari daw? Kalokohan! Parang napaginipan niya lang magkakatotoo na? Tss.

"Nakalimutan kong kunin yung bag ko sa classroom natin, sa canteen muna kayo. Susunod nalang ako." Paalam ni Jim at naglakad na papalayo samin ni hindi man lang hinintay na sumagot kami.

Nakisingit nalang ako sa usap nila Claudia at Filie, "Ikaw Claudia? Sino ba talaga yang binibigyan mo ng chocolate at bulaklak araw araw? Lagi kasi ko kasi nakikita yung dalawa sa bag mo." Tanong ni Filie kay Claudia at agad naman na nanlaki ang mata niya at dahan dahang nilagay ang iilang hibla ng buhok niya sa likod ng tenga niya.

"H-Ha? Ah, ayun ba?" Nahihiyang tanong ni Claudia.

Tss, kilig na kilig lang ang peg nitong babaitang 'to! Pero may pinadadhan siya? Pasimpleng galawan din pala 'tong si Claudia, eh! Hahaha

Narinig ko naman na biglang pag ubo si Jay na nasa likuran ko, "Oh, anong nangyari sayo?" Tanong ko nang humarap ako sakanya.

"W-Wala." Sagot niya at nag-iwas ng tingin. Hmm? Wala daw? Ha! Anong akala nila sa'kin tanga? Hindi naman halata na si Jay ang binibigyan ni Clauds ng bulaklak at tsokolate araw-araw.

"Tara na nga! Nauuhaw na ako." Basag ko sa katahimikan dahil wala nang nagsalita nang biglang nasamid si Jay sa sariling laway.

"Let's go!" Sabi ni Jay at bigla nalang umakbay sa'kin kaya inakbayan ko din si Claudia at ginawa niya rin ito kay Filie. Sabay kaming pumasok sa building at dumiretso na sa canteen, pero habang nagtatawanan sila Filie at Claudia ay may nahagip ang mata ko sa gilid na room.

Lalaking naka sideview na may nakakapangilabot na suot na maskara. Umiling ako at pinikit ang mga mata ko ng saglit, at minulat na ulit. Wala na ang lalaking naka-maskara.

Ang creepy naman na ng imahinasyon ko! Asan na ang puro kalokohan? Na flush na ba? San kana napunta vHie?

"Jay, penge chocolate." Bulong ko sakanya at bigla namang nanlaki ang mata niya, pero agad ding bumalik sa dati ang ekspresyon sa mukha niya. Kalmado.

"Wala akong chocolate. Patay gutom ka talaga." Aniya at kinotongan ako. Potcha! Nakaka-isa na 'tong lalaking 'to sa'kin, ah!

"Pag ikaw kinotongan ko din!" Banta ko sakanya at humalakhak, "Gawa?" Pamimikon niya sa'kin, kaya hindi na ako nagdalawang isip na tanggalin ang braso kong naka-akbay kay Claudia at pinulupot ang braso ko sa leeg ni Jay.

At gamit ang isang kamay na inalis ko sa braso ni Claudia ay kinotongan ko siya ng malutong na sobrang tunog, mas malakas pa sa niyog na binato sa pader.

Natigil lang ako nung may tumikhim sa likuran namin, pagkalingon ko ay sila Claudia at Filie pala. Nakalimutan ko na sila, na aliw kasi ako sa pag-kotong sa matigas na bungo ni Jay.

"T-Tara na sa canteen?" Yaya ni Claudia at hindi na kami hinintay sumagot at bigla nalang tumalikod at nauna na papunta sa canteen.

"Wait—" Naputol yung sasabihin ko nang biglang bumukas yung speaker sa taas ng kisame ng building namin.

"Students, students! Please, gather at the gym. I repeat please, gather at the gym immediately." Tinig ng punong guro ng paaralan ang narinig ko sa speaker.

"Sabay kana samin?" Yaya ni Jay kay Claudia na nagpa-liwanag sa mukha niya. Mag wo-walk out pa, di naman pala kayang tiisin yung crush niya.

"S-Sige.." Payag niya at lumapit samin at tumabi kay Jay. Tss.

Pagkarating namin sa gym ay nakita naming punong-puno na pala ang loob. "Hanap na tayo ng uupuan?" Tanong ko sakanila nang wala paring gumagalaw sa harapan ng pintuan ng gym.

"Doon, oh!" Sabay turo ni Filie sa likuran ng gym, "Bakit doon?" Tanong ko sakanya. Bakit hindi nalang sa harapan?

"Wala lang, tara na!" Aniya at hinatak na kaming dalawa ni Claudia. "T-Teka! Nakalimutan natin si Jim! Paano niya tayo makikita agad pag sa likuran tayo uupo?"

"Pabayaan mo na 'yung lalaking 'yon!" Sabi niya at patuloy na kaming hinila ni Claudia para maka-upo sa likuran. Ang lawak pa naman ng gymnasium. Paano kami makikita ni Jim nito?

Nang maka-upo na kami nagkwentuhan lang kami nang wala paring dumadating sa stage, pero natigilan kaming lahat nang mamatay ang ilaw sa gym at ang natirang ilaw nalang ay ang spotlight sa harapan ng stage.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng gym, dahil rinig na rinig ko ang tunog ng sapatos hanggang likuran ng gym.

Nang makarating na ang taong naglalakad kanina sa kadiliman ay dinukot na agad nito ang mic at nagsalita.

"Good evening, everyone! I just wanna ask something.." tumigil siya sa pagsasalita niya at inilibot ang tingin sa buong gym.

Bigla nalang pumasok sa isip ko ang sinabi kanina ni Jim samin. "Everyone knows how to play Hide and Seek, right? How about we play the game, but with a twist?"

•••

Next chap na agad HAHAHAHHA
PLEASE VOTE/ COMMENT/ SHARE! Hart! hart!

Hide and Seek Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon