Marions POV
"Parang pamilyar yung boses niya, kaso hindi ko masiyadong makilala dahil sa mask na nakatakip sa buong mukha niya." Rinig kong bulong ni Jay na nagbasag sa katahimikan.
"Please, come up at stage!" Sabi ng lalaking nakamaskara sa spotlight. Sino ba ang tinutukoy niya?
Nanlaki ang mata ko nang makitang limang lalaki na ala bouncer ang katawan na may mga hawak na katana, blades, kutsilyo at iba pang matatalim na bagay.
Ano 'to? Play?!
"Oh, back to what I was saying! I disconnected the connection in this school, so no one would cheat! Every student here on Felipe High will be the hiders, and we uhm.. ilan nga ba tayo?" Tanong niya sa katabi niyang lalaking mukhang bouncer.
"Ah! We will be the seekers, but wouldn't it be boring if it's just the plain, old hide and seek? Where's the thrill? Am I right?" Aniya at pabirong siniko ang lalaking nasa gilid niya.
"And don't even think about escaping.. the school is on lockdown." Mas lumalim pa ang boses niya, pero bumalik din sa dati nang magsalita na siya ulit.
"So here's the twist! You hide, yea? Easy peasy? But anyone that will be caught by one of us will die! How about that?" Aniya at humalakhak nalang bigla sa mic.
"The game starts now!" Sigaw niya at may hinugot sa coat niya at tinaas sa ere at pinaputok yung baril na nagpataranta sa mga taong nasa gymnasium, at pati narin saming apat. Nanlaki ang mata ko nang makitang may hinatak siya sa likod ng kurtina ng entablado.
"Having a nice time principal? 'Cause I am." Sabi niya at humalakhak ng malakas na may kasama pang pag-siko sa punong guro. Wala na siyang magawa kundi ang titigan ng masama ang lalaking nakamaskara.
Rinig na rinig ko na ang malakas na tibok ng puso ko.
"Ah, what is his problem?" Narinig kong may dumaing sa likod namin na nagpalingon sa aming apat.
At hindi na muna pinagtuonan ng pansin ang mga estudiyanteng nagkanda ugagang lumabas ng gym."Danny?! Anong ginagawa mo diyan—" pinutol na niya yung sasabihin ni Claudia, "Kasi gusto ko." Simpleng sagot niya.
"Who wants to play a game? It's time for hide and seek! Run, run, run! Time to run and hide! Run, run, run and now I'm going to find you!" Napakasakit sa tenga ang lakas ng speaker sa gym nang magpatugtog ito ng kanta na nagpa-angat sa mga balahibo ko sa braso.
"I don't wanna die yet, so adios!" Sabi ni Danny at tumayo na at tumakbo sa labasan ng gym.
Bumalik lang ang ulirat ko nang may marinig nanaman akong putok ng baril sa stage. "HIDE WHILE YOU STILL CAN! HAHAHA!" Tumawa siya na parang demonyong nakawala sa kulungan niya.
Naramdaman ko nalang na may humila na sa'kin patayo papunta sa labas ng gym, pero bago pa kami makalayo, wala sa sariling lumingon ako sa loob ng gym.
May isa pa palang lalaking natira na naka-upo parin na tila walang problema. "Oh, a hard headed. I expected one." Sabi ng lalaking nakamaskara.
"You think you can scare me? Try again." Sabi ng lalaki at pinag-krus ang mga braso niya.
Nanlaki naman ang mata niya nang itutok ng lalaking naka maskara ang baril sa sentido niya. "Ibaba mo 'yan!" Sigaw niya. Ako na ang kinakabahan para sa lalaki.
"Who are you to tell me what to do?" Sarkastikong tanong ng lalaki at pinaputok ang baril na walang pag-aalinlangan na tumatak sa isip ko at patuloy na paulit-ulit na nag-play sa ulo ko.
•••
Hahahahha you ccan play the song on the multimedia. Please vote comment share.
BINABASA MO ANG
Hide and Seek
Mystery / ThrillerWe all know the game Hide and Seek, but to the masked man on loose, it's plain, old boring. So, he decided to make a whole school play Hide and Seek, but with a twist. (I wrote this on 2020, my noobie era. I'm planning on rewriting it when i finish...