Kabanata 7

45 36 3
                                    


Third person's POV

"Timber! Tara punta tayo sa canteen." Yaya sakanya ng matalik na kaibigan sa sekondarya.

Agad namang napalingon ang nalalakad na Timber nang marinig ang boses ng kaibigan na si Brian.

"Pero kakakain mo palang?" Aniya at binigyan ng makahulugang tingin si Brian na ngayon ay nakangisi.

"Eto naman, magtitingin-tingin lang naman doon.." Dahilan ng kaibigan niya na nagpatawa sakanya.

"Osige na, eto na." Sabi niya kay Brian at napangiti naman siya ng malapad nang mapapayag niya ang kaibigan.

Habang naglalakad sila papunta sa canteen ay hindi mapigilan ni Timber na mag-isip kung ano ang ireregalo niya kay Brian, dahil bukas ay kaarawan na nito.

Habang nag iisip ay may nahagip ang mata niya sa loob ng kusina. Isang lalaki na naka-maskara at kumakaway pa ito sakanya.

Sinamaan niya ito ng tingin dahil inakala niya na isa lang ito sa mga ka-school mate niyang malalakas ang trip.

Nang maka upo na sila sa loob ay napstingin siya sa kaibigan na palinga-linga sa paligid niya na tila may hinahanap.

"Ano nga ulit yung titignan mo dito?" Tanong ni Timber kay Brian na palinga-linga parin sa paligid nila.

"Sabi niya pupunta siya dito, eh" Bulong ni Brian na pinagtaka agad ni Timber. "Sinong pupunta? May bago ka nanaman bang babae? Naunahan mo pa ako." Aniya at tumawa ng mahina.

Mas lalo lang siyang natawa nang makitang bumusangot na ang kaibigan. "Tss, sira. Si Nolia ang hinihintay ko, sabi niya darating siya dito at ibibigay yung notebook ko." Sabi ni Brian.

"Tagu-taguan maliwanag ang buwan, pagbilang ko ng sampu nakatago na kayo! Isa!"

Nagkatinginan ang dalawa nang bigla nalang may tumugtog na kanta sa speaker na nasa sulok ng kisame.

"Dalawa!"

"Tss, hindi na talaga sila maawat at nagpatugtog pa ng ganyan." Bakas ang pagka-inis sa boses ni Brian.

"Malalakas lang talaga ang tama nila."

"Tatlo!"

Ang iba na nasa loob ng canteen ay tumayo na dahil narin sa pagka-irita sa tinutugtog sa speaker, pero ang iba ay nanatili lang at binalewala ang tugtog.

"Apat! Lima!"

"Anim! Pito, walo, siyam, sampu!!" At tumigil na ang tugtog sa loob ng canteen.

Natigilan sila nang biglang namatay sindi ang ilaw sa loob at napansin ni Timber ang taong naka-maskara sa loob ng kusina na ngayon ay dahan dahang naglalakad palabas ng pinanggalingan niya.

Kumakaway parin ito pero ngayon ay kasabay ng pag kaway niya ay pag galaw ng kutsilyo na hawak niya.

"Walang nagtago? Sayang, walang mabubuhay." Sabi ng lalaking naka-maskara at bigla nalang humalakhak.

Na weirdohan naman ang mga estudiyandeng nakatambay parin sa canteen habang nakatingin at nakikinig sakanya.

"Baliw, aalis na nga ako dito." Sabi ng isa sa mga estudiyante at naglakad papunta sa pintuan palabas sa canteen, pero nang ipihit niya ang door knob hindi ito maikot.

"Walang makakatakas." Sabi ng lalaking nakamaskara at may binunot sa bulsa ng jacket na suot niya.

Tinutok niya ang baril sa lalaking nagtankang umalis sa loob, at walang pag-aalinlangang pinutok iyon sa estudiyante.

Napuno ng tiliian ang loob ng canteen na nagbigay ngiti sa lalaking nakamaskara. Ganyan nga, sumigaw kayo, matakot kayo. Sabi ng lalaki sa isip niya at mas lumapad ang pag kakangiti.

Ang magkaibigan naman na si Timber at Brian ay nasa sulok ng canteen at kahit hindi na sabihin ay bakas sa mukha nila ang takot at pagkabalisa.

Agad na naalala ni Timber ang daanan palabas sa dulo ng kusina.

Binigyan ni Timber si Brian ng makahulugang tingin at inilipat at tingin sa loob ng kusina.

Kaagad na naintindihan ni Brian ang tingin ni Timber na binigay sakanya, at tinanguan siya.

Tumigil na sa pagtawa ang lalaking nasa likod ng maskara at kinasa ang hawak niyang baril at itinutok sa isa sa mga babaeng naka-upo at natatakot na nakatingin sa lalaking nagtutok sakanya ng baril.

"W-Wag p-po!" Paki-usap ng babae, pero tila walang sinasanto ang lalaki at kinalabit ang gatilyo ng baril. Nakanganga ito bago malaglag sa sahig.

Nagsigawan nanaman ang mga taong natitira sa loob at ang dalawang magkaibigan naman ay napapikit nalang dahil sa nakita.

Hinatak ni Timber si Brian para magtago sa ilalim ng mesa.

Nang mawalan na ng buhay ang babae dahil sa tama nito ng bala sa noo na tumagos sa bungo niya, ay muli nanamang humalakhak ang lalaki sa likod ng maskara.

Habang tumatawa ang lalaki at tinutok niya ulit ang baril niya sa apat na lalaking natitira. Para mga takot at walang magawang mga babae nalamang ang matira.

Mas dadali ang gawain niya kung mga lalaki muna ang unahin niya. Kaya ipinutok na niya ang baril sa apat na lalaking natira.

"AAAHHH!!"

"Tulong!!"

"Pakiusap! Tumigil kana!"

"Tama na po.." sigaw ng anim na babaeng natira sa loob.


••••

Vomment!! Love lots ❤️ mwaah! 😘

Hide and Seek Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon