Kabanata 13

24 16 0
                                    


Claudia's POV

Patuloy parin kami sa pagtakbo at napahinto lang nang may makasalubong kaming lalaking may hawak na itak. Nagkatinginan kami ni Filie at muling tumakbo sa kasalungat na direksiyon.

Napahinto kami sa gulat nang may lumabas sa pintuan sa gilid namin, agad namang nagliwanag ang mukha ko nang makita kung sino 'yon.

"Help us Jay!" Sigaw ko at agad naman siyang napatingin sa likod namin at hinatak kami papunta sa pinanggalingan niya at ni-lock ang pintuan.

"Wait, where's Marion?" Tanong niya pero walang sumagot saaming dalawa at tahimik lang na napatungo. Agad namang lumapit sa'kin si Jay at niyugyog ang magkabilang braso ko habang paulit-ulit na isinasambit ang pangalan ni Marion. Puro nalang siya Marion! Hindi niya ba talaga mapapansin ang nararamdaman ko sakanya?

Napasigaw ako nang pilit na binubuksan ng lalaki ang pintuan pero naka-lock ito. Hindi na nag-salita si Jay na ikinabahala ko. Galit ba siya sa'kin?

"Nakita mo ba si Annie?" Basag ni Filie sa katahimikan pero inilingan siya ni Jay. "Patay na siya," sagot niya at napa-upo sa sahig na nakahawak sa sentido niya.

Unti-unti namang tumulo ang luha ko at dali-dali ko iyong pinunasan. Napapitlag ako nang may itak na tumagos sa pintuan.

Nakita kong tumayo na si Jay at tumingala sa kisame na mayroong maliit na lagusan kaya binuhat ko ang isang silya at inilapag sa tapat ng butas kahit nanginginig at natatakot sa posibleng mangyari kung makapasok na ang lalaki sa labas.

Unang umakyat sa silya si Jay dahil siya ang pinaka-matangkad, nang tuluyan na siyang makaakyat sa maliit na lagusan at inabot na niya ang kamay ni para sa amin.

Si Filie ang inuna niya pero napatigil lang nang may tumagos nanaman na itak sa pintuan. Malapit nang masira!

"Please, n-nasaan si Marion? Anong nangyari?" Nagmamakaawang tanong ni Jay at napa-iwas naman ng tingin si Filie at ako.

"Jay, hindi nila tayo kailangan. Si Marion ang kailangan nila, kaya iniwan namin siya para sa lalaking nakamaskara sorry," amin ni Filie na nagpa-init ng ulo ko.

"Bakit mo sinabi?!" Sigaw ko sakanya at hinila ang paa niya at nahulog siya sa sahig na may malakas na kalabog. Hindi naman siya makapaniwalang tumingin saakin.

"What the f*ck Claudia?! Bakit mo ginawa iyon? Malapit na makapasok ang lalaki! Ng-iisip kaba?!" Patuloy na sigaw niya kaya tinadiyakan ko siya sa tiyan at bumaling kay Jay na nasa taas.

Itinaas ko ang kamay ko para abutin niya pero nilayo niya lang ang kamay ko at hindi rin makapaniwalang tumingin saakin. "Jay! Come on, grab my hand so I can be safe!" Sigaw ko nang hindi niya parin kinukuha ang magkabilang kamay ko.

Napatili ako nang may humawak sa paa ko, akala ko si Filie iyon dahil sa ginawa ko sakanya kanina pero pagkatingin ko sakanya ay may hiwa na sa noo niya at patuloy na pag-agos ng dugo niya. Gusto kong masuka dahil sa nakita pero natigilang ako nang iharap na ako ng humila sa paa ko.

"Please don't! Tulong! Tulong! Jay, tulungan mo ako!! AAAH!!" Tili ko nang itutok niya ang itak sa kaliwang braso ko at inabante ang hawak at tinuloy nang ibagsak ang armas sa braso ko.

"AAAHHH!" Tili ko nang tuluyang bumagsak sa sahig ang kaliwang braso ko at napatingin ako sa pinsala kung saan dati nakalagay ang braso ko. Sumisirit ang dugo ko at parang gusto ko nang mahimatay nang makita ko ang laman loob ko at buto.

Napatingin ako sa lalaki sa harapan ko at ganon nalang kalaki ang ngisi nito sa mukha. "Hmm, anong gusto mong isunod ko? Kanang braso o kaliwang paa?" Napatili ako nang iabante nanaman niya ang itak at itinutok sa kanang braso ko.

Patuloy na ang pag-agos ng dugo sa magkabilaang mga braso ko. "T-Tama n-na!" Kahit nanghihina ay sinubukan kong sumigaw at himingi ng tulong kay Jay kaso wala ng tao sa maliit na lagusan sa kisame, iniwan na niya ako. Mag-isa para mamatay! Walang hiya!

Ang huling natatandaan ko ay ang pag abante niya muli sa itak at ang pagtutok nito sa leeg ko at tuluyan ng nilamon ng kadiliman ang paningin ko.

A/N

Siguro aabot 'to ng chap 17? Ewan ko HAHAAHAHAHA o kaya 15 lang. lol ciao!

Please vote, comment, share!! ❤️

Hope you like this chap kahit hindi masiyadong descriptive yung pagpaslang kay Claudia. Lol charot lang. sasusunod magpapractice ako kung paano ko maayos na idescribe yung mga ano.. hehehe Chos ulit!

GuyS ewan koba kung dapat na akong kabahan sa sipon kong ayaw mawala :(? Hindi naman ako lumalabas eee! Huhuhu 😭 tuloy parin ud kahit masakit ulo ❤️

Hide and Seek Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon