Kabanata 2

95 59 16
                                    

Marion's POV

Nang makarating na sila Claudia, Filie at Jim sa McDo pumila na ulit sa counter si Jay dahil nagpapalibre nadin ang dalawang kuripot, apat naman kaming kuripot kaya si JayJ lang malakas. De joke.

Habang nag uusap usap kaming tatlo nila Claudia at Filie ni hindi ko man lang narinig na mag salita si Jim. Anong nakain niya at bigla siyang tumahimik? Ay, oo nga pala. Masakit ang ulo niya.

"Ano bang ginawa mo at sumakit ang ulo mo?" Tanong ko kay Jim na nakatungo lang at tahimik sa gilid ni Filie. Nakakailang pag hindi siya nagdadaldal tungkol sa mga ka-abnormalan niya.

"N-Napuyat k-kasi ako kagabi." Sagot niya at nag angat ng tingin samin at ngumiti, "Wag niyo akong alalahanin, pakiramdam ko lang naman 'to, eh."

"Anong pakiramdam?" Tanong naman ni Claudia kay Jim, "That something bad is gonna happen. I had a dream last night. It involves the six of us—" Naputol yung sasabihin niya nung may padabog na nagbagsak ng tray sa lamesa namin. Ayon lang? Parang mababaliw na siya sa gilid at iyon lang pala ang iniisip niya. Nandito naman si Jay at siya para protektahan kaming tatlong babae. Kaya hindi na dapat siya mag-alala.

Pagkatingin namin si Jay pala, "Nyare sayo? G na G, bHie?" Tanong ni Filie at bigla nalang tumawa ng malakas.

"Ubos na baon ko mga kuripot!" Reklamo ni Jay at padabog na umupo sa tabi ko. Pasimpleng umiling nalang ako at pilit na wag alalahanin ang sinabi samin ni Jim kanina.

"Luh? Nakiki bHie ka narin, Filie?" Tinaasan ko siya ng kilay at mahinang tumawa.

"Bakit wala si Annie?" Tanong ko sakanila nang mapansing walang nagsa-side comment sa mga sinasabi namin. "Nasa Library nagpaiwan, ayaw sumama. Alam mo namang books before gala 'yong babaitang 'yon." Sagot ni Claudia at kumuha ng fries at sinawsaw sa ketchup.

"Ah, okay." Napatingin naman ako kay Jay sa tabi ko na tutok na tutok sa cellphone niya. "Wag mahiyang umamin Marion," Biglang bulong sa tenga ko ni Claudia. Nanlaki naman ang mata ko sa gulat at hinarap siya.

"A-Ano ba 'yang pinagsasabi mo Claudia! Nakakagulat ka." Saway ko sakanya at sinamaan siya ng tingin.

"Akala mo hindi ko napapansin na lagi kang nakatingin kay Jay?" Aniya na ikinakunot ng noo ko. Ano ba ang pinagsasabi niya? Nakatingin lang naman ako sakanya dahil gusto kong ibigay yung tira kong fries, sharing is caring mga vHie.

Etong si Claudia talaga, assuming.

Nang matapos na kaming magsi-kainan biglang nagyaya si Jay na bumalik na agad kami sa school.

"May twenty minutes break pa tayo, oh!" Reklamo ni Filie kay JayJ. "Sa tingin mo anong oras na tayo makakarating sa school pag saktong tapusin mo yung twenty minutes break natin?" Pambabara ni JayJ kay Filie na ikinasimangot niya.

"Dakilang Kj mas malala kapa kay Annie!" Pagda-drama ni Filie at padabog na pumasok sa kotse nila Claudia. Nang makapasok na sila Claudia at Jim sa kotse ni Claudia ay sumunod na ako kay JayJ papunta sa kotse niya.

Mas gusto ko sa kotse niya, tahimik lang. pag sumabay ako sa kila Filie siyempre sasakit agad eardrums ko sa sing-along nila sa radio.

"Nakakapanibago lang, ah? Gusto mo agad bumalik sa school? Anong klaseng burgers ang nasa McDo?" Pabirong tanong ko sakanya at tumawa ng marahan.

"Is that a problem? I just want to, and I don't know what kind of burgers they have in your favorite fastfood place." Pa-cool niyang sagot at pinaandar na ang manibela.

•••
Next chap is the start of what the story is about Hehe. ❤️ vote/comment/add to library. :)

Ps. Guys! I hope you can support me on bellas awards! Just vote for BELLA'S #30 (that's me) here's the link https://my.w.tt/fH4UWHSvu8 uwu please?

Hide and Seek Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon