Chapter 14

26 16 1
                                    

Not edited. Planning to finish this today. :)

Third Person's POV

Habang patuloy na gumagapang si Jay sa kisame ay hindi niya maiwasang lumuha dahil sa pag-aalala kay Marion at pati narin sa pag-iwan sa dalawa niyang kaibigan.

Paano kaya kung sa control room ako pumunta para makita kung saan nila dinala si Marion, aniya sa isip at nagdesisyong pumunta sa control room para i-check ang mga CCTV kung nasaan ni Marion o kung buhay pa ito.

Nang may makitang butas ay lumapit siya doon at napagtantong loob ng janitors closet pala iyon kaya dali-dali siyang bumaba at binuksan ang pintuan.

Sumlip siya at nakitang walang tao sa labay at tumuloy na para pumunta sa Control Room.

Sa kabilang dako..

Nilamon ng kaba si Marion nang magsi-alisan na ang mga tao ni Jim para tuluyan ng patayin lahat ng mga natitirang estudiyante ng Felipe High.

Mali nga si Claudia, hindi sila titigil kahit makuha nila ako, sabi ni Marion sa isip at nanlalaking mata na napatingin kay Jim na ngayon ay may hawak ng maliit na patalim.

Lumapit ito sakanya at idinikit sa pisngi niya, pinaparamdam ang talim ng hawak nito.

"Eto na, mararamdaman mo na ang sakit na hinihiling ko dati pa," ani ni Jim at dahan dahang hiniwa ang pisngi ni Marion hanggang sa lumabas na ang mga dugo nito at makita na halos ang laman loob nito. "AAHHH!!" Sigaw ni Marion dahil sa sakit. 

Bumulwak naman ang tuwa sa loob ni Jimmy nang marinig ang palahaw at iyak ni Marion dahil sa sakit. Natigilang si Jim na nakatutok na ang kutsilyo sa tenga ni Marion, akmang hihiwain na niya ito nang bumukas ang pintuan ng Control Room.

Agad na napalingon si Jimmy, inaasahang isa sa mga tauhan niya ang pumasok para istorbuhin siya, pero nagkamali siya ng makita si Jay na nanlalaki ang mga matang nakatingin sakanya at sa ginagawa niyo sa kaibigan. "Hayop ka!" Sigaw niya at walang sabi-sabing sinugod ng suntok sa mukha si Jim.

Agad na napatumba si Him sa sahig at sinubukang gumantinng suntok kay Jay, pero inunahan na niya ito ng suntok na nagpahina sa kanya sa maikling panahon. Hindi na siya nag aksaya ng oras at dinampot ang kutsilyo na hawak kanina ni Jim at pinutol ang mga lubid na nakatali kay Marion.

Namangha siya sa talim nito kaya ibinulsa niya ito at hinatak na si Marion papalabas ng Control Room. Patuloy lang sila sa pagtakbo papunta sa likod ng paaralan kung saan nila plinanong tumakas.

Natigilan sila nang may marinig na boses sa speaker ng school, "Habulin niyo si Marion at ang lalaking kasama niya! Nakatakas siya, papunta sila sa likurang bahagi ng school!" Boses ni Jim ang bumungad sakanilang dalawa kaya mas binilisan nila ang takbo kahit na kumikirot ang hiwa sa pisngi niya dahil sa hangin na tumatama sa mukha ni Marion.

Nang makarating na sila sa destinasyon ay umakyat si Jay sa bakot at mabilis na inabot ang kamay ni Marion para makaakyat na din ito.

Napatingin sila sa pinanggalingan at nakita si Jimmy na tumatakbo papunta sakanila. Agad silang tumalon sa kabila at nagsimula nanamang tumakbo papasok sa mapunong bahagi papunta sa pinakamalapit na siyudad para humingi ng tulong.

Sinubukan niyang lumingon at nanghina ang kaniyang mga tuhod nang makitang may nakatutok na baril sa direksiyon nila, tila asintado si Jim dahil kahit malayo ay nagawa niyo paputukan sa magkabilang binti si Jay.

A/n

Next chap na agad hehehe

Please vote, comment kung ano ang tingin niyo sa chapter na ito? ❤️ maraming salamat!!

❤️

Hide and Seek Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon