LostSouls: 9

12 3 2
                                    

Austin's pov.

Kararating ko lang sa condominum. Until now nagpipigil pa rin ako ng tawa at nagmamadali akong pumunta sa room ko kasi gusto ko makita ulit ang pikon niyang mukha hihi.

Nang nakapasok na ako sa loob ng condo ko ang tahimik ng paligid. I wonder where she is right now? Kanina habang nasa loob ako ng taxi napagpasiyahan kong tawagin siyang Bulbits. Ang laspag naman pakinggan kung bulbol itatawag ko sakanya kaya Bulbits na lang para cool, parang Rapper ang datingan and it's suit her.

"Hmmmm Bulbits," napatawa kong bulong. Excited na akong pumasok sa loob para bwisitin siya ulit.

Nilibot ko ang paningin sa kabuuhan ng condo ko, hindi ko pa rin nakita si Bulbits. Nasaan kaya ang nagsasalitang bulbol na 'yon? Magaala-shete na nang gabi, nagugutom na ako pero tinatamad rin akong magluto ng kakainin kaya kumuha ako ng noodles at soda sa ref. Napagisipan kong sa balcony nalang ako kakain ang init naman kasi dito sa loob kaya bago ako lumabas nilagyan ko muna nang mainit na tubig itong noodles ko.

Nang narating ko ang balcony, akala ko makikita ko siya. Akala ko nandito si bulbits, tsk. Saan kaya siya? gusto ko makita ang pikon niyang mukha. Nilapag ko ang dala-dala kong pagkain sa mesa at umupo na ako sa mahabang kawayang upuan dito.

Malamig at sariwa ang nalalanghap kong hangin dito sa balcony at maganda rin ang view dahil sa mga ilaw nang ibang apartment at shops.

Nagsimula na akong kumain nang mukhang naluto na ang noddles ko. Sa kalagitnaan ng pagkakain ko tumunog ang cellphone ko kaya napahinto ako sa pagkain at kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ko.

And it's my great Dad calling.

[Aa!] bungad niya.

"Yes," sagot ko habang sumusubo nang noodles.

[I heard that hindi ka na naman pumasok nang ilang araw?!] mahinahon at may diin niyang sabi, halatang nagpipigil siya ng galit sa kabilang linya.

[We have a deal, Austin! Binigay ko ang gusto mo, tinanggal ko ang guards mo at ikaw itong hindi tumupad ng usapan.] dagdag niya.

"Our deal is just to pass the long test and I did." walang gana kong sagot.

[I mean hindi lang yung long test na iyon! lahat ang ibig kong sabih---] pinutol ko ang pagsasalita niya nang nagsalita ako muli.

"Dad, I'm eating. Nakakaistorbo ka ng kain."

[Austin, About the deal, you should---!] hindi na natapos ang sinabi niya because I ended the call.

Nagpatuloy ako sa pagkakain at ilang sigundong lumipas tumunog ulit ang selpon ko and Its my Dad again kaya I decline the call and turn of my phone para hindi na niya ako magambala ulit.

"Tsk! storbo," bulong ko sa sarili at nagpatuloy akong kumain.

"Ikaw! Kahit kailan ang bastos mo noh!" nabulunan ako nang sumulpot bigla ang nagsasalitang bulbol na nakaupo sa bangko na nasa harapan ko. Umuubo at naluluha na ang mata ko nang naramdaman ko ang sakit na ng leeg ko kaya ininom ko ang soda.

"Bakit ka ba pasulpot-sulpot lang ng kung saan-saan!" naiirita kong bulyaw sakanya.

"Bakit ang bastos mo sa Tatay mo?!" sagot niya naman.

"Mind your own business, Woman." I said in a firm tone.

"Mind your own business, Woman." she mimicked.

"Tsk!" sagot ko at nagpatuloy sa pagkakain ng noddles ko.

"Tsk! ka din" sagot niya rin, tsk.

LOST SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon