LostSouls: 15

6 1 0
                                    

Kiel's pov.

Nasa tapat na ako ng bahay nila Ajie at rinig na rinig ko ang lakas ng tibok ng puso ko, kinakabahan ako humarap sa tatay ni Ajie. Ewan ko ba hindi ako natatakot na magkasagutan kami ng Dad ko pero itong tatay ni Ajie hindi ko man lang matignan sa mata. Nakita ko na once ang tatay ni Ajie and yeah mukha talaga siyang strict tulad ng kinukwento sa akin ni Ajie.

Ilang minuto na ako dito nakatayo sa gate nila at hindi pa ako kumakatok. Hay! bahala na nga, In God we trust, nawa'y buhay pa akong lalabas. 

"Tao po! tao po!" wika ko habang kumakatok sa kawayang gate nila. Napaatras ako nang may narinig akong yapak papunta sa direksiyon ko. 

Bumukas ang gate at bumungad sa akin ang babaeng kaedad ni Dad at kamukha ni Ajie, baka siya si Mama.

"Anong maitutulong ko, iho?" mabait na saad ng babaeng kaharap ko.

"Magandang tanghali po tita! Na dyan po ba si Ajie?" sabi ko.

"Ah si Ajie, nasa loob, kaklase ka ba ni Ajie? "

"Ay hindi po, Tita," sagot ko naman kaya tinapunan niya ako ng tingin na kung kaano-ano ko si Ajie.

"Manliligaw." 

"Manliligaw ka ni Ajiela?" masayang wika niya.

"Manliligaw po sana kaso hindi pa po ako pinapayagan ni Ajie."

"Hay Ajiela! halika pumasok ka sa munting bahay namin." mabait na sabi ng mommy ni Ajie. Tumango na lang ako at ngumiti at sumunod sakanya.

"Ako nga pala ang mama ni Ajie," sabi niya habang nakangiti. Tama nga ako siya si Mama, Mukhang mabait naman ang nanay ni Ajie. Saan kaya nagmana si Ajie?

"Jhon Kiel po, Kiel for short." pagpapakilala ko habang naglalakad kami patungo sa munting bahay nila.

"Matanong ko lang Kiel iho? Ilang araw kanang nanliligaw sa panganay ko?" tanong niya habang nakangiti. Buti pa talaga tong nanay ni Ajie ngiting-ngiti, si Ajie parang binagsakan ng langit pero maganda pa rin, Hayst nakakainis.

"Apat na taon na po." Sagot ko kaya gulat na napatingin siya saakin. Second year college kami no'n ng nalaman kong hindi na biro ang naramdaman ko, natuluyang natamaan na ako sakanya.

"Apat na taon? Bakit ngayon ka pa lang dumalaw sa bahay?" naguguluhan niyang sambit.

"Ayaw po kasi ni Ajie, kaya hindi na lang ako nagpupumilit."

"Hay si Ajie talaga." sabi niya na umiiling-iling pa.

"Pinapahirapan ka ba ng anak ko, iho?" Dagdag nitong tanong.

"Opo" sabi ko na nakasimangot at tumango na parang bata. Lagot ka Ajie!

"Hayy si Ajie talaga. Pasesyahan mo na ang anak ko ha? Na sobrahan kasi siya sa sipag gusto niya kasing makaraos kami dito." sabi ni Tita habang nilibot ang tingin niya sa tahanan nila.

"Hindi niya na iniisip ang pansarili niyang kaligayahan," sabi niya at ngumiti ng malungkot sa akin.

"kaya nakikiusap akong papaligayahin mo ang una kong prinsesa iho.Oh siya! maupo ka muna diyan, tatawagin ko lang si Ajie."

Umupo ako sa kahoy nilang sofa. Napaisip ako sa sinabi ni Tita, Naalala ko tuloy nung first year namin biniro ko siya na tatangalin ko ang scholarship niya kung hindi niya ako papansinin kaya ayon naging close na kami kahit napipilitan lang siya.

Hayyy Ajie ko huwag kang ganyan mas lalo ang nahuhulog. Umayos akong umupo ng may narinig akong kumakatok sa gate nila. Nagmamadali si Tita maglakad patungo sa gate at tinignan ako.

LOST SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon