Kiel's pov.
"Okay lang ba talaga kayo Tita? Wala ba kayong natamong sugat o paso?" nagaalalang tanong ko kay tita habang sinuri siya.
Nasa condominum kami ngayon na malapit sa school buti na lang ay may space pa kaya nakacheck in pa kami. Walang-wala silang nasalba na kahit anong gamit but it's okay, kahit wala sila nadalang kahit ano but at least they are alive and safe.
"Okay lang ako iho, huwag kanang magalala pa." sagot ng nanay ni Ajie.
"Maraming salamat pala, Iho!" dagdag nito kaya napangiti ako.
"Walang anuman po," sagot ko.
"Ikaw Ajie?" hindi niya ako sinagot dahil busy siyang sinusuri ang mga nakakabatang niyang kapatid kaya umupo na lang ako sa tabi niya para makita ko rin ng maayos ang dalawa niyang kapatid.
Hindi ako kinakausap ni Ajie mula kanina. Ayaw niyang pumayag but pinilit ko sila kaya nandito kami ngayon. May lalakeng kapatid pa pala si Ajie, Senior high na siguro, Nandoon pa rin siya dahil nagpaiwan ito.
Hindi pa kasi dumating ang Tatay ni Ajie dahil naghahanap daw ito ng bagong trabaho. So that means hindi pa niya alam ang nangyari dahil wala pa siya sa bahay ng nasunog ito.
Chinecheck namin ang dalawa niyang maliit na babaeng kapatid.
"May masakit ba sayo?" tanong ni Ajie sa isa niyang kapatid."Wala po, ate."
"Ikaw, liit may masakit ba sayo?" tanong naman ni Ajie sa isa.
"Meron." sagot naman ni Liit.
"Ha? saang parte?" tanong ni Ajie kaya tinuro ng kambal ang tyan niya. Kaagad naman itong sinilip ni Ajie ang tyan ng kapatid niya. Wala naman kaming nakita na sugat o paso.
"Wala naman ah!" sagot naman ni Ajie.
"Gutom na po ako ate." Tugon naman nito kaya na pangisi naman si Ajie
"Sige na, pumunta na kayo kay Mama." sabi niya at tumakbo naman agad sila papunta kay Tita. Bumili nga pala kami ng makakain bago dumiretso dito.
"Huwag tumakbo, Baka madapa kayo!" Naiwan na lang kami ni Ajie dito, So awkward.
"Ajie." I poke her pero hindi niya pa rin ako pinansin.
"Ajieee," paglalambing ko. Tss, Magkalahi kaya sila ni Agnus? Hindi ko alam kung bakit ayaw pa ni Ajie sumama sa amin kanina tapos sinabi niya pang baka mas lalong mapapahamak sila.
"Ajie, sorry na." sabi ko at niyakap ko siya mula sa likuran.
"Bumitaw ka Kiel!" sagot niya habang pumipiglas.
"Ayoko ko. Kakausapin mo muna ako, I need to know bakit nagkakaganyan ka." I said tenderly while hunging my head into her shoulder.
"Kiel, mas lalo kaming mapapahamak."
"Mas lalo kayong mapapahamak kung hindi mo sasabihin sa akin. Hindi tayo makakagawa ng solusiyon kung sasarilihin mo yan." sagot ko naman at hinirap ko siya saakin.
"Kiel, natatakot ako." Kitang-kita sa mga mata niya kung gaano siya katakot at nagaalala.
"Wag kang matakot nandito ako, ako ang bahala sayo kaya sabihin mo na ang lahat. Alam kong tinakot ka lang kaya please, sabihin mo na." sabi ko at hinawakan ang kamay niya.
Nasa sala kami habang nakaupo sa sofa. Sina Tita at ang dalawa niyang kapatid nasa kusina naman.
"She's mad at me, sinasabi niyang inaagaw daw kita sakanya kaya she ask me to avoid you or else dadamayin niya ang pamilya ko." panimula ni Ajie. So she's a she.
BINABASA MO ANG
LOST SOULS
Romance• C O M P L E T E D • Since I was a kid, I don't believe in any paranormal entities, magical creatures or any extraordinary things that science can't explain, simply because they aren't real and they are entirely figment of one's imagination. That's...