LostSouls: 14

9 1 2
                                    


Kiel's pov.

Nasa campus ako ngayon to be exact nasa stage kasama ko ngayon ang mga co-engineering student. Kung tatanungin niyo kung na saan si Agnus? ayun hindi pumasok palibhasa tamad.

Hindi tulad ko na sobrang sipag, si Agnus matalino sana kaso lang ubod ng tamad. Nung umulan siguro ng katamaran basang-basa ang kupal. Pero paminsan naaawa rin ako kay Agnus kulang lang iyon ng pagmamahal hindi tulad ko na maraming nagmamahal, nandiyan ang pamilya ko at si Ajie my labs.

Hindi ako feeler alam kong mahal ako ni Ajie hindi lang talaga siya showy at iba ang paraan niya sa pagpakita niya ng pagmamahal niya sa akin. Sa pagirap niya nangunguhulugan na itong kindat. Sweet diba?!alam ko hehehe.

Nakita ko si Matt kanina wala pa rin si Troye. Kamusta na kaya si Troye? Sana lumala pa ang kalagayan niya. Mga walang galang sa mga kuya! Bored ako ngayon nandito ako nakaupo sa stage hawak-hawak ang tire wire. Hindi ko alam anong gagawin dito kaya binali-bali ko lang ito gamit ang kamay ko.

Wala si Ajie ngayon may klase pa ito mamayang hapon pa sila tutulong saamin. Ngayon nagpa-plano akong ayain ng dinner si Ajie, sana ngayon pumayag na siya. Ilang ulit na akong nagaaya sa kanya pero hanggang ngayon hindi siya pumapayag.

Tss. Hindi ko naman siya i-rerape except kung siya ang nagrequest. Hehehe joke lang baka hindi ako masikatan ng araw niyan! Ngayon hindi lang dinner ang gagawin namin. Magshoshoping rin kami para sa susuutin namin sa socialization at bibilhan ko rin siya ng cellphone.

Wala kasing Cellphone si Ajie hanggang ngayon. Ililibere ko siya sa lahat, Sana pumayag na siya. Alam niyo si Ajie ang kakaibang babaeng nakilala ko. Siya yung tipo ng babaeng hindi mahilig sa mga gamit. Wala siyang pakialam sa mga pinapahid sa mga katawan hindi tulad ng mga babaeng kinakasundo ng parents ko saakin pero kahit wala siyang pamahid sa kanyang katawan. Her skin is indeed smooth and beautiful. Morena si Ajie, pilipinang-pilipina ang ganda. Si Ajie scholar pala siya ng school na 'to. First day of college niya, doon ko siya nakilala.

Nasa office ako noon ng lolo ko ng nakita ko siya kasama ang dean ng school, she's simple but you can't deny the fact na maganda siya. According to my research panganay siya kaya ganon siya kadeterminadong makapagtapos sa pagaaral.

Si Ajie yung tipo kong babae simple lang at masarap kasama. Almost perfect na si Ajie kaso lang may isa lang talagang bagay na ayaw ko sakanya. Alam niyo kung ano? ang hindi niya napapansin ang kacute-an ko. Hindi naman malabo mata niya, ang snob niya lang talaga.

Kahit ganon, gusto ko pa rin siya. Ewan ko ba kung bakit, basta gusto ko siya ng sobrang-sobra.

...

"Ajie wait por me!!" sigaw ko kay Ajie. Tapos na kaming tumulong at uwian na. Ito naman si Ajie parang taong bukid ang bilis maglakad.

"Ajie may sasabihin ako." hingal-hingal ko pang sabi.

"Hoyyy! Ajieeeeeee,"

"Ajienamoto!!" hindi pa rin namamansin.

"Ajiela!" sa wakas lumingon siya. Nakadugtong ang kilay niya habang kunot ang noo, wala ba 'tong ngipin? Hindi man lang marunong ngumiti, tsk.

"Anong problema mo?!" irita niyang sagot. Tss nagpapalambing.

"Magdi-dinner tayo." crossfinger both hands and feet. Sana pumayag ka please. please. please.

"Hindi nga ako pwede," sagot niya. Hayyyyyyyyy! Sumimangot na lang ako sa harap niya, baka may awa pa 'to saakin.

"Bakit hindi pwede?" pabebeng wika ko.

LOST SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon