LostSouls: 24

9 2 0
                                    

Kiel's pov.

[FOR PETE SAKE JHON KIEL! Nǐ zài nǎ?! I ALREADY INFORM YOU ABOUT THIS AND I SAID DON'T BE LATE!!!] Galit na galit na sabi ni Dad sa kabilang linya. May family dinner kasi kami ngayon with Soleil's family and I'm here driving towards to our mansion.

(Nǐ zài nǎ?! - Where are you?!)

[HINDI KA BA NAHIHIYA?! PINAGHINTAY MO SI SOLEIL AT ANG PAMILYA NIYA!!] dagdag ni Dad.

"Don't worry, malapit na ako." I said and ended the call. Galing ako kina Ajie I send them food, alam kong gipit sila lalo na't walang trabaho ang Dad ni Ajie at nasunugan pa sila.

Alam ko naman na may magaganap na family dinner with prends but I told you many times that Ajie's lifer and lifest. Hindi kakayanin ng konsensya ko na nahihirapan si Ajie besides this is all my fault kung bakit sila nakararanas ng ganyan.

Hindi lang ako galing kina Ajie, galing rin ako sa prisinto para tanungin ang mga lalakeng na nagbalak ng masama kay Ajie. I heard one of them admitted that they have been paid. Gusto kong siguraduhin ang lahat at tignan kung ang suspect ko rin ba ang maypakana ng lahat.

They also admitted na hindi naman talaga nila gawan ng masama si Ajie, they just follow her around to scare her.

"Sir, totoo po ang sinasabi ko! ginawa ko lang rin iyon para may kikitain ako sa araw na iyon," pagmamakaawa ng isa. Tulad ko may mga pasa rin sila. 

"Totoo po sir, bayad lang kami!" saad naman ng isa.

"Alam namin na mali ang aming ginawa. Pasensya na kung nasilaw kami sa pera at sumang-ayon ng kumita ng panandaliaan."

"Kilala niyo ba ang taong nagutos sainyo?" seryoso kong tanong.

"Hindi po sir,"sagot ng isa at umiling-uling naman ang iba.

"Pero na mumukhaan ko po!"sabat naman ng isa kaya na pa tingin ako sakanya.

"Alam kong magandang babae po siya kahit nakashades siya at maputi." paglalarawan niya. Kinuha ko ang cellphone ko sa bag para ipakita ang litrato niya. Mahabang scroll pa ang ginawa ko dahil marami akong stolen shot ni Ajie.

Nakita ko na ang tamang litrato at pinakita ko sakanila. Agad naman sila nagsiksikan para tignan ang litrato na nasa cellphone ko.

"Siya ba ang tinutukoy mo?" tanong ko. Kumunot naman ang noo nila habang tinitignan ang litrato.

"Hindi ako sigurado sir, hindi ko alam ang itsura niya pagbuo." sagot niya habang seryoso niyang sabi.

"Basta may naalala akong may balat siya sa braso niya sa kaliwa." saad naman ng isa naikinalaki ng mata ko.

Confirm, siya nga. Wala naman kasi akong ibang kakilala na may balat sa kaliwang braso at mala-anghel na mukha na konektado pa sa M&C company kundi siya lang.

Hindi ko alam kung anong nararamdaman ko ng nakumpirma kong siya nga ang gumawa ng lahat. Hindi rin akong makapaniwala na magagawa niya iyon. She had an angel appearance kaya nagdadalawa pa ako. I think Agnus is right may problema sakanya.

Sinabi ko sa pulis officer ang paguusap namin kaya papaano gumaan ang kaso nila. Isang taon o mga ilang buwan pa silang mananatili rito dahil nga nag-upakan pa kami. Isa pa, hindi biro at mabigat rin ang kasong nagtangkang gumahasa.

Bago ako umalis nileksyonan ko pa sila. Sinabi ko na magbagong buhay na sila at magpakabait tulad ko. Sinabi ko ring bibigyan ko sila ng matinong trabaho pag umayos na sila.

Nasa block namin na ako. Bumusina ako para pagbuksan ako ng gate, agad naman akong tumakbo pa loob at dumiretso sa veranda. Agad ko silang nakita, our parents are busy talking habang si Soleil lang naman ang nakapansin na nandito na ako.

LOST SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon