Austin's pov.
Masayang nagpipicture sina Walter at Bulbits kung saan nagpipicture sina Kiel kanina. "Ang kyut natin dito oh!" rinig kong masayang sambit niya.
"Isa pa!" dagdag niya kaya tinaas ni Walter ang cellphone at ngumiti sila.
"Gusto niyo magpapapicture kay Troye kuya Walt?" Pagrereto pa ni Kiel kay Troye.
"Naku! huwag na, busy rin naman kayo kumukuha ng picture, "pagtangi pa ni Bulbits sa alok ni Kiel.
"Ah, Hindi okay lang," sagot naman ni Troye kaya pumayag rin sila. Binigay ni Walter ang hawak niyang camera kay Troye at nagsimula na silang nagpoposing with the gigantic surfing board.
"Next pose!" sambit ni Troye. Ngayon nagkahawak sila ng kamay ni Walter. Si Kiel naman, ang gago tumili kaya natawa sila.
"Isa pa!" ngayon, niyakap naman ni Bulbits si Walter at ngumiti ng matamis. Noon kapag nakikita ko itong ginagawa ng karaniwang magkasintahan, I shurruged in cringe and clingy but now, I want to feel that feeling too.
"Sana all hinahug! kapag si Ajie kasi may kasamang bugbogan eh," hiyaw naman ni Kiel kaya napatawa ang lahat.
Tinawag rin ako ni Walter para mag-picture rin kami at lumapit rin ako. "Sige! ako ng kukuha ng picture niyo." pagvo-volunteer pa ni Bulbits at agad namang tinapat ang camera niya.
"Lumapit ka pa Austin! " wika niya na nakatingin sa camera habang sumesenyas ang kamay niya palapit kay Walter.
Lumapit naman ako kay Walter ng paunti-unti. "ops, ops. Okay na!" aniya.
"Okay, ready smile!"
"Isa pa, hindi nakangiti si Austin," sabi pa ni Bulbits habang nirereview ang picture na kuha niya.
"Ilabas mo yung yellow corn, Agnus!" sigaw pa ni Kiel kaya na pangisi naman ang mga gago.
"Ngumiti ka Austin," paguutos naman ni Bulbits kaya dahan-dahan naman akong napangiti.
"Ganyan nga! Steady lang!" dagdag niya. Ilang poses rin ang ginawa namin dahil utos yun ni Bulbits, wala na kaming magagawa ni Walter kaya sinunod na lang namin siya.
"Done!" sigaw niya ng natapos na siyang kumuha ng litrato.
"Ang cu-cute niyo rito!" pagtitili pa ni Bulbits.
"Patingin nga!" saad naman ni Walter at tumakbo palapit kay Bulbits. Pinasilip naman ito ni Bulbits kay Walter kaya napangiti ito. Nakatitig lang ako sakanila and suddenly tumingin si Bulbits sa direction ko kaya nagtama ang mga paningin namin na ikinagulo ng buong sistema ko.
"Austin tignan mo!" pagtawag niya saakin, agad naman gumalaw ang paa ko palapit sa direksyon niya.
Huminto ako sa harap niya, ilang pulgada rin ang layo ko dahil naiilang akong lumapit, Nabigla naman ako nang siya ang lumapit sa akin, she's too close, so close to hear my heart beating so fast.
"Oh! Tignan mo, mas lalong kang pomogi!" wika niya habang naiilang naman akong tumango sakanya.
Tumingala siya kaya ang lapit na nang mukha niya sa mukha ko. Nilayo ko naman ang mukha ko ng dahan-dahan. "Mas bagay sayo kapag nakangiti." she said while giving me a genuine smile.
...
It's already seven in the evening, umuwi na rin ang mga ibang guest. Sina Dad and Grace naman nagpapahinga na dahil alam kong pagod na pagod sila lalo na maaga pa silang nagising kanina.
BINABASA MO ANG
LOST SOULS
Romance• C O M P L E T E D • Since I was a kid, I don't believe in any paranormal entities, magical creatures or any extraordinary things that science can't explain, simply because they aren't real and they are entirely figment of one's imagination. That's...