Austin's pov.
Nasa school ako ngayon at nakaupo sa usual spot na palagi kong pinupuntahan, ang bleachers.
Kung naitatanong niyo kung bakit ako nasa school. First, Dahil sa pangbwibwisit ni Bulbits. Binubully niya ako sa nangyari kahapon. Second, wala akong takas sakanya hinatid niya pa nga ako dito sa school. Third, nagleleksiyon na naman siya and it's irritating.
Kakatapos lang namin kumain nang lunch at sabay kami nina Matt at Kiel. Troye is not around, baka masama lang ang pakiramdam niya. Kanina parang nagtatampo si Kiel kay Matt. Hindi nito pinapansin at nakita ko pa itong umirap kay Matt. Narinig ko pa siyang nagpaparinig na huwag daw ako gagaya sa iba na walang respeto sa kuya, tsk isip bata talaga. Si Matt naman nagpipigil lang ng tawa.
Nauna nang umalis si Matt sa aming dalawa may tatapusin pa daw ito. Si Kiel naman ayun nakabuntot na kay Ajie. Ngayong hapon wala kaming klase, gagawa na naman kasi kami ng mga props at ayusin ang venue. Ilang araw na lang kasi at napagisip-isip rin akong umuwi saamin tutal wala naman rin akong maambag dito.
Pumunta ako kay Kiel para ibigay itong bag na pinabantay saakin. Ano tingin niya saakin baggage handler tsk. Uuwi ako sa mansyon ngayon, hihingi ako nang pera para sa susuutin ko sa darating na socialization. Ayaw ko ring gastusin ang pera ko para sa event na yun.
Pinilit ako ni Tito Anthony at alam kong kagagawan iyon ni Kyle, tsk! Pati rin si Bulbits kinukulit niya ako tungkol sa socialization na magaganap.
...
Ilang minuto rin ang lumipas nang narating ko ang bahay namin. Nagcommute lang ako papunta rito dahil wala naman kasi akong sasakyan kaya matagal-tagal ang binyahe ko plus the traffic.
Pumasok ako at binati ng mga kasambay at gwardiyang nakakasalubong ko sa loob. Dumiretso ako sa loob, alam kong wala si Dad ngayon dahil nasa trabaho pa ito kaya I went to Mamita's room para siya na lang ang magsabi kay Dad sa oras na dumating siya mula sa trabaho niya. I knock the door multiple times but there is no respond from Mamita.
"Mamita? Are you there?" I said while continuing knocking Mamita's door.
"Ahm Austin wala si Mamita diyan. Namaalam siyang umuwi sakanila for the mean time dahil birthday daw ng apo niya." nilingon ko kung saan nagmula ang boses and Its Grace who's talking.
"I see." I flatly replied.
"Ano pala ang pinunta mo dito?" tanong niya. Wala na ba akong karapan pumunta dito? tsk.
"None of your business." sagot ko and I turn my back to her.
"Sorry. Gusto ko lang malaman mo kung ang Dad mo ang pinunta mo rito, He's not here may business trip sila at sa sabado pa siguro ang uuwi." sabi niya.
"tsk." wala pala dito ang magaling kong ama. Hindi na rin ako sasama sa socialization na 'yon hindi naman ako interesado at hindi rin yun gaano kaimportante para ibuwis ang pera ko.
Pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig. "Gusto mo bang magmerienda Austin?"tanong ni Grace na nakabuntot pala saakin. Hindi ko na siya sinagot at binaliwala lang ito.
"May kailangan ka ba? Baka may maitutulong ako." tanong niya uli.
"I need money. Mabibigay mo ba yun? Tsk." as if mabibigay niya.
"I can give you money but let me know kung saan mo ito gagamitin, Bilin kasi iyon nang Dad mo." She said nicely.
"We have event this coming saturday, a socialization." sagot ko without facing her habang kinuha ang isang pitcher na nasa refrigerator.
BINABASA MO ANG
LOST SOULS
عاطفية• C O M P L E T E D • Since I was a kid, I don't believe in any paranormal entities, magical creatures or any extraordinary things that science can't explain, simply because they aren't real and they are entirely figment of one's imagination. That's...