LostSouls: 11

7 1 0
                                    

Austin's Pov.

Wala ng pumasok na prof. buong maghapon, ang iba nagbigay lang ng hand outs at hinayaan na kami kaya nasa mall ako ngayon, naggro-grocery. I ran out of food stock dahil konti lang naman kasi yung nakastock sa refrigerator, so here am I.

Kumuha ako ng mga cup noodles in case kung tamarin akong magluto. Kumuha rin ako nang soda at beer. "Magpapakamatay ka talaga ehh no?" wika ni Bulbits na nakabuntot saakin. Mula kaninang umaga hanggang ngayon hindi niya pa rin ako tinatantanan ng nalaman niyang galit ako sa pangyayari kaninang umaga.

"Tsk."

"Anong Tsk ka diyan! Matuto kang uminom nang tubig hoy!" Hindi ko pa rin siya pinansin at kumuha pa rin ng alak at soda para inumin.

Naglalakad na ako patungong Counter para magbayad. Mahaba-haba rin ang pila kaya naghintay rin ako ng kaonti. Itong nagsasalitang bulbol naman putak nang putak, marami siyang tinatanong tungkol kay Tito Anthony, type niya siguro yung Tito ko, tsk. Nang natapos na ako magbayad lumabas na ako sa Grocery area.

"Uy Aa!" napalingon ako nang may tumawag sa akin mula sa likod. It's Kyle, Tito Anthony's Son and my childhood bestfriend too.

"Hey!" sabi ko at sabay namin binungo ang braso namin sa isa't isa.

"Long time no see ah!" sabi niya habang inakbayan niya ako.

"Yeah." hindi kami same school ni Kyle kahit doon sa school namin nagtuturo ang Dad niya.

"Pauwi ka na ba?" tanong niya.

"Oo," Sagot ko dahil na bili ko na ang lahat na bibilhin ko.

"Huwag ka munang umiwi! Magmeryenda muna tayo at para makapagusap tayo tutal maaga pa naman!" pagaaya niya.

I have no choice since he's pulling me already. Hindi na ako nagmatigas pa at sumunod sa kanya, nang napaisip akong wala naman rin akong gagawin sa condo pati ayaw ko pangbumalik doon dahil sa nangyari kanina. Tsk! Naaalala ko na naman ang ginawa kong katangahan.

Nasa isang restaurant na kami ni Kyle ngayon. Tapos na kaming nagorder hinihintay na lang namin na maluto ang kakainin namin at iserve ito.

"At dahil ako nag-aya sayo, ako ang manlilibre sa ngayon. Ngayon lang toh hah? next time ikaw na tutal malapit ng maging ganap na Engineer ang kaibigan slash pinsan ko! " pagmamalaki niya.

"Tsk. Ikaw nga 'tong doctor! Mas malaki ang sahod mo kaysa sa akin," pagbibiro ko naman.

"Malayo pa akong maging Doctor! May 5 years pa! " natatawa niya pang sagot. Naputol ang usapan namin nang dumating ang Waiter dala-dala ang spaghetting inorder namin.

Why Spag? because we both love spaghetti when we were young, to bring back memories daw kaya we ordered Spaghetti. 

I'm currently mixing the sauce and the pasta in the pan at sinubo ko na ito kasaman ang toasted bread.

"How's school? Busy ba sa solvings?" tanong niya. Hindi siguro sinabi ni Tito kung gaano ako naging pabaya sa pagaaral ko.

"Okay lang. Hindi pa kami busy ngayon sa acads. Maybe next week, may program pa kasing gaganapin this saturday para sa graduates."

"Ahhh yung magaganap na socialization ba?"

"Yeah." Sagot ko habang tumango-tango pa.

"May susuutin ka na? Si Dad kasi kahapon nagpabili na kay Mom." wika niya sabay subo ang toasted bread.

"Actually, I have no intention of joining the upcoming event." I said directly in a casual tone.

"You should join Bro! 'Wag kang kj! It's time to meet a girl. Wala ka bang balak magkajowa? Baka nakalimutan mong may usapan tayo!" natatawang saad niya.

LOST SOULSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon