Chapter 10
Nakatayo ako ngayon sa harap ng gate nila Amos, suot ang isang ripped jeans at isang black fitted off shoulder, tinuck in ko ito at nag suot din ako ng belt na Gucci to add some design, pinarisan ko rin ito ng rubber shoes na puti na tatak converse
May dala rin akong isang sling bag na pinag lalagyan ko ng cellphone at wallet ko.
Today is Saturday at ngayon ang date namin ni Amos, kasama ito sa deal namin Nung basketball. It's our first date kaya nag ayos ako ng sarili. No make up tho. Only a small amount of liptint and powder.
Huminga muna ako ng malalim bago lumapit sa gate at nag door bell, after that ay agad namang bumukas ang gate at ibinungad doon ang mukha ng guard nila Amos na si Mang Thomas, ang legendary panot na gate keeper. Lol
"Oh iha napadalaw ka nanaman" bungad agad nito
"Hello din po mang Thomas, parang ayaw niyo akong papuntahin dito ah" ani ko
"Hindi naman sa ganoon Ineng, haha. Nga pala bihis na bihis ah. May lakad?"
"Hindi may lipad po mang Thomas" pilosopo kong sagot dito.
"Ah ganon, sige hindi na kita iche-cheer sa panliligaw mo kay boss Amos"
Agad namang nanlaki ang mga mata ko
"Mang Thomas naman. Joke lang po yun, sa katunayan po niyan" inakbayan ko si Mang Thomas, hindi naman kasi siya katangkaran, pero mas matangkad pa siya keysa sa akin ng ilang pulgada, mga hanggang tenga niya lang ako.
"May date po kami ngayon ng Boss Amos niyo" bulong ko sa kanya
Lumingon agad si Mang Thomas sa akin, halata sa mukha niya ang pagka gulat, nanlaki ang mga natural big eyes niya habang nakatingin sa akin para bang hindi siya maka paniwala.
"Baka naman gawa-gawa mo lang yan ineng" sambit nito
Napanguso nalang ako "wala kayong tiwala sa akin mang Thomas?" Tunog tampo kong saad
"Hindi naman sa ganon ineng pero--" hinigpitan ko ang pag kaakbay ko sa kanya yung tipong nasasakal na siya
"Ano?" I ask
"Teka nga" tinanggal niya yung braso kong naka akbay sa kanya " napaka delikado mo naman ineng nananakal ka na, haha support na nga lang kita" tumawa siya
"Buti naman nag kakaintindihan tayo mang Thomas dahil kung hindi..."
"Pasok ka na nga lang sa loob, sunduin mo na yung Darling mo baka tulog pa yun" sabi niya
Napatingin naman ako sa wrist watch ko
"Impossible naman yun, 8:30 na kaya" saad ko
"Pustahan tayo ineng"
"Bahala ka jan mang Thomas ang daldal mo pong panot" I rolled my eyes playfully
"Aba't--"
"Bye mang Thomas pupuntahan ko lang ang Darling ko" hindi ko na hinintay na mag salita si Mang Thomas dahil tumakbo na ako papasok sa bahay nila Amos.
Baka kung ano nanaman ang sasabihin ng panot na yun eh, may pag ka bully pa naman din yung Mang Thomas na yun
Una kong nakita ang pamilya ni amos na nakaupo sa living room pag pasok ko sa bahay nila.
Tita Jessy was leaning against tito Lash body while tito Lash was hugging her waist, sa tabi naman nila ay si Jeschelle na busy sa pag kukulay ng coloring book niya.
Agad na hinanap ng mga mata ko si Amos pero hindi ko siya namataan.
Napanguso nalang ako, siguro nga Tama ang sinabi ni Mang Thomas sa akin, tulog pa yung si Amos Darling tsk.

BINABASA MO ANG
Im Courting A Beki
RandomRussia Augustina Floresca is a clever lady who fall inlove with her Beki neighbor, named Amos Clyde Tuazon isang napaka mataray na Bakla pero sobrang nabiyayaan naman ng kagwapohan, alam ni Russia na wala siyang pag sa binata or should I say Bakla...