Chapter 12
I am silently sitting on the bus right now katabi ko si Shanine sa upuan ako ang nasa bandang bintana dahil mabilis akong mahilo at masuka sa byahe, while si Shanine naman ay malapit sa daanan.
We are on our way to Tagaytay for our field trip, it's a three days trip kaya may dala din kaming mga luggage na pinag silidan namin ng aming mga damit at mga pag kain.
Excited ako papunta don, ito kasi ang pina ka gusto ko eh, yung mag travel.
I love travelling, most specially when I'm with Amos.
And speaking of my Darling, nasa may unahang parte siya nakaupo, sa unahan mismo nitong kinauupuan ko katabi niya si Kasper yung kaibigan kong basagulero.
Gusto ko sanang ako yung katabi niya pero naunahan na ako ni Kasper kaya dito nalang ako sa likod. Langhiya din kasi tong si Kasper eh ayaw makipag palit sa akin, atsaka wala ring katabi si Shanine kaya hindi nalang din ako nag pumilit pa.
Mga dapit hapon na kami dumating sa tagaytay, medyo malayo rin kasi yun at isa pa mabagal lang ang naging byahe namin maingat kasi si manong driver lalo na at mga studyante ang sakay niya. Tapos nag stop over pa kami para kumain.
my lips stretch for a smile ng makita ko na ang kabuoan ng lugar, nasa beach kami dito sa tagaytay. Pag aari ito nila Amos.
This is not my first time here, nag punta na rin kami dito kasama ang pamilya ko but that was 9 years ago, I was still young and that was my first time to meet Amos.
It's so nostalgic, i miss this place.
"So everyone let's rest for now, you can go now to your assign room" our adviser announce
Agad naman kaming tumalima, tumabi ako kay Amos Darling sa pag lalakad, ngiting ngiti pa ako, flashing my white perfect teeth na pwedeng pang model sa Colgate.
He glance at me sideway and immediately roll his eyes.
"What now?" Mataray nitong tanong
Syempre kahit nag date na kami, wala parin siyang pag babago. Masungit parin siya, sa katunayan nga ay mas domoble ang pagiging masungit niya. Akala ko noong ngumiti siya nung nag date kami ay babait na siya sa akin, pero hindi nangyari eh, parang sinapian nga siya ni Medusa sa sobrang katarayan naku. Kung pwede lang niya akong gawing bato, baka matagal na akong statue ngayon.
Kaasar nga lang kasi instead na maasar ako dahil sa pagiging mas masungit niya ngayon ay mas lalo pa akong nahulog sa kanya.
Kasabay ng pag doble ng pagiging masungit niya ay siyang pag doble rin ng pag mamahal ko sa kanya.
Edi wow!
"You know what Darling? The more na nag tataray ka sa akin, the more din na nahuhulog ako sayo" ngisi ko
"Tsk" asik niya lang.
Hindi ba siya kinikilig sa mga words of love ko? Ang manhid nito ah.
Or worst hindi siya manhid, pero sadyang ayaw niya lang talaga sa akin.
Ayaw niya sa pag ibig ko?
Naman eh!
"Ang gwapo mo talaga Darling, bagay na bagay talaga tayo" sabi ko habang patuloy parin sa pakikipag sabayan sa kanya sa pag lalakad, ang lalaki kasi ng mga hakbang niya eh, kailangan ko pang mag half marathon masabayan lang siya.
Perks of having a basketball player height.
"Langhiya" rinig kong bulong niya
"Bakit? Maganda naman ako ah, gwapo ka rin, oh diba bagay na bagay" I cheered
BINABASA MO ANG
Im Courting A Beki
De TodoRussia Augustina Floresca is a clever lady who fall inlove with her Beki neighbor, named Amos Clyde Tuazon isang napaka mataray na Bakla pero sobrang nabiyayaan naman ng kagwapohan, alam ni Russia na wala siyang pag sa binata or should I say Bakla...