Chapter 7

1.4K 68 0
                                    

Chapter 7

Sobrang lapad ng ngiti ko habang nakahiga dito sa kwarto ko, nakatitig ako sa kulay blue kong kisame habang inaalala ang nangyari kanina.

Hanggang ngayon hindi parin ako maka move on!

Nahalikan ko si Amos Darling sa pisngi at hindi lang yun, simula ngayon. Pwede ko na rin siyang tawaging Darling everytime and everywhere.

Grabe parang hindi ako makapaniwala na magagawa ko iyon, para bang may sumanib sa akin bigla na spiritu at binigyan ako ng lakas ng loob at kapal na mukha para gawin yun.

I can still remember the furious face of Amos kanina, parang anytime gusto na niya akong sugurin at sampalin, but thanks God. Hindi niya ginawa! Dahil for sure sira na tong mukha ko ngayon.

Hinila din ako ni Shanine at Kasper palayo sa Gym, dahil baka daw mandilim ang paningin ni Amos sa akin at masapak daw ako ng wala sa oras.

Hehehe ang hard core talaga nila!

I sigh.

Kailan niya pa kaya ako mapapansin bilang babae na soon to be wife niya and mother of his children?

Pero de 'bali  na nga lang, bata pa naman ako eh, tsaka ko na iisipin yan pag both settled na kami. Hehe.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko at nag simula nanamang mag imagine tungkol sa aming dalawa ni Amos Darling.

Iniimagine ko na nasa loob kami ng ice cream parlor nag susubuan ng ice cream habang tumatawa. Masaya kaming dalawa, at inlove kami sa isat-isa. Hanggang sa....Hindi ko na nadugtungan ang imagination ko dahil hinila na ako ng dream land.

Bigla akong napabangon mula sa aking pag kakahiga ng bigla kong marinig ang malakas na tunog ng alarm clock.

Agad ko itong tiningnan at inis na pinatay.

Kaasar naman eh! Ang ganda na sana ng panaginip ko. Hahalikan na sana ako ni Amos Darling kaso biglang umepal ang nakaka inis na alarm clock kaya ayun naudlot tuloy!

Wahh sayang na sayang talaga! Mahahalikan ko na sana siyang muli. kahit sa panaginip man lang!

Asar talagang alarm clock yun! Tsk

Kinamot ko ang ulo ko at padabog na bumaba sa kama, nag tungo ako sa banyo at sandaling nag hilamos Tsaka nag toothbrush, inilagay ko pa ang kamay ko sa harap ng bibig ko tsaka ako bumuga ng hangin dito para amoyin ang sarili kong hininga.

Hindi naman siya mabaho!

Inayos ko na rin ang magulo kong buhok at lumabas na sa kwarto.

Bumaba na ako sa hagdan namin at dumiretso sa kusina namin, naabutan ko si mommy at daddy doon mag katabing naka upo habang nag kakape.

"Morning" bati ko sa kanilang dalawa

They immediately look up to me and give me a smile

"Morning princess" masiglang bati ni Daddy

"Morning anak" bati naman ni mom

"Si Rustine po?" Tanong ko ng hindi ko ma ispatan si Rustine dito sa loob ng kusina

"Nandoon sa kapit bahay natin. Maagang nakipag laro!"

Ay wow ang batang yun ah! Nauna pa sa aking mangapit bahay!

Tumango nalang ako kay mom

"Labas lang ako" pag paalam ko

"Di ka ba papasok?" Mom ask

Napakamot naman ako ng ulo, yun nga ang problema ko ngayon eh! I don't want to go to school yet!

Dahil sure na sure talaga ako na ako ang laman ng usapan ng mga schoolmate ko ngayon, sa sikat ba naman ni Amos, marami siyang fan girls, marami na rin sigurong galit sa akin ngayon.

Im Courting A BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon