Chapter 14
Nakasimangot ako habang nakatingin sa mga ka batch kong mga babae, they are all wearing a one piece and two piece swimsuit ang si-sexy nila. Habang ako ito balot na balot sa suot kong itim na rush guard na hanggang hita ko ang haba
Kay Amos kasi tong Rush guard na to eh kaya sobrang haba atsaka maluwag din sa akin, pinahiram niya sa akin to dahil wala naman akong extra swim wear.
Though I like the idea wearing this since kay Darling naman to, atleast naranasan kong mag suot ng damit ni Amos pero hindi ko parin mapigilang ma insecure.
Ako lang kasi ang naka rush guard sa amin eh as in. Kaasar. Plus naka suot pa ako ng beach short na pina Hiram rin ni Amos sa akin. Huhu double strike nag mumukha akong tomboy!
"Nakasimangot ka nalang palagi, parang ikaw na ang nag mamay-ari ng lahat ng sama ng loob"
Sinamaan ko ng tingin si Kasper na nasa tabi ko ngayon, kinantahan pa talaga ako ng basagulerong to!
Randam niya siguro ang titig ko kaya lumingon siya sa akin, tsk mas lalo tuloyng nadagdagan ang asar ko sa kanya lalo na at naka ngisi pa talaga siya sa akin
"Alam mo para ka talagang nasunugan ng isang Beach dahil sa mukha mo" saad niya
"Eh sino ba naman kasing matutuwa dito sa suot ko nag mumukha akong tomboy" I said
Sinipat niya naman ako mula ulo hanggang paa, tsaka siya tumawa.
Napaka buting kaibigan talaga nito!
"Kahit naman hindi ka mag susuot ng ganyan mukha ka parin namang tomboy" asar niya
Sinabuyan ko siya ng tubig dagat dahil sa inis, napa hilamos naman siya pero patuloy parin siya sa pag tawa.
"Uy Russia, ayaw mo nun, bagay na kayo ng Derling amos mo, tomboy ka, bakla siya. Oh diba parang babae at lalaki lang rin kayo" napatigil naman ako sa pag saboy sa kanya ng tubig tsaka napaisip
Oo ngano?
I smiled
"Nabaliw ka naman agad, hindi kayo bagay uy" bwesit na panira ng moment tong si Kasper ah
"Kaasar ka" muli ko siyang sinabuyan ng tubig, ngayon mas marami na kaysa kanina
"Uy, uy tigil, hindi naman talaga kayo bagay ah, tao kayo remember?" He smirk
Ah, get a grip Russia baka makalimutan mo pang kaibigan mo yang basagulerong yan
Mas binilisan at dinamihan ko pa ang pag saboy sa kanya ng tubig, nung una puro lang siya depensa pero kalaunan gumanti na rin siya, he use his palm to push the water towards me dahilan para mapahilamos ako yung iba pumasok pa sa bibig ko.
Pwe!
"Kainis ka, kainis ka, kainis ka" ginaya ko Rin ang ginawa niya, medyo effective kasi eh at marami rin ang tumatalsik na tubig
Napahilamos din siya dahil sa ginawa ko kaya halos mag diwang na ako dahil don, napaka babaw talaga ng kaligayahan ko.
"Russia may nag seselos" he suddenly said
Napatigil ako sa pag saboy sa kanya
"Sino?"
"Yung Darling mo, ang sama ng tingin sa gawi natin"
"Asan?"
"Ayon oh!" Pasimple niyang nginuso ang baybayin kaya napalingon ako doon.
At
"Bwesit ka Kasper" napahilamos ako ng maraming tubig. Bigla niya kasi akong sinabuyan ng tubig
Kaasar lang, iniscam ko ng loko, wala naman si Amos don eh, nilinlang niya lang ako para hindi ko mabantayan na sasabuyan niya ako ng tubig

BINABASA MO ANG
Im Courting A Beki
RandomRussia Augustina Floresca is a clever lady who fall inlove with her Beki neighbor, named Amos Clyde Tuazon isang napaka mataray na Bakla pero sobrang nabiyayaan naman ng kagwapohan, alam ni Russia na wala siyang pag sa binata or should I say Bakla...