Chapter 29

2.3K 87 6
                                        

Chapter 29

Totoo nga talaga ang kasabihan, na pag masaya ka ay mabilis din na lumilipas ang oras. Kagaya nalang ngayon hindi ko man lang namalayan na school intramurals na pala namin, college students.

Ilang buwan na ang lumipas, but me and Amos, are still growing strong together, there are times na hindi namin maiiwasan ang tampohan at asaran hanggang sa nasapak ko na siya dahil sa inis. But we are still here, fighting for each other and supporting each other in our every battle.

Kagaya ngayon, para nanaman akong timang na sumisigaw dito sa gym habang sinusuportahan ang aking Darling mylabs na kasalukuyang nag lalaro ng basketball

Marami ngang tumitingin sa akin na mga babae, probably judging me silently in their mind. But I don't really care like duh, sila nga para ng kambing na binitay sa kakasigaw hinusgahan ko ba sila?

Of course yes! Di ko lang pinahahalata mahirap na baka mag karoon pa ako ng kaaway!

"Go Amos Darling" I cheered as I wave my white and blue banners on the air.

Medyo nahihiya pa ako nung unang itaas yung banner ko dahil nga sa suot kong, crop top shirt, na pinarisan ko ng high waisted blue denim jeans with a black Gucci belt, makikita kasi yung tiyan ko eh, pero kalaunan ay nawala na rin hiya ko dahil naalala ko, makapal nga pala ang mukha ko.

Wala sa bokabularyo ng mga makakapal ang mukha ang salitang 'hiya' kaya gora tayo.

"Go Amos, Go Amos!"

Pag ch-cheer naman ng ibang mga babae, hindi naman ako nag patalo, kinuha ko yung dala kong trumpa at nag cheer.

Kala niyo ha, matatalo niyo ako!

"Go Darling, Go Darling!" Malakas kong sigaw habang hawak ang trumpa.

Amos immediately look at my place so I wave at him, he wave back and give me a flying kiss.

Langhiya ka po!

Kinikilig ako!

"Oh my ghad, Amos give me a flying kiss"

"Gaga ako kaya yun'"

"Mga echosera ako kamo yun"

Pag aaway ng tatlong babae sa likuran ko.

I frown, mas mga echosera kayong tatlo! Sa akin kaya siya nag flying kiss, panira naman ng moment!

"30 seconds for the fourth quarter"
The speaker announces.

Kaya kahit gusto kong mag emote dahil may sumira sa moment namin ng Darling ko, ay hindi ko na ginawa. Patapos na kasi ang laban kaya kailangan kong mas mag cheer pa!

"Go Darling, woah go din Kasper go go go!" Mag ka team parin si Kasper and Amos dahil pareho naman silang engineering department kaya Todo support ako.

"Elly Jane mag cheer ka din para kang tuod jan!" Pang siko ko kay Elly, anak nila Tita Ariel and tito Jayson, she's so quiet kasi habang nanonood parang walang kabuhay-buhay to!

"Nah, I don't wanna waste a saliva" she answered "atsaka ayaw ko ring mag ka sakit sa lalamunan so I better be quite" napa simangot ako dahil sa sagot niya, ang kj naman.

Nakanguso akong bumaling kay Shanine na ngayoy panay ang kain naman

"Shanine cheer ka naman"

"Time freeze, masakit na balun-balonan ko" sagot niya atsaka tumungga ng tubig mula sa bote.

I pouted more at humarap nalang sa court.

"Go Darling!" Pag chi-cheer ko nalang mag isa, si Amos ang kasalukuyang may hawak ng bola ngayon kaya mas lalong nag wala ang mga audience!

Im Courting A BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon