Chapter 25

1.8K 80 1
                                    


Chapter 25

Umaga na nung magising ako, ni hindi man lang ako nakapag dinner kagabi. Simula kasi nung matulog ako kahapon sa hapon ay hindi na ako nagising pa dahil sa sobrang kapagoran. Kaya ito inumaga ako.

Napa hikab ako bago umupo sa edge ng kama at sinuot ang tsinelas ko.

Nag unat-unat pa ako Bago tumayo at napag disisyonang bumaba.

Nagugutom ako, sobrang hilab ng tiyan ko parang hangin lang yung laman

Hayys bakit ba kasi hindi ako ginising nung Ex-baklang yun para mag haponan? Kainis na talaga siya.

Hindi na nakakatuwa!

Diretso agad sa kusina ang tungo pag ka baba ko ng staircase.

Napa hawak ako sa buhok ko at medyo inayos yun, shocks hindi pa pala ako nakapag hilamos at nakapag suklay

Pero di Bali na nga, nasa bahay lang naman ako! At si Amos lang naman ang kasama ako, well pake ko sa reaksyon niya.

Tahimik ang buong kusina pag pasok ko, napatingin ako sa lamesa.

It's still the same table years ago.

Napalunok ako, langhiya ano memories bring back?

I mentally shook my head at lumapit na sa double door refrigerator.
Medyo nagulat pa ako ng pag bukas ko nun bumungad sa akin ang napaka daming lulutuin, may gulay. May karne. Isda, gatas, soft drinks, chocolate.

Wow kompleto.

Isang hiwang karne ng baboy ang kinuha ko tsaka mga lamas para sa pag luto ng sinigang, gusto kong humigop ng sabaw ngayon.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag stir nung sabaw ng may biglang pumalupot na braso sa bewang na naging dahilan para mapa iktad ako dahil sa gulat.

"Good morning baby jelly" paos niyang bulong at ibinaon ang mukha niya sa leeg ko.

Nanlaki ang mga mata ko.

Hindi agad ako nakagalaw, it takes a few seconds before ko pa narealize na may ex-bakla pala na nakayakap sa akin.

"What the! Bitawan mo akong Bakla ka!" I immediately hiss as I come back to my right sense

Sinapak ko ang braso niyang naka palupot sa bewang ko.

He laugh bago hinigpitan ng mas maigi ang pag yakap sa akin.

Langhiya! This is so ridiculous!

"Bakla!" Tili ko

"Call me Darling first"  napangiwi ako.

Yucks, ngayon ko lang talaga narealize na sobrang cliche at nakakadiri pala ng endearment na yan and I can't believe that I use to call him using that word before.

Oh my ghad, that is just so nakakasuka!

"Shut it and let me go" irita kong sambit, nag pumiglas ako sa yakap niya but he didn't flinch.

"No, I will never let you go"  seryoso niyang bulong na nagpatigil sa akin
"Always bear it in mind Russia, I will never let you go" dugtong pa niya, nabitawan ko tuloy ang hawak kong sandok dahil sa labis na pag ka tigil

"Anyway, I love your scent" he whispered and drop a small kiss on my cheek.

Ilang minuto na simula nung mangyari ang senaryo namin sa kusina kanina.

Nasa veranda ng kwarto ko ako ngayon nag kukulong, iniwan ko agad si Amos don as soon as he release from his hug, wala akong sinabi sa kanya. Basta nag walk out lang ako diretso.

Im Courting A BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon