Chapter 18
"Cheers for the another triumph of our Team" Coach said habang itinataas ang isang baso ng sparkling sa ere.
"Cheers"
"Wala bang tunay na alak jan?" Reklamo ni Jeff, siya talaga ang pinakamaingay sa grupo
Agad naman siyang binatukan ni Kasper
"Tumahimik ka mukha ka talagang bino kulafo" nag tawanan kami.
Ang iingay talaga ng mga to. Daig ba ang mga babae kung maka pag daldal.
"Gusto mo bang kumain nito?" Tahimik na tanong ni Amos habang pinapakita sa akin ang isang crub.
Napakurap-kurap ako
"Hindi ako marunong mag himay" nahihiya kong sambit
Tumango siya at unti-unting hinimay ang crub, pinag masdan ko lang siya habang ginagawa yun. Tinanggal niya ang dalawang pang kagat ng crub at inilagay yun sa plato ko, medyo nagulat pa dahil dun.
"Just broke the shell nasa loob niyan ang pag kain" sabi niya
Tumango ako bago kinuha ang pang kagat ng crub, sinuri ko yun bago yun kinagat, medyo matigas siya pero Keri lang naman. Napapikit ako habang kinakagat yun. Nung naramdaman ko ng nadurog na ang shell ay agad kong tiningnan yun .
Nag liwanag naman ang mukha ko dahil don.
"Wahh ang galing marunong na akong mag himay" galak kong sabi
He Chuckled "tsk such a baby" ginulo niya pa ang buhok ko
Namula tuloy ako dahil don.
Hayyss nakakalito na talaga ang mga action ni Amos, pinaparamdam niya talaga sa akin na may something, meron nga ba?
Umuwi din kami pag katapos naming kumain don sa resto. Medyo gabi na rin kasi nung matapos kaming kumain at sinundo na rin kami ng driver nila Amos kaya wala kaming choice kundi ang umuwi na sa tahanan namin.
"Goodnight Darling" I said ng makarating kami sa bahay namin.
He nodded "g'night"
I flash a wide grin "congrats again" matapos kong sabihin yun ay mabilis ko siyang hinalikan sa pisngi.
Hindi ko na nakita ang reaksyon niya dahil agad akong bumaba sa cotse nila, takot na baka masampal niya ako.
Dali-dali akong pumasok sa bahay namin at tumakbo patungo sa kwarto, I jump into my bed and buried my face on the pillow at doon pinakawalan ang input na tili.
Oh my gosh, I kiss Amos again!
Nag init ang pisngi ko, ako talaga ang kinikilig sa pinanggagawa ko eh.
Ahhhhhh!
Napatigil ako sa pag titili ng maramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko sa aking bulsa.
Kinuha ko yun
It has a message of the unknown number, my forehead crease
"Sino naman to? Sinira ang moment ko" nakanguso kong sabi habang pinipindot ang unknown number.
From : unknown
Your lips feels good against my skin. Baby jelly - AC
Halos matapon ko ang cellphone ko dahil sa nabasa.
Oh my ghad? Is this for real? Baby jelly?
Teka....si Amos lang naman ang tumatawag sa akin ng ganon ah.

BINABASA MO ANG
Im Courting A Beki
RandomRussia Augustina Floresca is a clever lady who fall inlove with her Beki neighbor, named Amos Clyde Tuazon isang napaka mataray na Bakla pero sobrang nabiyayaan naman ng kagwapohan, alam ni Russia na wala siyang pag sa binata or should I say Bakla...