Chapter 19

2.1K 89 14
                                        

Chapter 19

Times fly so fast, ilang buwan na pala ang nakalipas, Hindi ko man lang namalayan na February na pala ngayon, kung hindi lang inannounce nung adviser namin na mag handa na kami for Valentine's ay di ko malalaman.

Woah, funny how i wait for this month to happened dati, dahil palagi kong niriready ang mga gift ko for Amos, pero ngayon hindi ko man lang namalayan na month of love na pala.

Pambihira!

"So ayon nga, dahil month of love ngayon, may program na gagawin ang school so kailangan niyong mag prepare ng performance para sa program, it's either you will sing or dance basta relevant sa ating theme na 'Love' " sabi nung adviser namin.

"Pwedeng kahit ilan ang performance ma'am sa isang section?" Tanong ng isa naming kaklase na babae

Nanatiling tahimik lamang ako habang nakikinig sa sasabihin ng adviser namin, pero super interested ako don sa Tanong Nung kaklase ko

Naisipan ko lang na baka sasapian nanaman ako ng kabaliwan ko at maisipan kong mag perform para kay Darling ngayon. Hmm I think it's a good idea!

"Pwedeng pwede, mas mabuti nga yung maraming perform para mabigyan rin ang ibang student ng opportunity para ipakita ang kanilang tinatagong talento, kaya kayong mga talented jan, it's time to show off. Sa mga marunong kumanta, pwede kayong mang harana sa mga natitipuhan o mga mahal niyo, sa mga marunong sumayaw pwede niyong sayawan ang mga nagugustuhan niyo, basta ganyan lang"

Na excite naman ako dahil don, may plano na agad na pumasok sa isip ko.

Napasulyap ako kay Amos, he was just listening to our advisers announcement, seryoso ang mukha niya habang nakikinig. As the usual.

Napangisi ako dahil sa naisip, hmm, humanda ka Amos dahil oras na para
Mahulog ka sa akin. Hahaha!

Amos and I had been close this past few months, hindi na niya ako pinag sasalitaan ng masama, pinapansin niya na rin ako at napapansin ko na rin na ako na ang palagi niyang kasama at hindi na yung mga maldita niyang mga Amega na sila Chinelle at Erika.

Hindi ko alam Kung pano nangyari, pero wala na akong pakialam dun ang importante ay close na kami ni Amos. Pero yun nga close lang talaga. Hindi niya pa ako sinasagot.

Naging malapit na rin siya sa mga lalaki ngayon, katulad nalang kay Kasper at sa mga ka basketball team niya, he looks so manly now too. The way he talk pang lalaki na, unlike before na sobrang arte ng pananalita niya para talaga siyang bitchy gay.

"That's all for today class dismiss" huling sinabi ng Teacher namin bago siya lumabas sa classroom namin.

"So anong pakulo nanaman ang naisipan mong gawin ngayong Valentine's day?" Tanong ni Shanine habang nag lalakad kami patungo sa canteen para bumili ng snack

"Its secret para bibo" I give her a playful wink

"Edi wow" she scoffed "but seriously baliw na baliw ka talaga jan sa Amos na yan ha!" Tudyo niya na may kasama pang sundot sa tagiliran ko.

Napa hagikhik naman ako dahil dun

"Willing naman akong mag pa mental para sa kanya" I smirk

"So corny" natawa nalang ako dahil sa komento niya

Matapos naming bumili ng snack ay bumalik na rin kami sa classroom para sa susunod namin na klase.

Natapos ang buong araw namin na walang discussion dahil puro pag plano lang para sa nalalapit na Valentine's day ang pinag uusapan.

Nag diwang naman ang mga kaklase ko at syempre ako, dahil wala kaming klase hindi kami mahihilo sa mga lesson ngayon.

May ibang teacher nga na hindi na pumasok, siguro dahil wala rin silang balak mag discuss

Im Courting A BekiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon