Chapter 9
Nakaupo ako dito sa kama ko, ilang oras na ang lumipas sa katunayan nga ay gabi na, pero hindi parin ako maka get over sa sinabi ni Amos kanina.
Kasi seryoso hindi ko kasi yun naiintidihan. What does he mean with those words?
Argh bahala na nga lang, kailangan ko ng matulog kasi maaga pa akong sasabak sa panibagong gyera bukas.
Humiga na ako sa kama at nag talukbong ng kumot para sana matulog, ngunit nag daan na ang ilang minuto hindi parin ako inaantok.
I close my eyes tightly, langhiya naman eh bakit hindi parin ako dinadalaw ng antok?
Nag pagulong gulong ako sa kama ko, napagod nalang ako dahil sa ginawa ko hindi parin ako inaantok.
Hayyss naman!
Tumayo nalang ako at bumaba sa kama, dumiretso ako sa veranda ng kwarto ko. Mag bibilang nalang ako ng bitwin para antukin ako. Katulad ng palagi kong ginagawa sa twing hindi ako nakatulog.
Isang malamig na ihip ng hangin ang sumalubong sa akin pag ka bukas ko ng aking veranda nanuot ang lamig na dulot nito sa aking laman hanggang sa mga kabutuhan. Feel na feel ko na tuloy ang pasko kahit malayo pa ang December.
Nag lakad ako patungo sa railings at ipinatong don ang dalawa kong kamay, tumingala ako sa langit at don ko nasilayan ang mga nag kikinangang mga bitwin.
I immediately started to count the stars, I know that I look like a stupid here, trying to count the countless stars. But anyway the important thing is that, I am able to feel sleepy after this stupidity.
Nasa kalagitnaan na ako ng pag bibilang ng mga hindi mabilang-bilang na bitwin ng may napansin akong parang gumalaw.
Parang may nakita ako silhouette ng isang lalaki mula sa katapat kong veranda, it seems like it's watching me from the shade of dark.
Napatigil tuloy ako sa pag bibilang at napatitig nalang sa katapat kong veranda, feeling ko may tao talaga eh.
Pero ang tanong, sino naman ang manonood sa akin sa ganito ka lalim na gabi? Impossible namang manonood sa akin si Amos, sa kanya kasi ang kwarto na nasa tapat ko eh
Tsaka walang pakialam sa akin yun, ayaw niya nga akong makita, mapanood pa kaya?
Pambihira naman!
Naalala ko nanaman tuloy ang sinabi niya sa akin kanina, langhiya naman eh!
Mas lalo tuloy akong hindi makakatulog nito.
Gumising akong sobrang bigat ng ulo kinaumagahan, yung pakiramdam na may nakapatong na ilang hollow blocks at puthaw sa ulo.
Gusto ko pa sanang matulog dahil kulang pa ako nun kaso si mommy sobrang kulit paulit ulit akong tinawag kaya narindi ako at wala ng magawa kung hindi mag handa nalang para maka pasok.
Huhu ang bigat ng pakiramdam ko gusto ko pang matulog!
Lutang na lutang akong nag lalakad ngayon sa hallway, dilat yung mga mata ko pero tulog naman ang diwa ko, ni wala na nga akong pakialam kung ano ang nangyayari sa paligid ko eh.
Goodness, why do i have to suffer from sleepiness?
Gusto ko pa talagang humiga!
Pwede ba akong humiga dito sa gitna ng hallway kahit 10 minutes lang? Inaantok pa talaga ako eh.
Napahinga nalang ako ng malalim, hindi pala pwede. I shouldn't embarrass myself lalo na sa mga mata ni Amos Darling mylabs, dapat desente at formal ako sa mga mata niya.
BINABASA MO ANG
Im Courting A Beki
AcakRussia Augustina Floresca is a clever lady who fall inlove with her Beki neighbor, named Amos Clyde Tuazon isang napaka mataray na Bakla pero sobrang nabiyayaan naman ng kagwapohan, alam ni Russia na wala siyang pag sa binata or should I say Bakla...